Panay ang tuksuhan nina Ivana Alawi at DJ Loonyo sa social media, na ikinakikilig naman ng kanilang followers.
Noong Abril, ilang beses ang mga pahaging nilang tila may espesyal na namamagitan sa kanila.
Pero walang direktang pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang relationship status.
Noong April 21, nag-prank call pa si Ivana kay DJ Loonyo.
Tinanong ng sexy star kung "anong meron sa atin."
Nabuking ni DJ Loonyo na nire-record pala ni Ivana ang usapan nila, at umamin ang aktres na tumawag siya dahil nag-uusisa ang fans nila kung ano ang estado ng kanilang relasyon.
Bukod sa pagkakaroon ng milyun-milyong YouTube followers, si Ivana ay kilala ring sexy actress mula sa ABS-CBN.
Si DJ Loonyo, o Rhemuel Lunio sa totoong buhay, ay isang dancer/choreographer/professional disc jockey na naka-base sa China.
IVANA ON REAL SCORE BETWEEN HER AND DJ LOONYO
Noong May 7, nag-post si Ivana ng larawan ng napakaraming roses.
Inamin ni Ivana na kay DJ Loonyo galing ang mga ito.
“Galing daw Ecuador ‘yon, nag-eroplano pa yung bulaklak kaya na-appreciate ko siya.
“Sobra kasi thoughtful nung tao,” sabi ni Ivana tungkol kay DJ Loonyo.
Inilahad ni Ivana ang tungkol sa mga bulaklak na ipinadala ni DJ Loonyo sa kanyang YouTube video na ipinost noong May 14, Huwebes.
“Napakabuting tao talaga ni Rhems [DJ Loonyo] kasi very thoughtful,” sabi pa ng 24-year-old actress.
“Kung ano yung nakikita niyo sa video, yun naman siya, e.
“He wants to inspire people, and I think that’s really good.”
Mensahe pa niya kay DJ Loonyo: “Keep it up because you make a lot of people happy.”
Sinagot din ni Ivana ang tanong ng netizens kung ano ba ang real score sa kanila ng dancer-DJ.
“Guys, we’re friends,” sambit niya.
“We don’t talk as much as we talk before…”
Hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na lumalim ang pagtitinginan nila ni DJ Loonyo.
“Maybe in five years, or three years, or two years or one year, pag-uwi niya, di ba, malay natin.
“Huwag tayong mag-close ng pinto kasi may bintana,” pagbibiro pa ni Ivana.
Pagdating naman sa pag-aasawa, sinabi ni Ivana na kahit anong oras ay puwede na siyang lumagay sa tahimik.
“Anytime,” hirit niya.
“Puwedeng next month, puwedeng next year.
“Dati kasi, gusto 21, e, lampas na ako, wala na.
"Kaya ako, kahit kailangan na lang."
IS IVANA BEING PROHIBITED FROM WEARing SKIMPY CLOTHES?
Natanong din si Ivana kung may nagbabawal sa kanyang magpa-sexy.
Napansin kasi ng maraming netizens na hindi na siya madalas mag-post ng larawang kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan.
Tugon niya, “Actually, lagi akong nakaka-receive sa comments ko na, ‘Bakit ka naka-T-shirt ngayon? Bakit hindi ka naka-sleeveless? Bakit hindi kita cleavage mo?’
“Ang daming nagsasabi, ‘Meron bang nagbabawal sa ‘yo, or meron bang istrikto?’”

Paniniyak ng aktres, “I’m still the same Ivana. It’s not because a guy is telling me not to show my body.
“Unang-una, wala akong pakialam sa mga sasabihin ng lalaki sa akin, at wala din akong pakialam sa sasabihin ng tao, whether they like it or not.
“It’s either you like me or you hate me.
“No. Walang nagbabawal sa akin at hindi ako papayag na may magtuturo sa akin, na may magdi-dictate sa akin na bawal mong gawin ‘to.
“Hindi ako papayag sa gano’n."
Sabi pa ni Ivana, “I’m just happy right now, and I’m happy wearing T-shirts and I’m happy not showing my cleavage in every video.
“Kung ano magpapasaya sa akin, yun ang gagawin ko, at wala akong pakialam at walang nagbabawal sa akin.
“Kaya tigilan niyo yung isyu na ‘yan na may nagbabawal sa ‘kin.”
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)
