Kathryn, Liza, Pia, Catriona, Taylor Swift unite to #JunkTerrorBill; Sotto calls critics “epal”

by Jet Hitosis
Jun 4, 2020
Actresses (L-R) Kathryn Bernardo, Liza Soberano, US pop superstar Taylor Swift, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, and Miss Universe 2018 Catriona Gray join pleas against the passage of the Anti-Terrorism Bill of 2020. The controversial bill is now a step closer to becoming a law after the House of Representatives approved it in record time on Wednesday, June 3.
PHOTO/S: @bernardokath, @lizasoberano, @taylorswift, @piawurtzbach, @catriona_gray on Instagram

Patuloy na nadadagdagan ang mga personalidad na umaapela laban sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill of 2020.

Simula nitong Martes, June 2, kani-kanyang post sa social media sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, James Reid, at Maris Racal upang ipanawagan ang pagbasura sa kontrobersiyal na panukala.

Maging ang American pop superstar na si Taylor Swift ay nagbahagi ng link ng #JunkTerrorBill campaign sa kanyang Instagram Stories.

Ilang araw nang trending ang #JunkTerrorBill at #JunkTerrorBillNOW.

Kasunod ito ng tumitinding pagtutol ng iba’t ibang sektor sa anila’y mga kuwestiyonableng probisyon ng Anti-Terrorism Bill.

Kabilang dito ang hindi malinaw na kahulugan ng “terrorism” at “terrorist,” ang paglilegal ng warrantless arrest, hanggang 24 araw na pagkakapiit, masusing surveillance na tatagal ng ilang buwan, kawalan ng pananagutan ng awtoridad sa unlawful detention, at parusang 12 taon hanggang habambuhay na pagkakakulong.

ANTI-TERRORISM BILL NOW APPROVED BY CONGRESS

Sa gitna ng coronavirus pandemic, ipinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasabatas sa panukala.

Continue reading below ↓

May 29 nang in-adopt ng Kamara ang Senate Bill 1083, o ang Anti-Terrorism Bill of 2020.

Aprubado na ng Upper House ang SB 1083.

Ang bersiyon ng Lower House ay tinawag na House Bill 6875.

June 1, sinertipikahan ng Presidente bilang urgent ang HB 6875.

June 2, ipinasa ng Lower House ang HB 6875 sa second reading.

June 3, nitong Miyerkules ng gabi, aprubado na rin ng Lower House ang HB 6875 sa third at final reading.

Posibleng ngayong Huwebes, June 4, o Biyernes, June 5, ay mapipirmahan na ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Bill upang maging ganap na batas.

Nagawa pa ring maaprubahan ang panukala sa kabila ng mariing pagtutol dito ng ilang mambabatas, isang grupo ng mga abogado, sektor ng academe, at maging ng ilang kilalang celebrity.

Matagal nang sinasabi ng mga kritiko na hawak ng Presidente ang Kongreso.

CATRIONA, PIA, KATHRYN, LIZA SPEAK UP

Naniniwala si Catriona Gray, 26, na makokompromiso ng Anti-Terrorism Bill ang human rights, dahil sa importanteng mga probisyon nito.

Continue reading below ↓

Gamit ang #JunkTerrorBill, ipinost ng Miss Universe 2018 sa Instagram nitong Miyerkules, June 3, ang quote card mula sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Mababasa sa quote card: “If a law to fight terrorism is to be contemplated, let the respect and defense of human rights be the paramount consideration.”

Continue reading below ↓

Bukod dito, ibinahagi rin ni Catriona sa kanyang Instagram Stories ang kopya ng mismong Anti-Terrorism Bill bilang reference.

Human rights din ang konsiderasyon ni Liza Soberano, 22, kapag naisabatas ang kontrobersiyal na panukala.

Tweet ng Kapamilya actress nitong Martes ng gabi (published as is): “Please do not take away our voices our basic human rights!!!!”

Continue reading below ↓

Sa all capital letters nasusulat ang tweet ni Kathryn Bernardo, 24, nitong Miyerkules ng hapon: “#JUNKTERRORBILLNOW.”

Continue reading below ↓

Parehong hashtag ang gamit ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 30, nang i-tweet niya nitong Miyerkules ng umaga ang link sa information page ng #JunkTerrorBill campaign.

Ang nabanggit na information page tungkol sa Anti-Terrorism Bill ay bahagi ng map of international protests sa website builder na Carrd.co.

HOT STORIES

TAYLOR SWIFT SHARES ONLINE PETITION

Ang link din na ito ang ibinahagi ni Taylor Swift sa kanyang Instagram Stories kahapon.

Continue reading below ↓

Merong 133 million followers sa Instagram, hangad ng 30-year-old Grammy winner na mabigyang pansin ng mundo ang sari-saring isyung sentro ng mga debate sa ngayon.

Kabilang dito ang Anti-Terrorism Bill, na mainitang pinag-uusapan sa Pilipinas, at ang BlackLivesMatter movement sa Amerika.

Sumiklab ang BlackLivesMatter, isang usapin ng racism, kasunod ng pagpatay ng white policeman na si Derek Chauvin sa black citizen na si George Floyd noong May 25.

Continue reading below ↓

JAMES AND MARIS JOIN PLEAS

Tinuhog ni James Reid, 27, ang Anti-Terrorism Bill at BlackLivesMatter sa kanyang Instagram post nitong Martes.

Nag-post ng itim na photo ang singer-actor, at ginamit ang #junkterrorbill at #blackouttuesday sa caption.

Sa Instagram Stories naman nag-post si Maris Racal, 22, ng paninindigan niya kontra sa Anti-Terrorism Bill:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nauna nang nanawagan laban sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill sina Janine Gutierrez, Nadine Lustre, Enchong Dee, Agot Isidro, Solenn Heussaff, at Isabelle Daza.

SOTTO: “ANG DAMING EPAL”

Pero para kay Senate President Tito Sotto, “mukhang hindi naiintindihan” ng mga kumokontra sa panukala ang mga probisyon nito.

Continue reading below ↓

Tinawag niyang “epal” ang mga kritiko ng controversial bill.

Si Sotto ang principal author ng Anti-Terrorism Bill of 2020, na nag-amyenda sa Human Security Act of 2007.

“Napakaraming naririnig at nababasa sa social media na mukhang hindi naiintindihan, e,” sinabi ni Sotto sa interview sa kanya ng DZMM Teleradyo nitong Miyerkules.

“Katakut-takot na pintas.

“Hindi nila alam itong Anti-Terrorism Bill na bago.

“Ang daming epal, ‘ika nga.

“Tapos ang dami namang pumipintas, iyong ipinipintas nila wala doon sa bill.”

FORMER SC JUSTICES CONSULTED

Hamon pa ni Sotto sa mga kritiko ng panukala, sa Supreme Court na lang ireklamo ng mga ito ang mga kinukuwestiyong probisyon ng Anti-Terrorism Bill, kapag naging batas na ito.

Kumpiyansa raw siyang walang nilalabag na batas ang panukala.

Ito, ayon kay Sotto, ay dahil kinonsulta ng Senado ang mga dating Supreme Court justices habang binubuo nila ang bill.

“Handang-handa kami diyan," paghamon ng TV variety-show host/Senate President.

Continue reading below ↓

“Dalhin nila sa Supreme Court, ang pinakamaganda.”

“WALANG DAPAT IKATAKOT DITO”

Iginiit ni Sotto na mga terorista lang ang dapat mangamba sa Anti-Terrorism Bill.

Aniya, walang dapat katakutan ang publiko.

“Napakaraming safeguards, pero mahigpit sa terorista,” dagdag ni Sotto tungkol sa panukalang in-author niya.

“Ang dapat matakot lang dito, ang terorista, at iyong sumusuporta sa terorista.

“Pero kung taumbayan, karaniwang Pilipino, walang dapat ikatakot dito.”

Tiniyak din ng Senate President na hindi makokompromiso ang human rights sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Bill.

Paliwanag ni Sotto: “Iyong terrorism dito, as defined, does not include advocacy, protest, dissent, yung mga strike-strike, industrial or mass action, and other exercise of civil and political rights.

“Hindi kasali yun.

“Maliwanag yun,” sabi ni Sotto.

Giit naman ng mga lawmakers, academics, celebrities, mga religious, at mga ordinaryong mamamayang nagpoprotesta, sinaklaw ng Anti-Terrorism Bill ang human, civil at political rights.

RECOMMENDED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actresses (L-R) Kathryn Bernardo, Liza Soberano, US pop superstar Taylor Swift, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, and Miss Universe 2018 Catriona Gray join pleas against the passage of the Anti-Terrorism Bill of 2020. The controversial bill is now a step closer to becoming a law after the House of Representatives approved it in record time on Wednesday, June 3.
PHOTO/S: @bernardokath, @lizasoberano, @taylorswift, @piawurtzbach, @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results