Jodi Sta. Maria sends virtual hug to Iwa Moto

by Rachelle Siazon
Jun 5, 2020
Excited na sina Jodi Sta. Maria (kaliwa) at Iwa Moto (kanan) sa muli nilang pagkikita pagkatapos ng ilang buwan. Sina Jodi at Iwa ay naging magkaibigan kahit na naugnay sila sa parehong lalaki -- si Pampi Lacson, ang dating mister ni Jodi at partner ngayon ni Iwa.
PHOTO/S: @jodistamaria / @iam_iwa Instagram

Patunay ng magandang pagkakaibigan nina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto ay ang kanilang huntahan para sa nalalapit nilang pagkikita.

Sa Instagram post ni Jodi ngayong Biyernes, June 5, excited na nagpalitan ng mensahe ang dalawa.

Sabi ni Iwa, "@jodistamaria sa sunday tayo mag tuos [crying emojis]"

Sagot ni Jodi, "@iam_iwa see you!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JODI'S VIRTUAL HUG FOR IWA

Bago ito ay nag-post si Jodi tungkol sa mabilis na paglaki ng kanyang anak na si Thirdy.

Fourteen years old na si Thirdy, anak ni Jodi sa estranged husband na si Pampi Lacson.

Makikita sa Instagram post ni Jody ang litrato ng anak habang tutok sa mobile phone nito.

"The great paradox of parenting is that it moves in both slow motion and fast speed.

"Hello @thirdy.lacson [waving hand emoji] huhuhu big boy ka na talagaaaaa [flying kiss emoji]."

Continue reading below ↓

Isa sa mabilis na nag-comment ay si Iwa, na longtime partner ni Pampi.

Aniya, "Sobrang broken-hearted ako. Bakit ang bilis!!!!!!!"

Sina Iwa at Pampi ay may six-year-old daughter na si Mimi.

Pero malapit din si Iwa kay Thirdy.

Sagot naman ni Jodi kay Iwa, "@iam_iwa huhuhu i knoooow.

"akap ng mahigpit sating mga parentals."


Continue reading below ↓

seeing THIRDY

Bandang first week of May nang magpunta si Thirdy sa bahay ng amang si Pampi, at doon muna ito nakabase habang quarantine.

Base ito sa pictures ng mag-ama sa Instagram posts ni Pampi.

Tila susunduin na muli ni Jodi ang anak.

Noong May 29, una nang nagpalitan ng mensahe sina Jodi at Iwa sa Instagram.

Continue reading below ↓

Tiyempong 40th birthday noon ni Pampi.

Nagpaabot ng birthday greeting si Jodi kay Pampi sa mismong Instagram post ni Iwa.

Nagpalitan ng masiglang mensahe ang tatlo.

Imbita pa noon ni Iwa kay Jodi, "Tara!!! Punta ka dto bahay. Magluluto ako konti."

JODI AND IWA'S BONDING WITH FRIENDS IN 2019

Minsan nang nagbahagi sina Iwa at Jodi ng kanilang bonding kasama ng ibang mga kaibigan noong April 2019.

Nanood sila ng musical play na "Ang Huling El Bimbo" sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Kasama rin nila noon si Shaina Magdayao.

"Me time" raw iyon ni Iwa, kaya hindi kasama sina Pampi at anak nilang si Mimi.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excited na sina Jodi Sta. Maria (kaliwa) at Iwa Moto (kanan) sa muli nilang pagkikita pagkatapos ng ilang buwan. Sina Jodi at Iwa ay naging magkaibigan kahit na naugnay sila sa parehong lalaki -- si Pampi Lacson, ang dating mister ni Jodi at partner ngayon ni Iwa.
PHOTO/S: @jodistamaria / @iam_iwa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results