Jaclyn Jose on Pinky Amador cursing at condotel staff: "Heartless!"

by Rachelle Siazon
Jun 10, 2020
Excerpt from Jaclyn Jose's (left) tirade against fellow actress Pinky Amador (published as is): "D ko papalagapasin to.. kasi hayop ang turing mo sa manggagawa. la ka respeto kapwa mo.. at kinalad kad mo industria sa ka g*gahan mo."
PHOTO/S: @jaclynjose / @pinkyamador Instagram

Nagpupuyos sa galit si Jaclyn Jose dahil sa diumano'y hindi makataong paninindak, pagmumura, at pagbabanta ng kapwa niya aktres na si Pinky Amador sa admin employees ng tinitirahan nitong condo-hotel.

Nakunan ng video si Pinky na gigil na gigil sa galit, at nag-viral iyon sa Internet mula noong Biyernes, June 5.

Sa video, makailang-beses na minura ni Pinky ng "p*******a" ang isang babaeng tumatao sa admin office ng condo-tel.

Gigil na tinawag din niya ang empleyado na "boba" at "you little piece of sh*t" habang pilit na hinihingi rito ang isang memorandum circular.

Pilit na nagpaliwanag ang empleyado na "sinusunod lang" niya kung ano ang "advice" ng administrators ng condotel.

Sabi pa ng admin employee, sa mga oras na iyon ay wala siyang natatanggap na "circular" mula sa admin officers, maliban na lang sa "DOH certificate" na nakapaskil sa opisina.

Pero ayaw paawat ni Pinky at nagbanta pa na, "Lumabas ka diyan p******** mo masasapak kita!"

Continue reading below ↓

May isa pang lalaki, na tila guard ng condo, na pinakiusapan si Pinky na kumalma, pero sinigawan at binantaan ding sasapakin ito ng aktres.

Sa hindi malinaw na dahilan ay walang humarap na admin officer kay Pinky.

Nanggagalaiti ang aktres dahil "tatlong linggo" na raw siyang binibitin sa request niyang circular para sa kapakanan ng mga residente sa kanilang lugar.

May kinalaman ito sa pagtanggap ng condotel sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na wala umanong papeles kung negatibo ang mga ito sa COVID-19.

Nangangamba si Pinky sa kanyang kaligtasan dahil nakasalamuha niya ang dalawa sa OFWs.

HOT STORIES

JACLYN LAMBASTS PINKY

Inalmahan ni Jaclyn ang umano'y kawalan ng modo ni Pinky.

Si Pinky, 54, ay isang TV, film, at theater actress. Huli siyang napanood sa mga GMA-7 series na Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday at Sahaya.

Si Jaclyn, 56, ay beteranang TV and movie actress na huling napanood sa GMA-7 series na The Better Woman.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram post kahapon, June 9, sinabi ni Jaclyn na binigyang kahihiyan daw ni Pinky hindi lang ang sarili kundi pati mga artistang tulad nila.

Bahagi ng pahayag ni Jaclyn (published as is):

"Kinakaladkad mo mga artista kaya wala na nag titwala sa atin dahil sa mga katulad mo.

"dinadamay nio kami na may puso sa katulad ng mga tao na ito.

"magpasalamat ka pumapasok pa sa kabila covid.."

Sinabi ni Jaclyn na valid ang reklamo ni Pinky tungkol sa kawalan ng aksyon ng condotel sa reklamo nito.

Pero hindi raw tama ang pang-aalipusta ni Pinky sa admin employees.

Lalo pa't hindi naman daw ang mga ito ang may kakayahang magdesisyon sa hinihinging circular ni Pinky.

Pahayag ni Jaclyn (published as is): "heartless!! You piece of sh*t!!

"How dare you @ this is my people nag sislbi alam mo ba pinag dadaanan nila just to get to work?

"Mag lalakad nakikipagsapalaran kung ano puede masakyan..tas mumurahin mo mula ulo ma parang nabili mo?

Continue reading below ↓

"Ikaw ang g*ga ! Tanga! Mag mask ka at mag gloves ..or yet stay in your home you racist !!!!"

Umalma rin si Jaclyn sa pahayag ni Pinky na labag umano sa Anti-Wiretapping Act ang paglabas ng "malicious" at "vengeful" video hinggil sa insidente.

Patuloy na depensa ni Jaclyn sa ordinary employees na sinigawan ni Pinky:

"To Ms. Amador wag naman po ganun? Paano po ang mga kapatid asawa at iba pa lahi ng taong minura nio.

"Habang buhay nila dadalin pang lalait nio..media at instgram lang lang amg laban nila....

"do not persecute naglabas ng video kasi nanakot po kayo na sasaktan nio sila video lang kakampi..

"front liners po sila , na d nio alam kung paano sila nakarating trabaho? 3 weeks lock down d po ba?"

Continue reading below ↓

Sa comments section ng kanyang post, may pahabol na mensahe si Jaclyn kay Pinky.

Sabi ni Jaclyn (published as is): "Alam mo ba pinagdadaanan nh mga tao nato to get to work?

"D ko papalagapasin to..

"kasi hayup ang turing mo sa manggagawa."

Dugtong niya: "D lang sila nilampaso mo pag katao

"Pati mga artista na nag lilingkod at nag mamahal teatro or cinema

"la ka respeto kapwa mo.. at kinalad kad mo industria sa ka g*gahan mo."

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

PINKY'S SIDE OF THE STORY

Noong Linggo, June 7, naglabas ng pahayag si Pinky na "there is no excuse" para sa kanyang pagmamaltrato sa kausap na admin employee.

Pero pinaninindigan daw niya ang kanyang reklamo laban sa admin ng condotel na tinitirhan.

Ipinaliwanag niyang nagwala siya dahil sa kawalan ng aksiyon ng condotel admin tungkol sa mga pinatuloy nilang "59" repatriated overseas Filipino workers.

Ni hindi raw naglabas ng notice para sa mga residente na ginawa umanong "quarantine facility" para sa OFWs ang condotel, gayong noon pa lang May 4 ay ni-request na nila ito.

Depensa pa ni Pinky, may mga residenteng lumapit sa kanya at umiiyak sa sobrang pag-aalala na baka raw sila ay na-expose sa persons under monitoring (PUMs) gawa ng travel history ng OFWs.

Sana man lang daw ay naging "transparent" ang condotel admin dahil buhay ng mga residente ang nakataya sakaling may magpositibo sa kanila sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Bahagi ng opisyal na pahayag ni Pinky (published as is):

"What the administration fails to understand is that their actions have an impact not just on their health, but that of the residents' too.

"Being responsible means being responsible for everyone, not just yourself, but also others.

"I am not perfect, far from it.

"Under these stressful times, when pushed to the limit, how far will you go to protect your loved ones?

"Sa mga nasaktan ko, I am truly sorry, pero ipinaglaban ko lang ang karapatan natin mabuhay ng ligtas sa sakit."

Continue reading below ↓

JACLYN COMMENTS ON VIVIAN'S DEFENSE OF PINKY

Ang official statement ni Pinky tungkol sa insidente ay ni-repost ng aktres na si Vivian Velez sa kanyang Facebook account.

Kalakip niyon ang link sa video ng pagwawala ni Pinky.

Sinabi ni Vivian na kampi siya kay Pinky dahil natural daw na ikagalit nito ang kawalan ng aksyon at "violations" ng condotel admin.

Karapatan daw ng mga residente na bigyan sila ng sapat na notice para sa safety protocols at going-ons sa kanilang lugar.

"Pinky was pushed to the wall and then recorded her reaction.

"This Palace management should be sued.

"Walang kalabanlaban ang mga tenants."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Vivian, "And the nerve of that admin girl to secretly videod Pinky."

Umaga ng Lunes, June 8, nang ihayag ito ni Vivian sa kanyang Facebook account na viewable ng public.

Dito unang nag-react si Jaclyn.

Kung may reklamo raw si Pinky ay dapat idinulog nito sa "head" o "manager" ng condotel admin at hindi iyong ordinaryong empleyado ang pinagsisigawan.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Jaclyn (publsihed as is): "Ang sa akin lang makatao approach at pakingganan ang mga tao involve na sa pagka alam ko bago kumpanya dapat yung head or manager ang pinuntahan nia.."

Kinontra rin ni Jaclyn si Vivian dahil sa pagkampi raw nito kay Pinky.

Bahagi ng comment ni Jaclyn: "Vivian my rigth yung tao na mag record kasi nag salita Amador ng masasaktan kita lumabas ka jan at mura na d ko kaya tanngapin..

Continue reading below ↓

"kailangan nia i secure kasi may treath from Amador na kahit guard sinabihan nia ns p.i at sasapakin kita.

"the threat id verry clear ako man i record ko.."

May iba pang comments si Jaclyn gamit ang Facebook account nito.

Wala raw pinagkaiba sa mga "hudyo" ang pangmamaliit sa mga mababang empleyado.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Jaclyn, "hinahangaan kita ms Velez but not this time you little piece of sh*t!"

Kinuwestiyon naman ni Vivian kung totoo nga bang si Jaclyn ang nag-iwan ng mensahe sa kanyang post.

"Ganito ang ginagawa ng mga hackers... this is not Jaclyn Jose," ani Vivian.

Continue reading below ↓

"Anyone is allowed to voice out their opinion on my wall but you cannot call me a piece of sh*t because I am not...

"assholes like this one need a 'Pinky' [dirty finger emoji]."

Sinabi rin ni Vivian na tila "tulog pa" si Jaclyn, pero aalamin daw niya kung ito nga ba talaga ang tumalak sa kanya sa Facebook.

Continue reading below ↓

JACLYN APOLOGIZES TO VIVIAN

Sa Instagram post ni Jaclyn kagabi, June 9, humingi siya ng dispensa sa kanyang pag-atake kay Vivian sa Facebook wall nito.

Sabi ni Jaclyn, "To Ms.Vivian Velez i am sorry for what i have said in your wall..

"i know what kind of a person you are, ddnt mean to lambast you.mali ako.

"you are a friend, a family friend for that matter..

"again i apologize."

Continue reading below ↓

Kasunod ito ng Instagram post ni Jaclyn na nanindigang mali ang paninigaw at pagmumura ni Pinky sa mga empleyado ng tinitirhan nitong condotel.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excerpt from Jaclyn Jose's (left) tirade against fellow actress Pinky Amador (published as is): "D ko papalagapasin to.. kasi hayop ang turing mo sa manggagawa. la ka respeto kapwa mo.. at kinalad kad mo industria sa ka g*gahan mo."
PHOTO/S: @jaclynjose / @pinkyamador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results