Vilma Santos draws ire for voting for Anti-Terrorism Bill; Loren Legarda accused of lying

by Jet Hitosis
Jun 5, 2020
Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto (left) admits to voting in favor of the Anti-Terrorism Bill of 2020, while Antique Congresswoman Loren Legarda (right) says she voted against the measure. Both of them denied having co-authored the controversial bill.
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook

Tuluy-tuloy ang natatanggap na pambabatikos ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto matapos siyang bumoto pabor sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill of 2020.

Ito ay kahit pa hinabol ng 66-year-old multi-awarded actress-turned-politician ang paglilinaw na hindi siya kasama sa mga may akda ng House Bill 6875.

Ang House Bill 6875 ang bersiyon ng Lower House ng Senate Bill 1083, o ang Anti-Terrorism Bill of 2020.

Nitong Miyerkules ng gabi, June 3, inaprubahan na ng Lower House sa third at final reading ang HB 6875.

Makalipas ang ilang oras, kumalat sa social media ang listahan ng mga kongresistang bumoto pabor sa panukala.

Kasama sa listahan ang pangalan ni Vilma, na kinikilala bilang Star for All Seasons ng Philippine entertainment industry.

LUIS MANZANO DEFENDS MOM

Kasunod nito, pinutakti ng pambabatikos ang congresswoman, na ilang taong nagsilbi bilang gobernador ng Batangas.

Mabilis na sinaklolohan si Vilma ng kanyang panganay na anak, ang TV host na si Luis Manzano.

Continue reading below ↓

Si Luis, 39, ay anak ni Vilma sa dati niyang asawa, ang actor-TV host na si Edu Manzano.

Kasal si Vilma kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, at mayroon silang isang anak, si Ryan Christian.

Para depensahan ang ina, ibinahagi ni Luis nitong Miyerkules ng gabi, sa kanyang 5.6 million Twitter followers, ang official statement ni Vilma.

VILMA VOTED YES “WITH RESERVATIONS”

Itinanggi ni Vilma na siya ang principal author ng HB 6875.

Pero inamin ng lady lawmaker na bumoto siya pabor sa Anti-Terrorism Bill “WITH RESERVATIONS” sa usapin ng national security policy.

Sa ngayon, umaasa na lang daw ang veteran actress na kapag naging batas na ay ipatutupad ito ng mga awtoridad nang naaayon sa Konstitusyon.

Saad sa statement ni Vilma: “I am not a principal author of House Bill 6875.

“I’m in favor of it WITH RESERVATIONS.

“I have concern about the country’s national security policy.

“I just hope that the law enforcement agencies will implement it in accordance with the Constitution, full respect to human rights and without any abuse whatsoever.”

Continue reading below ↓

Malinaw na ang intensiyon ni Luis ay maliwanagan ang mga bashers ni Vilma.

Pero hindi ganito ang nangyari; lalo pang lumala ang pambabatikos ng mga ito sa actress-politician.

JANINE: “DI BA DAPAT MAG ‘NO’ KA NA LANG”

Kabilang sa mga nag-react sa paliwanag ni Vilma ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Continue reading below ↓

Isa si Janine, 30, sa masugid na nangangampanya laban sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill.

Tweet ni Janine: “Kung ‘yes with reservations’ ang nararamdaman mo, hindi ba dapat mag ‘no’ ka nalang hanggang masolusyonan o matanggal ang mga bagay na ikinababahala mo?”

Si Janine ay anak ng aktres na si Lotlot de Leon sa dating asawang si Ramon Christopher Gutierrez.

Continue reading below ↓

Galing si Janine sa kilalang Gutierrez clan ng showbiz.

Ang ina ni Lotlot ay ang Superstar na si Nora Aunor.

Apo si Janine ni Nora, na itinuturing na matinding karibal ni Vilma sa showbiz mula pa noong dekada ’70.

Ang maternal grandfather naman ni Janine na si Christopher de Leon ay perennial leading man noon ni Vilma.

VILMA CALLED “TRAYDOR SA TAONG BAYAN”

Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa pagpabor ni Vilma sa tinaguriang “draconian” bill.

Tinawag nilang “enabler” at “traydor sa taong bayan” ang actress-politician.

"Buhay at kalayaan ng mga tao" raw ang kapalit ng boto ni Vilma para maisabatas ang panukala.

Sinabi pa ng isang netizen kay Luis: “nasa kamay na ng nanay mo dugo ng lahat ng mamamatay sa bill na yan.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isang Twitter user, sinabing idinaan na lang ni Vilma sa “hoping” ang gagawing pagpapatupad ng mga awtoridad sa Anti-Terrorism Bill.

Ito ay kahit pa mismong mga law enforcers ng bansa ang responsable sa pagpatay sa libu-libong Pilipino sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Na mas malamang ay tinutukoy ang government anti-drug operation na nakilalang Tokhang—na nangangahulugang "katok" o "pakiusap" sa salitang Bisaya—dahil nagsisimula ito sa simpleng pagkatok sa pintuan ng suspect, kunsaan libo-libo na ang mamamatay.

Pinakiusapan pa ng Twitter user si Luis na kumbinsihin ang lady lawmaker na baguhin ang pasya at bawiin ang suporta sa panukala.

Continue reading below ↓

Nagsabi ang isang netizen kay Luis na ipaliwanag sa ina na hindi nakikinig sa "reservations” ang mga tagapagpatupad ng batas sa kasalukuyang gobyerno na tinawag nitong "monstrous."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

FANS OF SISTER STELLA L. ARE DISMAYED

Dismayado rin kay Vilma ang ilan niyang fans.

Nakakalungkot daw na bumoto pabor sa Anti-Terrorism Bill ang nagbida sa dalawang iconic, politically charged films tungkol sa karapatang pantao.

Ang tinutukoy ng netizens ay ang Sister Stella L. (1984) at Dekada ’70 (2002).

Pinagbidahan ni Vilma ang dalawang pelikula, kung saan gumanap siya bilang matapang na aktibista.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kilala si Luis sa pagpatol at pakikipagsagutan sa bashers.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi nag-react o sumagot ang TV host sa sinuman sa mga nambatikos sa kanyang ina.

LOREN ACCUSED OF LYING

Samantala, pinaratangan namang “sinungaling” at “hugas-kamay” ang kapwa kongresista ni Vilma na si Antique Representative Loren Legarda.

Kasunod ito ng tweet ng 60-year-old former broadcaster nitong Miyerkules ng gabi, kung saan pinabulaanan niyang co-author siya ng Anti-Terrorism Bill.

Sa katunayan, ani Loren, bumoto siya ng “no” sa panukala.

Tweet ni Loren: “Just to clarify: I never signed a co author form re anti terror bill.

“In fact, I voted no to the measure.”

Continue reading below ↓

Pero kinontra ng ilang Twitter users ang sinabi ng mambabatas.

Nag-reply sila ng listahan ng mga kongresistang co-authors ng panukala.

Ang listahan ay nanggaling sa official website ng Kamara, ang congress.gov.ph.

Narito ang isa sa kanila:

Makikitang kasama sa listahan ang pangalan ng dating broadcaster.

Dahil dito, tinawag ng netizens si Loren na “sinungaling.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Anila, biglang “hugas-kamay” daw ang kongresista para “iwas bash sa social media.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Natigil lang ang mga pambabatikos kay Loren nang i-tweet niya ngayong Huwebes ng hapon ang screenshot ng kopya ng aprubadong HB 6875, “which clearly shows that I am not co-author of the measure.”

Continue reading below ↓

Screenshot ng printed copy ng panukala ang ibinahagi ni Loren.

Wala nga roon ang pangalan niya.

Wala namang opisyal na pahayag si Loren kung paaano napabilang ang kanyang pangalan sa orihinal na listahan ng co-authors ng Anti-Terrorism Bill.

CONGRESSMEN YUL, DAN KEEPING MUM

Bukod kina Vilma at Loren, nakatikim din ng pambabatikos mula sa Twitter users ang dalawang actor-turned-politician na bumoto pabor sa Anti-Terrorism Bill.

Ito ay sina Manila 3rd District Representative Yul Servo at Laguna 1st District Representative Dan Fernandez.

Sa pagsilip sa official Facebook page ng dalawang kongresista, makikitang sa nakalipas na mga araw ay umaapela ang ilan nilang constituents laban sa pagpapasa sa kontrobersiyal na panukala.

Hindi sinagot nina Yul at Dan ang mga panawagan, na makikita sa comments section ng kanilang Facebook pages.

At press time, parehong walang reaksiyon sina Yul at Dan sa usapin.

OPPOSITION STILL MOUNTING

Marami pa rin ang nananawagang ibasura ang Anti-Terrorism Bill.

Kahit pasado na ito sa Kongreso, at pirma na lang ni Pangulong Duterte—na siya mismong nagsabi sa mga mambabatas na gawing priority bill ito— ang kailangan upang maging ganap itong batas.

Continue reading below ↓

At press time, nakakalap na ng mahigit 657,000 digital signatures ang #JunkTerrorBill online petition ng Defend UPLB sa Change.org.

May 29 nang inilunsad ang online petition ng Defend UPLB, isang samahan ng mga student councils sa University of the Philippines-Los Baños.

Hangad ng petisyon na kumbinsihin ang mga kongresistang huwag aprubahan ang panukala.

Giit nila, kuwestiyonable ang malalaking probisyon nito.

Kabilang dito ang hindi malinaw na kahulugan ng “terrorism” at “terrorist,” ang paglilegal ng warrantless arrest, hanggang 24 araw na pagkakapiit, masusing surveillance sa sinumang suspect na tatagal ng ilang buwan, kawalan ng pananagutan ng awtoridad sa unlawful detention, at parusang 12 taon hanggang habambuhay na pagkakakulong.

Nababahala sina Senator Francis Pangilinan, Risa Hontiveros, Bayan Muna Representative Carlos Zarate, at Quezon City Representative Jose Cristopher Belmonte, sa posibilidad na gamitin ang panukala laban sa mga kritiko ng gobyerno.

Kapag nagkataon, maliwanag na paglabag ito sa Konstitusyon, giit ng lawyers group na Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLCL).

Continue reading below ↓

Maging ang international environmental organization na Greenpeace ay kontra sa pagsasabatas ng bill “that serve to stifle activism and dissent.”

INTERFAITH GROUPS UP IN ARMS VS CONTROVERSIAL BILL

Una nang kinondena ng interfaith groups—ang One Faith. One Nation. One Voice.—ang panukala na “will insidiously strip away respect for human rights and other civil liberties.”

Sa pahayag ng religious sector nitong Martes, June 2, iginiit nilang palalalain pa ng Anti-Terrorism Bill ang nananamlay na ngang demokrasya sa ating bansa.

“This bill will cause a further shrinking of democratic space and weakening of public discourse that will be detrimental to our nation,” anila.

Hindi raw kasi maikakaila ang posibilidad na abusuhin ito ng mga ganid sa kapangyarihan, sa paraang tulad ng nangyari noong mga taon ng martial law, sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

"Likely to be misused and abused by those who wish to ‘lord it over’ the Filipino people, obliterate opposition, and quell even the most legitimate dissent, the Anti-Terrorism Bill is ominous with features that reek of the dark days of the Marcos martial law.”

Continue reading below ↓

Kahit delikado raw para sa kanilang kaligtasan ang lantarang tutulan ang Anti-Terrorism Bill, "to remain silent only assures the impending destruction and abuse of our people."

Kabilang sa mga bumubuo ng One Faith. One Nation. One Voice. ang Archdiocese of Manila, National Council of Churches in the Philippines, Iglesia Filipina Independiente, United Church of Christ in the Philippines, United Methodist Church, at Kalipunan ng Kristianong Kabataan.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto (left) admits to voting in favor of the Anti-Terrorism Bill of 2020, while Antique Congresswoman Loren Legarda (right) says she voted against the measure. Both of them denied having co-authored the controversial bill.
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results