Kaka-recover pa lamang ni Kim Chiu sa "classroom" quote niya ay muli na naman siyang binabatikos.
Ito ay matapos marinig ang panibagong quote ng Kapamilya actress tungkol sa kung paano nito nagawang positibo ang isa sa mga pinakamababang punto ng kanyang buhay.
Nakapanayam ng ABS-CBN entertainment correspondent na si MJ Felipe si Kim nitong May 26, Tuesday, at natanong si Kim tungkol sa kanyang "Bawal Lumabas" song.
Naging emosyunal si Kim nang balikan ang open letter na natanggap nito mula sa hindi niya kilalang tao, si Adrian Crisanto, na nagsabing naging inspirasyon si Kim para gawan niya ng kanta ang viral "classroom" quote.
Sabi ni Kim kay MJ: "Sobra akong nabuhayan na, na, na natayo ko yung... Natayo, para siyang umikot. Not 369... 360, parang, 'Oy, dito tayo, punta tayo dito.' Yung ganun. Di ko naman... from a stranger, from a stranger yung nangyare."
Mapapanood sa nine-minute mark ang quote ni Kim sa video na ito:
Sa isang tweet nitong Biyernes, May 29, umalma si Kim sa bashing muli sa kanya sa social media dahil sa panibago niyang quote.
Pahayag ng Kapamilya actress, "That feeling na yung classmate mong hinihintay kang magkamali 'tapos pagtatawananan na naman nila kahit nonsense na!!!"
Pero, ang magandang ugali pa rin ni Kim ang nanaig.
Bilang sagot, inengganyo ng aktres ang basher, na tinawag niyang "classmate," para tumulong sa kanyang charity project nang may pagkaabalahan daw ito.
Sabi ng aktres: "Classmate! Busy ako mag-ayos ng bawal lumabas merch for fundraising. Gusto mo maging reseller na lang? Para may magawa ka and makatulong sa kapwa?"
Bukod dito, ni-retweet ni Kim ang magandang mensaheng natanggap mula sa isang Twitter follower.
Ang tweet ng kanyang follower: "Don’t let them affect you Kim.
"They have not learned kindness yet, pero ikaw master’s degree na!
"Continue to show them kindness & love. Stay happy & strong.
"Maraming nagmamahal sayo. [heart emoji]"
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
