Arjo Atayde misses girlfriend Maine Mendoza: "It's hard to be away from your loved ones."

by James Patrick Anarcon
May 16, 2020
Arjo Atayde says it's hard to be away from girlfriend Maine Mendoza during this lockdown.
PHOTO/S: @arjoatayde on Instagram

Nami-miss ni Arjo Atayde ang girlfriend niyang si Maine Mendoza.

Sinabi niya ito sa virtual media conference ng iWant original movie na Love Lockdown para sa ABS-CBN internal media noong May 13.

Ito ay pagkatapos kumustahin ng isang reporter ang mga artistang bahagi ng pelikula na may karelasyon.

Naitanong din kung paano nakaapekto sa kanila ang hindi pagkikita dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Saad ni Arjo sa kanyang sagot, "It's hard to be away from your loved ones—family, girlfriend. This quarantine is making us stronger."

Dito binanggit ni Arjo na nami-miss na niya ang girlfriend.

Pero bukod kay Maine, nami-miss na rin daw ni Arjo ang magtrabaho at lahat ng nakakasalamuha niya.

Subalit sinabi niyang si Maine ay nasa "top of my list."

Patuloy ni Arjo, "Yeah, that's it. I miss her, I miss everyone, I miss work, I miss acting, I miss everything.

"But yes, she's on top of my list as well and my concern on what's happening to everything."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ARJO ATAYDE-MAINE MENDOZA LOVE STORY

Unang napabalitang nagde-date sina Arjo Atayde at Maine Mendoza matapos may magpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng litrato nilang dalawa na magkasama sa isang restaurant noong October 2018.

Noong panahong ito ay magkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Pagkatapos nito ay nakita rin silang magkasama sa isang bar sa Bonifacio Global City.

January 2019 nang inamin ni Arjo na sila ay "exclusively dating."

February 2019 naman nang unang mag-post si Maine ng litratong kasama si Arjo sa Instagram.

December 2019 ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang unang anniversary.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo noong February 2020, natanong siya kung napapag-usapan na rin ba nila ni Maine ang pagpapakasal.

Sagot ni Arjo, "Yes, we got to talk about it."

At nang mabanggit kung si Maine na kaya ang magiging Mrs. Atayde, ang mabilis na tugon ng ABS-CBN actor, "Of course, of course."

Continue reading below ↓

Huling nakitang magkasama sina Arjo at Maine noong March 2020 sa Palawan para i-celebrate ang 25th birthday ng Kapuso actress-TV host.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde says it's hard to be away from girlfriend Maine Mendoza during this lockdown.
PHOTO/S: @arjoatayde on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results