Detach Video
Remember when Coco Martin asked: "Bakit kami natatakot sa gobyerno?"
Jun 2, 2020

Nung 2015, tinanong si Coco Martin sa presscon ng FPJ's Ang Probinsyano kung may ieendorso siyang pulitiko sa darating na 2016 elections.

Ang 2016 election ay ang General Elections kunsaan ibinoto ang mga uupo sa executive at legislative branches ng gobyerno—national, provincial, at local—maliban sa baranggay officials.

Sagot ni Coco, magiging maingat at mapili na siya sa pag-eendorso ng mga pulitiko sa eleksyon na yun.

"Nakakapagod, nakakasawa," tila pagrereklamo ni Coco.

“Parang may mga tao kang tinulungan, 'tapos magugulat ka na ganun pala yung nangyari.

"Ayaw ko nang maulit yun."

Sinundan pa ang sinabing ito ni Coco ng paghahangad niyang magkaroon talaga ng pagbabago sa sistema ng pulitika sa bansa.

“Kung maaari, gusto ko nga lahat bago, para magkaroon tayo ng bagong lipunan.

“Kung dadagdagan lang din natin yan, uulit lang tayo nang uulit sa mga taong ilalagay natin sa posisyon, walang mangyayari, ganun pa rin.

“Sino ba ang mahihirapan? Tayo pa rin.”

Patuloy ni Coco, “Honestly, may realization nga po ako, e.

"Parang, bakit kami natatakot sa gobyerno, bakit kami natatakot sa mga taong nakaposisyon?

“Kung tutuusin, tayo ang nagpapasahod sa kanila. Dapat tayo ang pinaglilingkuran nila.

“Sana, kung magkaroon ng pagkakataon, sana baguhin lahat.

“Sana, kung maaari, sana baguhin lahat, sana bata lahat para magkaroon ng pagbabago.”

POLITICIANS COCO CAMPAIGNED FOR AFTER THIS

Nung 2016 elections, sumama sa campaign sortie sa Bulacan ng noo'y presidential candidate na si Grace Poe si Coco.

Nangampanya ang aktor doon para sa anak ng iniidolo niyang si Fernando Poe Jr.

Tinanong pa ni Coco ang mga naroroon kung dapat bang suportahan ang kandidatong nagmumura, walang respeto para sa ibang tao, at walang paggalang sa kababaihan.

Ang Davao City Mayor na si Rodrigo Duterte ang nanalong pangulo nung 2016 at pumangatlo naman sa botohan ang kinampanya ni Coco na si Senator Grace Poe.

Nung 2019, muli niyang ikinampanya ang re-election bid ni Sen. Poe.

Inindorso rin ni Coco ang kanyang Ang Probinsyano co-star na si Lito Lapid sa pagbabalik nito sa Senado.

Parehong nanalo ang mga ito.

COCO TO GOVERNMENT: "ITO BA ANG SERBISYO NIYO SA BAYAN?"

Sa kasalukuyan, muling nasasabit ang pangalan ni Coco sa pulitika.

Lalo na nitong mga nakaraang araw na naglalabas siya ng sama ng loob sa pagpapasara ng home network niyang ABS-CBN.

At sa isa sa kanyang social media posts, kinuwestyon niya pa ang serbisyo sa bayan ng gobyerno.

“Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?

“Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan!

“Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada!”

Binanggit pa niya si Solicitor General Jose Calida,

“Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!"

Si Calida ang nagsampa ng quo warranto petition sa Supreme Court para makansela ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Ang quo warranto petition naman ni Calida ang itinuturong dahilan ng National Telecomunication Commission kaya sila nag-issue ng cease and desist order sa Kapamilya network.

Sa opening statement ni SolGen Calida sa Kongreso nung Lunes, June 1, sinagot nito ang patama sa kanya ni Coco.

Dinidinig nung araw na yun ang ABS-CBN franchise.

Pagkataos magkomento tungkol sa ilang Kapamilya stars na gumagamit ng sarili nilang social media para ipagtanggol ang ABS-CBN, binanggit ni Calida si Coco.

“One of the more prominent stars who spoke against the government is Coco Martin.

“He said in a social media post addressed to me that and I quote, 'Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako.'"

Ang mga katagang nabanggit ng SolGen ay sinabi ni Coco sa #LabanKapamilya Facebook Live noong May 8.

Buwelta ni Calida, “He feels that he can solve problems the same way as he solves them on screen with macho bluster and bravado.

“Allegedly he has apologized for his tantrums.

“Coco Martin’s outburst showed a clear lack of understanding of the situation.

“If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words.”

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results