PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Clavio criticizes NCRPO chief’s “mañanita” using Kim Chiu’s viral classroom quote 

Arnold Clavio uses Kim Chiu's viral classroom analogy in hitting cops violating protocols.
by Arniel C. Serato
Published May 14, 2020
Arnold Clavio hits NCRPO cops for violating quarantine protocols during Major General Debold Sinas' birthday salubong: "INAYOS MO ‘YONG RULES NG ECQ NIYO AT SINABMIT MO ULIT SA HEPE MO AY PWEDE NA PALA ANG MAÑANITA.”
PHOTO/S: Courtesy: @akosiigan on Instagram

Hindi pinalagpas ng brodkaster na si Arnold Clavio ang nangyaring surprise birthday salubong o "mañanita" para kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas.

Ginanap ang okasyon noong nakaraang madaling araw ng, Biyernes, May 8.

Si Sinas ay nag-celebrate ng kanyang ika-55 kaarawan—o isang taon bago ng kanyang mandatory retirement mula sa Philippine National Police (PNP) force.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawa ang pagtitipon sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kung saan nag-oopisina at tumutuloy si Sinas.

Idinaan ni Arnold sa Instagram kahapon, May 13, ang kanyang kritisismo sa nangyaring pagtipun-tipon.

Mahigpit na ipinagbabawal ang social gatherings dala ng social-distancing measures ng gobyerno ngayong may COVID-19 pandemic.

Kapansin-pansing ilan sa mga salitang ginamit ng Saksi host ng GMA ay hango sa viral “classroom” quote ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Ang viral "classroom" analogy ni Kim ay nabanggit niya noong May 8, sa Laban Kapamilya online protest patungkol sa ABS-CBN shutdown.

Sabi ng 55-year-old Kapuso veteran journalist, “SA ILALIM NG ECQ MAY BATAS, BAWAL MAG-BIRTHDAY PARTY, OH BAWAL ANG BIRTHDAY PARTY.

“PERO ‘PAG SINABI, ‘PAG NAG-COMPLY KA NA BAWAL ANG PUBLIC GATHERINGS AT SOCIAL DISTANCING PERO MAY GINAWA KA SA PINAGBABAWAL NILA,

"INAYOS MO ‘YONG RULES NG ECQ NIYO AT SINABMIT MO ULIT SA HEPE MO AY PWEDE NA PALA ANG MAÑANITA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "mañanita," sa tradisyon ng militar at pulis, ay ang pagkanta ng mga subordinates sa kanilang commander sa okasyon ng kanyang birthday.

Nilagyan pa ni Arnold ng ganitong caption ang kanyang post: “Ang sabi ni Kim Tsu…”

Sadyang pinahiwatig niyang inspirado ng "classroom" quote ni Kim ang paninita niya sa police chief.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SINAS WILL NOT GO ON LEAVE AMID CONTROVERSY

Bukod kay Arnold, binatikos din ng maraming netizens ang nangyaring birthday salubong ni Sinas.

Si Sinas kasi ang namumuno sa pagpapatupad ng strict protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila.

Kasama na nga rito ang social distancing, curfew, at iba pang protocol.

Ilan naman sa celebrities na pumuna sa police chief ay sina Agot Isidro at Jodi Sta. Maria.

Pinaiimbestigahan na ng pamunuan ng PNP ang nangyari, ayon sa tagapagsalita ng pulisya na si Brigadier General Bernard Banac.

Ang Internal Affairs Service (IAS) ang inatasan ni PNP Chief General Gamboa na magsagawa ng imbestigasyon.

Sa panayam naman kay Sinas ngayong araw, May 14, sa The Source ng CNN Philippines, sinabi nitong hindi siya magli-leave sa trabaho.

Ito ay kahit pa raw may isinasagawang imbestigasyon sa alegasyong paglabag niya sa quarantine protocol.

Saad ni Sinas, "Unless otherwise instructed by the chief PNP (Philippine National Police) or the President, I don't think so.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman kailangan, kasi hintayin ko na lang po ang result ng investigation.”

Nanindigan din siyang walang maling nangyari sa idinaos na birthday salubong para sa kanya dahil close-door naman daw ito at mahigpit nilang ipinatupad ang social distancing measures.

Dagdag pa niya, “I don't think so na there's a double standard... Yung gathering po namin, hindi po yun mali.

"Wala po kaming nakitang mali doon, for me ha.

"It's very ungentlemanly kung hindi ko sila hinarap, at kung pinauwi ko sila.

"They prepared for that. I think we observed naman yung protocol.”

Ganunpaman, humingi na ng dispensa si Sinas sa pangyayari kahapon, pero hindi pa rin ito tanggap ng netizens.

Sabi nito, “I asked an apology, but if some groups will not accept it, okay lang po sa amin.

"I've already given my explanation.

"I will have the investigators na lang assess what really happened."

PINAKAHULING BALITA TUNGKOL SA PARTY

Magpa-file bukas, Biyernes, May 15, ang Philippine National Police ng criminal charges kay Major General Debold Sinas at sa mga dumalo sa kanyang handaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Clavio hits NCRPO cops for violating quarantine protocols during Major General Debold Sinas' birthday salubong: "INAYOS MO ‘YONG RULES NG ECQ NIYO AT SINABMIT MO ULIT SA HEPE MO AY PWEDE NA PALA ANG MAÑANITA.”
PHOTO/S: Courtesy: @akosiigan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results