Heart Evangelista reveals she sold artwork to provide 550 tablets for poor students

by Jet Hitosis
Jun 9, 2020
Actress-visual artist-fashion icon Heart Evangelista warns the public against an Instagram account that is using her name and photo while asking netizens to send their requests for tablet computers. Heart's official Instagram account is @iamhearte, complete with a verified blue check mark.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram, @heart021485 on Twitter

Nagbenta ng painting ang actress-fashion icon na si Heart Evangelista upang makabili ng 550 tablet computers na ipamimigay niya nang libre sa mga estudyante.

Ito ang ibinunyag ng 35-year-old visual artist-social media influencer sa kanyang tweet nitong June 6.

Sa nabanggit na Twitter post, ibinahagi ni Heart ang litrato ng obra na kanyang ibinenta.

Continue reading below ↓

Sa isa pang picture, makikita ang kahun-kahong tablet computers na ipamimigay niya sa daan-daang estudyante.

Ayon kay Heart, nakakatulong ang art at fashion upang mai-express niya ang sarili sa mga panahong inaatake siya ng anxiety.

Tweet ni Heart: “My struggles in life are unknown to many but art, fashion and expressing myself has always helped me cope with my not so fairytale life.”

Pero sulit naman daw ang pagod at oras na inilaan ni Heart sa kanyang obra, dahil mga “angels” ang makikinabang sa pinagbentahan nito.

“The time, hardwork and love that I put out in this artwork was well worth it as the proceeds have allowed me to purchase 550 tablets for angels.”

Continue reading below ↓

Ang angels na tinutukoy ni Heart ay ang mahihirap na estudyante na walang kakayahang makabili ng mobile device para sa online classes.

MUST HAVE FOR DISTANCE LEARNING

Itinakda sa August 24 ang pagsisimula ng School Year 2020-2021.

Dahil sa coronavirus pandemic, magpapatupad ng blended/distance learning approach sa mga estudyante, na hindi muna papupuntahin sa mga eskuwelahan.

Gagamit ng iba’t ibang mobile device, tulad ng desktop o laptop computers, tablets, at smartphones, para maturuan ang mga estudyante kahit nasa bahay lang ang mga ito.

At ngayong panahon ng enrollment, tuluy-tuloy ang dagsa ng requests ng netizens sa social media accounts ni Heart.

Sana raw ay mapabilang ang kanilang mga anak sa mabibiyayaan ng libreng tablet mula sa aktres.

Hinimok naman ni Heart ang mga humihiling ng tablets na sa Instagram magpadala ng direct messages sa kanya.

Sa Twitter account kasi ni Heart nagpapaabot ng mensahe, o nagpo-post, ang mga nakikiusap ng medical assistance sa aktres.

Continue reading below ↓

Ito ay para maiwasan daw ang kalituhan, ayon kay Heart.

FAKE INSTAGRAM ACCOUNT

Kaugnay nito, ibinunyag ni Heart nitong Lunes, June 8, na isang bagong Instagram account ang gumagamit sa kanyang pangalan at litrato.

Sa kanyang Instagram Stories ibinahagi ni Heart ang screenshot ng Instagram account na binuksan daw “for the STUDENTS who needs a TABLET for their online class.”

Continue reading below ↓

Caption ni Heart sa nabanggit na post: “This is not my account. stay tuned for my post regarding tablets.”

Sinimulan na ni Heart ngayong linggo ang pamamahagi ng mga tablet computers.

Sa Instagram Stories ibinabahagi ni Heart ang litrato ng mga estudyanteng tumanggap na ng libreng tablets mula sa kanya.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-visual artist-fashion icon Heart Evangelista warns the public against an Instagram account that is using her name and photo while asking netizens to send their requests for tablet computers. Heart's official Instagram account is @iamhearte, complete with a verified blue check mark.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram, @heart021485 on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results