Andrea Torres on marrying Derek Ramsay: “I’m ready.”

by Bernie V. Franco
Jun 4, 2020
andrea torres sexy
andrea torres derek ramsay
Andrea Torres on boyfriend Derek Ramsay: Andrea Torres on boyfriend Derek Ramsay: "I can leave him, let him be, and be completely focused on what I’m doing. I have so much trust in him.”
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram / Nice Print photo

Walang pag-aalinlangan si Andrea Torres, 30, sa kanyang mga sagot pagdating sa relasyon nila ni Derek Ramsay, 43.

Maituturing na whirlwind romance ang kanilang relasyon.

Wala pang isang taon silang magkakilala nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon noong September 2019.

Sa kabila nito, sinabi ni Derek na si Andrea na ang babaeng ihaharap niya sa altar.

Nagkakilala at nagkamabutihan sina Andrea at Derek sa GMA-7 primetime series na The Better Woman, na umere mula July 1 hanggang September 27, 2019.

Ngayong Huwebes ng hapon, June 4, isa-isang sinagot ni Andrea ang mga tanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kung bakit sigurado na siya kay Derek.

Paano niya nasabing si Derek na ang gusto niyang pakasalan gayong wala pang isang taon mula nang umamin sila sa kanilang relasyon?

“It’s really not about the length but the quality of the relationship that matters,” katwiran ni Andrea.

Hindi rin itinago ni Andrea ang kasiyahan sa sinabi ni Derek na siya na ang babaeng pakakasalan ng aktor.

Continue reading below ↓

“Siyempre masayang-masaya ako and flattered na marinig yun from him.

"Kasi, yun din ang pinagdarasal ko talaga."

Pareho raw sila ng nararamdaman ng boyfriend.

“All in ako sa relationship, that’s why I never get into one half-hearted.

"So, we’re on the same direction," pahayag ng Kapuso actress.

Kailan siya magiging handang pakasalan si Derek?

“I’m ready,” sagot ni Andrea.

andrea torres derek ramsay surprise

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ANDREA ON DEREK: “I HAVE SO MUCH TRUST IN HIM.”

Bakit natatangi si Derek kumpara sa kanyang past boyfriends?

“I know we keep saying this, but it’s really how easy everything is.

“The two of us and our families automatically became one big family,” pagmamalaki ni Andrea.

Ano naman ang ipinaramdam sa kanya ni Derek na hindi niya naramdaman sa mga dating nakarelasyon?

"The level of security," sagot niya.

"I can leave him, let him be, and be completely focused on what I’m doing.

“I have so much trust in him.”

Hindi ba siya nagseselos lalo’t isang “hunk” ang kanyang nobyo?

“None at all, which is really nice,” paniniyak ni Andrea.

Sa katunayan, wala raw silang pagbabawal sa isa’t isa kung sakaling maipareha man sila sa ibang artista.

Pero buti na lang daw at sila pa rin ang magkatambal sa susunod na teleseryeng gagawin nila sa GMA-7.

“Kung ano yung ma-assign sa amin, doon kami.

Continue reading below ↓

"We’re very grateful though sa next soap namin, kami pa rin ang magkasama.”

Labintatlong taon ang tanda ni Derek kay Andrea, pero hindi raw isyu ito sa aktres.

“Honestly, I don’t feel the gap.

“I think, what makes it work is we have the same values and we complement each other in areas where we’re different.”

BETTER, STRONGER RELATIONSHIP

Sa kabila ng umiiral na enforced community quarantine, patuloy raw ang pagtibay ng kanilang pagsasama.

Pahayag ni Andrea, “Mas tumatag at lumalim.

"Napakahirap talaga nitong pagsubok na nangyari sa mundo.

“Maraming realizations na nabigay sa ating lahat and, kami naman, very open kami sa isa’t isa.

"So, parang sabay kaming nag-grow.

“Mas nagkaroon din ng weight ang bawat bagay.”

Dagdag niya, “We might be apart physically, but we still make sure to do most of our activities together through video call.

“We update each other and check up on each other several times a day.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres on boyfriend Derek Ramsay: Andrea Torres on boyfriend Derek Ramsay: "I can leave him, let him be, and be completely focused on what I’m doing. I have so much trust in him.”
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram / Nice Print photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results