Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kim Chiu on non-stop bashing after "classroom" quote: “Ang daming perfect sa pinas!”

by Bernie V. Franco
May 12, 2020
ki chiu red tube
kim white white sweater
Kim Chiu to basher who insulted her about her intelligence: “Sinaktan ba kita?!!! Para magsalita ka ng ganyan! Grabe ka naman!!! Preno preno din!”
PHOTO/S: @chinitaprincess on instagram

Ayaw pa ring tantanan ng bashers si Kim Chiu, 30.

Ito ay pagkatapos ng viral "classroom" quote niya sa virtual discussion kasama ang kapwa ABS-CBN stars noong nakaraang linggo.

Sa #LabanKapamilya Facebook Live noong May 8, Biyernes, naglabas ng hinaing ang Kapamilya stars kaugnay ng Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

Kabilang sa mga nagsalita sina Coco Martin, Judy Ann Santos, Cherry Pie Picache, at si Kim.

Nang magsalita si Kim, inihambing niya ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN sa isang scenario sa classroom.

Pero naging masalimuot ang paliwanag ni Kim.

Inako naman ng aktres ang pagkakamali, at humingi ng paumanhin sa pamamagitan ng Instagram post kinabukasan, May 9.

"Hindi ko din naintindihan," walang kaarte-arteng sinabi nito.

Pero sige pa rin ang ilang netizens sa pagbatikos kay Kim.

Ginawa pa nilang katatawanan ang pagkakamali nito at minaliit ang kanyang kakayahan.

KIM DEFENDS HERSELF

Hindi rin naman nagpaawat si Kim at sinagot ang pambu-bully ng netizens.

Continue reading below ↓

Noong Sabado, May 9, nag-post ang aktres ng kanyang workout video sa YouTube.

Sinunggaban ng bashers ang pagkakataon para laitin at murahin uli si Kim sa comments section.

May isa pa ngang sinabing magka-COVID-19 sana siya.

Sabi naman ng isang basher, i-workout daw ni Kim ang kanyang utak.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa kabila ng mga low blows, naging mahinahon sa pagsagot ang aktres.

Aniya, “Grabe naman ate! Inaano po kita para nag mura ka ng ganyan???!!! Grabe ka naman po!

“Sinaktan ba kita?!!! Para magsalita ka ng ganyan! Grabe ka naman!!!

“Preno preno din!”

May isa namang pinagtawanan si Kim, at sinabing umimpis na ang utak nito sa kaka-workout.

Matino pa rin itong sinagot ng aktres, bagamat mararamdamang may galit na sa tono nito.

Sabi ni Kim, “Sa dami ng sinabi ko! Dalawang oras kami nag sasalita duon! Yun lang na pick up mo?!!

“Mas low ka pala sakin eh!

“Di naman kita kilala pero kung makapagsalita ka! Sobra ka!

Continue reading below ↓

“Ikaka proud ba ng nanay mo yung sinabi mo?!”

Continue reading below ↓

KIM SURPRISED BY MEANNESS OF OTHERs

May mga netizens ding pumanig at nagtanggol kay Kim.

Paalala ng isang netizen, huwag na lang pansinin ni Kim ang pamba-bash dahil sadyang may mga taong pagkakamali ng iba ang hinahanap.

Pagsang-ayon ni Kim: “I think so. Kasiyahan nila manira ng kapwa tao. Grabe sila.

Continue reading below ↓

“Ikinayaman ba nila manira ng kapwa?

“Kung ikakayaman nila edi go. Kung hindi why waste your time? To hurt someone?”

May isa namang nagkomento na masyadong mataas ang tingin ng iba sa sarili.

Sagot ni Kim: “Exactly!!!!! Ang daming perfect sa pinas! [clapping hands emojis]”

Nabanggit din ni Kim na hindi niya inasahan ang sobrang meanness ng ibang tao.

Anito: “didnt expect people can be this mean. Parang bakit sila galit na galit?

“Inano ko ba sila?... sinaktan ko ba?

“May pinatay ba akong kamag anak niya? This people are being so mean. Grabe lang.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

KIM FIRES BACK

Pinatunayan ni Kim na kaya rin niyang makipagsabayan sa pamimilosopo at pang-aasar.

Sabi ng isang basher, sa susunod daw ay talakayin ni Kim ang pagkakaiba ng “law and rule”

Pananabla ni Kim: “Ikaw na lang kaya since naisip mo yan?!! Try mo!”

Huwag na raw siyang mag-Ingles sa susunod.

Banat ng aktres: “Eh gusto ko! Bakit anong problema?

"Marunong naman ako kahit papano! Bakit ka nanood?

“Baka hindi mo kasi naintindihan!!!!! [sticking out tongue emoji]”

Isang female netizen ang nagpayong magbasa si Kim at hindi lang pagpapaganda ng mukha at katawan ang atupagin.

Resbak ni Kim: “Try mo din kaya tanggalin filters sa mga pictures mo! Puro ka filter eh! [laughing, peace sign emojis] peace!!”

Banat ng isa pa: “Nakaka talino ba mag work out kim?”

Sagot ni Kim: “Yes!!!!!”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu to basher who insulted her about her intelligence: “Sinaktan ba kita?!!! Para magsalita ka ng ganyan! Grabe ka naman!!! Preno preno din!”
PHOTO/S: @chinitaprincess on instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results