KC Concepcion, apl.de.ap leave comment on each other’s Instagram posts

by Bernie V. Franco
Jun 4, 2020
apl.de.ap kc concepcion
Actress KC Concepcion and The Black Eyed Peas leader apl.de.ap actively show support for each other on social media.
PHOTO/S: @reyrolle on Instagram / CTTO

Nagpakita ng suporta sa isa’t isa sina KC Concepcion, 35, at apl.de.ap, 45, kaugnay ng isyu ng diskriminasyon, na mainit na pinag-uusapan ngayon sa U.S. at sa buong mundo.

Inihayag ito nina KC at apl.de.ap sa pamamagitan ng pag-iwan ng komento sa Instagram posts ng isa’t isa.

Ang magkahiwalay nilang posts ay may kinalaman sa pagkasawi ng black American na si George Floyd sa kamay ng isang white American policeman sa Minneapolis, Minnesota, noong May 25.

Bunsod ng isyu, nagsasagawa ng malawakang protesta ngayon sa Amerika, kung saan kinokondena ng American citizens ang police brutality at ang diskriminasyon.

Dahil dito ay naging viral ang hashtag na #BlackLivesMatter.

Halatang malapit sa puso nina KC at apl.de.ap ang isyung ito.

Namalagi si KC sa U.S. at nagkaroon ng mga kaibigan doon.

Naka-establish naman ng international music career si Apl dahil sa kinabibilangan niyang American pop group, ang The Black Eyed Peas.

Si apl.de.ap—Allan Pineda Lindo sa tunay na buhay—ay anak ng isang Pilipina sa isang African-American airman na nadestino noon sa Clark Air Base sa Angeles City, Pampanga.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

"WHERE IS THE LOVE?"

Nitong June 2, Martes, nag-post si apl.de.ap ng video ng mga nagpoprotestang Amerikano na kinakanta ang “Where is The Love?”—ang hit song ng The Black Eyed Peas na ini-release noong 2003.

Sa caption, nagpasalamat si apl.de.ap dahil sa pagiging relevant ng kanilang kanta hanggang ngayon.

Caption ng coach ng The Voice Kids: “I want to thank everyone for finding this song again in these troubling times.

“I’m both humbled and saddened that it’s still so relevant.”

Nagkomento si KC sa pamamagitan ng pagbanggit sa lyrics mula sa pamosong kanta ng The Black Eyed Peas.

Aniya pa, "IMMORTAL" ang "Where Is The Love?"

Caption ng aktres: “Yo people living like they ain’t got no mommas [rose emoji] This song is IMMORTAL”

Hindi sumagot si apl.de.ap, pero may ilang netizens na tinukso ang singer at si KC.

Continue reading below ↓

KC AND THE BLACK COMMUNITY

Samantala, may hiwalay na post si KC kaugnay ng isyu ng diskriminasyon sa Amerika.

Kalakip ang black photo, binanggit ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na malapit sa kanyang puso ang black community sa US.

Ibinahagi rin ni KC ang kanyang karanasan sa pakikihalubilo sa mga mamamayan sa Africa nang magpunta siya roon.

Tinapos niya ang caption sa paggamit ng titulo ng sikat na kanta ng grupo nina apl.de.ap.

Buong caption ni KC: “The black community in the United States is so close to my heart.

“More than that, in my years as a humanitarian I have spent weeks in the rural areas of Uganda, with the beautiful people of Africa who showed me nothing but warmth and kindness.

"I’m against all forms of discrimination, and racism.

“If 2020 does not teach us all to be KIND, I don’t know what will... Where is the love? [rose emoji]

Continue reading below ↓

Si KC ay United Nations World Food Programme ambassadress sa matagal na panahon. Bumisita siya sa Uganda noong 2011.

Seryoso ang iniwang komento ni apl.de.ap sa post ni KC.

Binanggit nito ang tungkol sa mga nananamantala sa panahon ng krisis, at nangyayari raw ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Pahayag apl.de.ap (published as is): “We’re all fighting for a few things right now,to be heard and for justice,at the same we also have to fight fake protesters that are taking advantage of this moment to either loot or or doing it for the wrong reason,and that’s a lot to get into…it’s happening around the world including ours,there’s no wrong choice on in wanting to end racism,police brutality and inequality….Be nice”

Continue reading below ↓

Bukod dito, mayroon ding recent messages na ipinost si apl.de.ap para kay KC.

Nangyari ito nang magsagawa ng cookout session via Instagram Live sina KC at aktres na si Judy Ann Santos noong May 31.

Habang ongoing ang online live session ay dalawang beses nagkomento si Apl para ipahayag ang kanyang suporta kay KC.

WHAT'S THE REAL SCORE?

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa marami kung gaano na kalalim ang ugnayan nina KC at apl.de.ap.

Bagamat wala pang paglilinaw mula sa dalawa, malinaw na nananatiling bukas ang kanilang komunikasyon.

kc concepcion apl.de.ap hugging

Continue reading below ↓

Isang dekada na ang nakalilipas mula nang aminin ni apl.de.ap sa publiko na crush niya si KC.

Nagkita sila noong 2011, at nabanggit ni KC sa interviews na niyayaya siyang lumabas ng international singer.

Taong 2013 nang aminin ni apl.de.ap sa isang interview na niligawan niya noon ang aktres.

October 2019, nag-post si KC tungkol pagkikita nila ni apl.de.ap sa isang exclusive club sa Amerika.

Noong December 2019 ay namataan si KC na nanood ng closing ceremony ng South East Asian Games sa Capas, Tarlac, kung saan isa sa mga performers si apl.de.ap.

Last year ay nagbakasyon si KC sa US, kaya’t muli silang nagkaroon ng pagkakataong magkita sila apl.de.ap.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress KC Concepcion and The Black Eyed Peas leader apl.de.ap actively show support for each other on social media.
PHOTO/S: @reyrolle on Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results