Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angel Locsin, Anne Curtis revive Shop & Share to raise funds for mass testing

by Jet Hitosis
May 20, 2020
Actresses Angel Locsin (left) and Anne Curtis (right) spearheaded the Shop & Share auction fundraiser in 2009 to help the disaster relief efforts of Philippine National Red Cross weeks after typhoons Ondoy and Pepeng battered Luzon.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @annecurtissmith on Instagram

Suportado ng big stars ang auction fundraiser na ilulunsad ni Angel Locsin para makapagsagawa ng mass testing kontra sa coronavirus disease.

Lunes, May 18, nang ianunsiyo ng 35-year-old actress-humanitarian ang pagbabalik ng fundraiser niyang Shop & Share.

Ito ang naging reaksiyon ni Angel sa news report na nagsabing wala umanong “mass testing” program ang gobyerno ngayong may pandemic.

Martes, May 19, nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang quote sa kanyang ito ng media.

Aniya, ang kanyang tinukoy ay ang kawalan ng Pilipinas ng mass testing program na kagaya ng sa Wuhan, China.

Gayunman, sinabi ni Roque na ang mayroon tayo ay “targeted testing” sa two percent ng populasyon.

Sinisikap din daw ng Department of Health na makapagsagawa ng hanggang 30,000 tests kada araw, ayon sa tagapagsalita ng Malacañang.

As of May 20, nakapagtala na ng 13,221 COVID-19 cases sa bansa.

Nasa 2,932 sa mga ito ang gumaling, at 842 ang namatay, ayon sa DOH.

Continue reading below ↓

ANGEL REVIVES SHOP & SHARE

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, ikinuwento ni Angel na taong 2009 nang inilunsad niya ang Shop & Share.

Target nitong kumalap ng pondo para ayudahan ang mga sinalanta ng bagyong Ondoy ng taong iyon.

Maraming celebrities ang nag-donate ng personal items nila, na isinubasta sa eBay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang mga kinita sa auction ay idiniretso sa Philippine National Red Cross, na siyang namahagi ng tulong sa mga binagyo.

RAISING FUNDS TO BUY TEST KITS

Sa pagkakataong ito, naisip ni Angel na gamitin uli ang Shop & Share fundraiser para makabili ng COVID-19 test kits “for the poorer sectors.”

Saad sa post ni Angel: “We would like to revisit the idea of artists coming together and helping those who need it the most.

“This time, with the funds we raise, we would like to purchase test kits and allow testing opportunities for the poorer sectors in the hopes of helping out in the efforts to provide mass testing in the country.”

Continue reading below ↓

Naniniwala ang Forbes Hero of Philanthropy na mass testing ang pinakaepektibong paraan upang makontrol ang pagkalat ng virus.

“Because in this way we can make a higher impact, by pushing the TEST-TRACE-ISOLATE/TREAT formula that is the only proven way to defeat the virus,” dagdag ni Angel.

CELEBRITIES SHOW SUPPORT

Sa huling bahagi ng post, nanawagan si Angel ng tulong at suporta mula sa kapwa niya celebrities.

Continue reading below ↓

Tagged at inaasahang makikibahagi sa fundraising ni Angel sina Anne Curtis, Bea Alonzo, Vice Ganda, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Angelica Panganiban, Piolo Pascual, Marian Rivera, Dingdong Dantes.

Naka-tag din sina Kim Chiu, Coco Martin, Liza Soberano, Bela Padilla, Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Jennylyn Mercado, Jodi Sta. Maria, Shaina Magdayao, Karla Estrada, at Dimples Romana.

Mabilis ang naging response kay Angel ng malapit na kaibigang si Anne, 35.

Si Anne ang katuwang ni Angel sa paglulunsad ng Shop & Share, sampung taon na ang nakalipas.

Nang araw ring iyon, ini-repost ni Anne ang bagong fundraising initiative ni Angel.

Sa caption, hinimok ng It’s Showtime host na makipag-ugnayan sa kanila ang mga “fellow artists and colleagues” na gustong tumulong.

Continue reading below ↓

Sulat ni Anne sa caption: “We do hope you can join us as we all work together to help flatten the curve in the Philippines in our own little way.”

Nagkomento si Angel: “Here we go mars! [three heart emojis]”

Sagot ni Anne kay Angel: “here we go Darna! [kiss mark emoji]”

Continue reading below ↓

Binanggit ni Anne ang matagal nang bansag kay Angel na “real-life Darna.”

Naging aktibo kasi si Angel sa kawanggawa ilang taon matapos niyang gampanan ang papel ng Pinay superheroine sa GMA-7 series na Darna, noong 2005.

Bukod kay Anne, ni-repost din ng iba pang kaibigan at kapwa celebrity ni Angel ang kanyang Shop & Share fundraiser.

Kabilang sa kanila sina Bea, Dimples, Karla, at ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

THE BIRTH OF SHOP & SHARE

September 26, 2009 nang nagbuhos ng malakas at tuluy-tuloy na ulan ang bagyong Ondoy sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Ilang araw na nalubog sa baha ang Metro Manila at mahigit 10 pang lalawigan.

Aabot sa 464 katao ang nasawi at lagpas 993,000 pamilya ang naapektuhan, base sa record ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang araw, September 29, sa Luzon din nanalasa ang bagyong Pepeng.

Bagamat mas mahina kaysa Ondoy, mas matagal na binayo ng Pepeng ang Luzon.

Dalawang araw nagpaulan ang Ondoy, siyam na araw sumalanta ang Pepeng.

Napatay ng Pepeng ang 465 katao, at nakaapekto sa mahigit 954,000 pamilya, ayon sa NDRRMC data.

Para tulungan ang mga nabiktima ng magkasunod na bagyo, naglunsad ng hiwalay na telethon at relief operations ang GMA-7 at ABS-CBN.

Sumagot ng phone calls sa telethon at nagbalot ng relief goods ang maraming Kapuso at Kapamilya celebrities.

Habang sabay na kumikilos ang rival networks, binubuo naman ni Angel ang konsepto ng Shop & Share, katuwang si Anne.

Beneficiary nito ang disaster relief operations ng Red Cross.

Si Angel ay isang Red Cross ambassador.

Bukod kay Anne, kasama rin ni Angel sa fundraiser ang actress-TV host na si Kris Aquino at ang aktres at best friend ni Angel na si Dimples.

Continue reading below ↓

HOW IT STARTED?

Sa launch ng Shop & Share noong November 14, 2009, naikuwento ni Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nagsimula ang auction website.

Sinabi ni Anne sa PEP.ph: “Si Angel ang tumawag sa akin.

“Tapos, tinanong niya ako kung gusto ko raw ba iyong mga auction-auction ng bags.

Continue reading below ↓

“Siyempre, gusto ko iyan, forte ko iyan, e!” natatawang patuloy ni Anne.

“Tapos iyon na, after, super nag-brainstorming na kami kila Ate Kris kung paano namin gagawin.

“Then, iyon nga, online ang napagdesisyunan namin.

“Si Ate Kris ang nag-suggest na online bidding na lang.”

ANGEL SELLS HER HERMES KELLY BAG

Para sa mga Ondoy at Pepeng victims, nag-donate ang celebrities ng sari-saring personal items nila para maisubasta sa eBay.

Kabilang sa mga isinalang sa bidding ang Hermes Kelly bag ni Angel.

Ang mamahaling bag na ito ni Angel ay nabenta ng PHP330,000, ayon sa report ng Pilipino Star Ngayon.

Ipina-auction din ni Angel ang iba pa niyang designer bags.

Kabilang sa mga ito ang Louis Vuitton (LV), Salvatore Ferragamo, Prada, Yves Saint Laurent, at Philippe Charriol brands.

Mamahaling bags din ang donasyon ni Anne para maisubasta, gaya ng isang Gucci tote handbag, isang Burbery handbag, at isang LV backpack.

KRIS, RUFFA, LUIS, DONATE BAGS, SHOES, WATCHES

Designer bags at wristwatches ang ipinasubasta ni Kris.

Continue reading below ↓

Tory Burch bags at shoes ang donasyon ni Ruffa Gutierrez.

Mamahaling bags din ang ipina-auction ng noon ay magkasintahan pa lang na sina Marian at Dingdong.

Si Kim, bukod sa LV bags, ibinigay ang bestidang isinuot niya sa taping ng ABS-CBN teleseryeng Tayong Dalawa (2009).

Samantalang isang pares ng autographed running shoes at training mitts naman ang donation ni Manny Pacquiao.

Para sa fundraising, nagbigay ng Technomarine watches si Luis Manzano.

Nang mga panahong iyon, kakahiwalay pa lang nina Luis at Angel, bagamat nanatili silang magkaibigan.

Continue reading below ↓

CELEBRITIES UNITE FOR A CAUSE

Ilang linggo matapos magsimula ang auction, nakapanayam ng PEP.ph si Angel.

Nagpahayag ng kasiyahan ang aktres sa dami ng artistang nag-donate at sa maraming taong sumali sa auction.

“Overwhelming ang response ng mga tao,” sinabi ni Angel nang ma-interview ng PEP.ph noong October 20, 2009.

“Nakakatuwa na maraming gustong tumulong.”

Sinabi ni Angel na higit pa sa presyo ng donated items, mas binibigyan nila ng importansiya ang value ng gamit para sa nagbigay nito.

“Ang importante sa amin kung gaano ka-special iyong item na iyon sa nag-donate," sabi ni Angel.

Nagbigay rin ng personal items sa Shop & Share sina Heart Evangelista (Tiffany & Co. ring at Fendi shades), Isabelle Daza (dresses by Rhett Eala, Debbie Co), Pokwang (LV Magnolia Heels shoes), at Maxene Magalona (Gucci at Coach bags).

Para makatulong sa mga binagyo, nag-donate din sina Boy Abunda (Uru Recoleta jacket at Roberto Cavalli glasses), Mariel Rodriguez (Kate Spade, Prada at Marc Jacobs bags), Gerald Anderson (Oakley Eye Patch sunglass), at Sam Milby (acoustic guitar).

Continue reading below ↓

May kani-kanyang donasyon din sina Dimples, Judy Ann Santos, Ogie Alcasid, KC Concepcion, Bubbles Paraiso, at Erik Santos.

Tinatayang aabot sa PHP1 million ang kabuuang nalikom ng Shop & Share para sa mga sinalanta ng Ondoy at Pepeng.

Ang inisyatibong ito ni Angel para makatulong sa Ondoy victims ang naging simula ng tuluy-tuloy na humanitarian efforts ng aktres hanggang ngayon.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actresses Angel Locsin (left) and Anne Curtis (right) spearheaded the Shop & Share auction fundraiser in 2009 to help the disaster relief efforts of Philippine National Red Cross weeks after typhoons Ondoy and Pepeng battered Luzon.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results