PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Frankie Pangilinan rises above bashers calling her "frogkie, bida-bida"

Frankie Pangilinan bravely posts all sorts of name-calling that bashers have been hurling at her.
by Rachelle Siazon
Published May 17, 2020
Frankie Pangilinan bravely posts on Twitter all sorts of name-calling that bashers have been hurling at her.
PHOTO/S: Frankie Pangilinan Instagram / Twitter

Isang buong taon na raw na madalas pinuputakti ng bashers si Frankie Pangilinan, ang 19-year-old na anak ni Sharon Cuneta kay Senator Francis Pangilinan.

Umalma si Frankie dahil ayaw raw siyang tantanan ng bashers na mimamaliit ang kanyang kakayanan at binabatikos pati ang kanyang pisikal na hitsura.

Sa pamamagitan ng Twitter, ipinost ng dalaga ang kumpol ng negative comments na natatanggap niya.

May tumawag sa kanyang "b*b*ng anak ng b*b*ng senador," "stupid girl" at "bida bida."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabihan din siyang "mukha kang timang," "frogkie," at "manok na putak nang putak."

Base sa screenshots na ipinakita ni Frankie, ang iba sa mga batikos ay galing sa netizens na kinokontra ang mga opinyon niya sa current events sa bansa.

May mga tirada rin kay Frankie na "mana" raw siya sa amang si Senator Kiko na "unggoy, hindi lang sa utak pati sa itsura!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


UNDAUNTED BY ARGUMENTS THAT ARE "NOT FACT-BASED"

Ang mga inilabas na screenshots ni Frankie ay ilan lamang daw sa matitinding panlalait sa kanya sa social media.

Tweet ni Frankie, "every single damn day for the last year at least???

"like get a fkin life if u hate me so much why u so obsessed with me."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


Nang mabasa raw niya ulit ang pinupukol na batikos sa kanya, napagtanto raw ni Frankie na panalo pa rin siya laban sa bashers.

Dahil alam daw niya sa sarili niyang walang basehan ang mga tirada sa kanya.

Hindi raw siya tatablan nang panlalait sa kanyang "voice, looks, relationship status" o anumang pagkuda sa "love lives" ng kanyang mga kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tawagin siyang "bobo" ay wala rin daw bisa.

Sabi ni Frankie na kasalukuyang nag-aaral sa U.S, "if any of these contextually superficial ass things are your consistent crutch/es ...

"and you can’t make any substantial fact-based arguments, eh di panalo ako, diba?"


Hindi maiwasang magkaroon ng bashers si Frankie dahil aktibo siya sa social media at hindi nangingiming maghayag ng kanyang "personal convictions."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo na noong December 2019, nang maglabas siya sa Twitter ng patama laban kay President Rodrigo Duterte.

Dismayado noon si Frankie dahil sa maling impormasyong ipinakalat ng Pangulo na "pinapaalis na" umano ni Sharon ang asawang si Kiko dahil sa isang marital issue.

HOT STORIES

Sa huling bahagi ng tweets ni Frankie, iginiit niya na hindi siya padadaig sa mga taong pilit na gustong patahimikin siya.

Tweet niya, "for all the times you managed to make me question my self worth, for all the times you threatened to find me, hurt me, kill me, for all the times you tried to silence me, and for everyone who’s felt the same — for everyone who deserves better."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumpiyansa raw siya sa kanyang talino at pisikal na hitsura.

Natatawang tweet pa ni Frankie kalakip ng kanyang mga litrato, "anyway i have a brain and a mirror lmao."

SELF-CONFESSED KATHNIEL FAN

Ginamit din ni Frankie ang hashtag na "weblockasone" bilang patama sa bashers.

Hango ito sa trending hashtag na ginamit ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) laban sa bashers.

Naging tampulan kasi ng mga batikos sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa pagdepensa nila sa ABS-CBN na sana ay huwag tuluyang ipasara ang network.

Kaya umapela ang KathNiel fans na i-mass report ang sinumang lalait kina Kathryn at Daniel.

Ayon kay Frankie, isa siyang KathNiel fan at hanga siya sa tibay ng loob ng dalawa na maninindigan kahit pa marami ang bumatikos sa mga ito.

"basta i knew i was a kathniel stan for a reason goodnight."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan bravely posts on Twitter all sorts of name-calling that bashers have been hurling at her.
PHOTO/S: Frankie Pangilinan Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results