Directors Brillante Mendoza, Adolf Alix Jr., Joven Tan mourn the passing of veteran actress Anita Linda

by Jerry Olea
Jun 10, 2020
Director Brillante Mendoza on the late Anita Linda (in photo): "I will always remember her as a dedicated and committed actor... at the same time, funny."

Labis na nalumbay si Direk Brillante Mendoza sa pagpanaw ng legendary actress na si Anita Linda, 95, nitong Hunyo 10, Miyerkules ng umaga.

Sa celebrity premiere ng Metro Manila Film Festival 2019 official entry na Mindanao last December 2019, nabanggit ni Direk Brillante na isa si Anita sa mga paborito niyang aktres.

Nagwagi kasing best actress si Anita sa 29th Fajr Film Festival (Tehran, Iran) noong Pebrero 2011 para sa pelikulang Lola (2009) na idinirek niya.

Katabla roon ni Anita ang co-star na si Rustica Carpio.


Continue reading below ↓

“I was hoping na may gagawin pa kaming pelikula,” sabi ng 2009 Cannes filmfest best director nitong Miyerkules ng umaga via Messenger.

“I will always remember her as a dedicated and committed actor... at the same time, funny.

“Nagbibiro lagi sa set at nag-iinuman pa kami with Rustica Carpio. Sobrang game silang dalawa.

“Iyong isang interview niya noong nanalo siya ng international award, umiyak siya.

"Hindi raw niya sukat-akalain na sa edad niya (I think 86) ay mabibigyan pa siya ng karangalan. Hind lang isa at local award kundi international awards na A-List festival.

“Spontaneous acting (found acting) ang ipinagawa ko sa kanya hanggang sa last day ng shoot.

“Sabi niya, ‘Never in my life as an actor I was given this freedom to express myself freely. Lahat ng ginagawa kong film dati, mula blocking hangang sa dialogues, de numero. Hindi ko alam na pwede rin pala akong mag-contribute as an artist sa pelikula.’

Continue reading below ↓

“Niyakap niya ako nang mahigpit at nagpasalamat siya nang buong puso sa akin. Hindi ko makakalimutan iyun.

Para kay Direk Brillante, “Anita Linda is a legend who contributed an impressive filmography to the Filipino film industry.

“She deserves to be a national artist.”

ADOLF ALIX JR.

Ang huling pelikula ni Anita Linda ay ang Circa (2019), isa sa sampung kalahok sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino noong Setyembre 13-19, 2019.

Idinirek ito ni Adolf Alix Jr.

Hindi nakarating ang legendary actress sa presscon ng Circa noong Setyembre 5 ng gabi sa Limbaga 77 rsstaurant sa Sct. Limbaga St., QC dahil natrapik ito.

Patapos na ang open forum ay nasa may SM Megamall pa si Anita kaya pinauwi na ito ni Direk Adolf.

“We did Circa for her. To celebrate 100 years of cinema and her being an icon as well,” lahad ni Direk Adolf via Messenger.

“She was overjoyed to see most of the actors she worked with during the reunion scene.

Continue reading below ↓

“I heard her talking about the films na nakasama niya ang ibang actors.”


Mayo 2019 kinunan ang nasabing reunion scene, kung saan kabilang sina Eddie Garcia at Menggie Cobarrubias.

Sa eksena, lumapit si Eddie kay Anita at bumati ng “Happy birthday.”

Nagpalitan sila ng linya.

Nang paalis na si Eddie, nag-adlib si Anita, “Ingat ka, baka ka madapa.”

Continue reading below ↓

Hunyo 8, 2019, naaksidente si Eddie sa set ng teleseryeng Rosang Agimat sa Tondo, Manila. Hunyo 20 pumanaw ang beteranong aktor.

“She is now in heaven with Tito Eddie and Tito Menggie,” pakli ni Direk Adolf.

Maraming magagandang alaala si Direk Adolf sa premyadong aktres.

Aniya, “We love her dearly. Madalas po niya akong sabihan na huwag siyang kalimutan dahil nabo-bore lang po siya sa bahay.

“She was tending to her garden and her cats.

“And sa Circa po, dahil wala po kaming script — we will brief her during the scenes and she will be very nervous before the take.

“Pero the other actors, Direk Laurice Guillen, Direk Gina Alajar, Tita Oro [Elizabeth Oropesa], and Ms. Jaclyn Jose will joke to her, kasi wala po siyang nakalimutan. Sila pa nga po ang nakakalimot.

“She is a quiet and unassuming superstar—having been in the industry and witnessed the three golden ages of Philippine Cinema.

Continue reading below ↓

“I will miss her stories behind the scenes of the films she made with the masters.

"Yung kahit hindi siya marunong mangabayo, tinuloy po niya sa Sawa sa Lumang Simboryo [1952] at muntik na siyang mabagsakan ng ilaw.

"All because she wanted to do the role right.

“She also asked me po to collect all her trophies last year, including her Maria Clara trophy for Sisa [1951].

“Gusto raw po niya na nasa bahay na lahat.”

Nagawa ni Direk Adolf ang tagubilin ni Anita.

Na-coordinate niya ang pagbalik ng trophies ng aktres na naka-display sa dating Mowelfund Plaza.

JOVEN TAN

Paborito ring kunin ni Direk Joven Tan si Anita Linda.

Nakatrabaho niya ito sa mga pelikulang Halik ng Sirena (2001), Kiskisan (2003), Booking (2009), Bigasan (2010), Tatlong Bibe (2017), at marami pang iba.

Paggunita ni Direk Joven, “Napakabait, napakalambing niya. Mabait sa lahat, lalo na sa mga hayop na nakikita sa set like pusa and aso.

Continue reading below ↓

“Walang angal. Kahit good na ang take, humihirit pa ng another take kapag alam niya na may igaganda pa.

“Pro talaga, never naging issue ang TF sa kanya. Malaking kawalan siya sa industriya.”

FDCP PAYS TRIBUTE TO ANITA LINDA

Nagpugay noon ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) kay Anita.

Continue reading below ↓

Napaluha ang beteranang aktres nang makita ang naka-exhibit ns posters ng kanyang mga pelikula.

Post ni FDCP Chair Liza Diño sa Facebook, “Last year, I posted my memorable encounter with her. A once in a lifetime chance na makadaupang palad sya... this was what she said to me.

“'Liza, life has been good to me. Matanda na 'ko, malabo na ang mga mata ko, hindi na ako masyadong makarinig. Pero hanggang ngayon, nandito pa rin ako. Ayokong iwanan ang buhay dahil masarap mabuhay.'

“It was such a humbling experience to have been able to spend a moment with one of our country's living treasures.

“To Miss Anita Linda, the industry is blessed to have you po. Thank you for being an inspiration to all of us.

“Your words will forever be in my heart. Paalam po. Hanggang sa muli..."

ED INSTRELLA

Komento ng beteranong talent manager na si Ed Instrella sa FB announcement ni Direk Adolf kaugnay sa pagpanaw ni Anita, “One of the greatest actresses of all time!!!

Continue reading below ↓

“I had the honor and privilege of working with her up close in the films Takaw Tukso for which she won her 2nd Urian and in Itanong mo sa Buwan where she was exceptional as well.

“Her superb work in Brocka’s Tatlo Dalawa Isa remains to me as one of the best performances of all time!!!

“My dearest ST. JOSEPH, please welcome our beloved ms ANITA LINDA to her true home in heaven with all the Angels and the brightest stars.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Brillante Mendoza on the late Anita Linda (in photo): "I will always remember her as a dedicated and committed actor... at the same time, funny."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results