Vice Ganda mourns passing of best friend-housemate

by Jet Hitosis
Jun 10, 2020
Kapamilya TV host-comedian Vice Ganda would often casually mention his best friend Budi's name while hosting It's Showtime.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Nagluluksa ngayon ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa pagkamatay ng kanyang best friend, na kasama rin niya sa bahay.

Limitado ang detalye tungkol sa matalik na kaibigan ni Vice, 44, na kilala lang sa tawag niya ritong “Budi.”

Namatay si Budi nitong Martes, June 9.

Martes ng hapon, nag-tweet si Vice ng mensahe niya para sa malapit na kaibigan.

Tweet ni Vice: “You’ll always be my bestfriend, my brother, my family.

“I will always cherish and love you.

“Here and there.

“Now and forever.

“I will cry. But i won’t say goodbye.”

Continue reading below ↓

Bumaha ang mensahe ng pakikiramay ng mga kaibigan at fans ni Vice sa Twitter account ng TV host-comedian.

Ang isang fan ni Vice, na mahihinuhang malapit din kay Budi, ay nag-post ng kanyang artwork para sa yumao.

Ang pagpanaw ng kaibigan ang dahilan kaya wala si Vice sa virtual media conference nitong Martes ng gabi para sa pagbabalik ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel.

Continue reading below ↓

Dumalo sa conference ang co-hosts ni Vice sa It’s Showtime na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Kinumpirma nina Vhong at Jhong ang pagpanaw ng best friend ni Vice.

Nagpaabot din sila ng pakikiramay kay Vice.

Sa report ng The Philippine Star, napag-alaman mula sa staff ng It’s Showtime na atake sa puso ang ikinamatay ni Budi.

Sa nakalipas na mga taon, madalas na kaswal na nababanggit ni Vice ang kaibigan niyang si Budi kapag nagho-host siya ng It’s Showtime.

Muling mapapanood ang It’s Showtime, via Kapamilya Channel at Jeepney TV, simula sa June 13.

Umeere ang Kapamilya Channel sa cable channels na SKY, Cablelink, G Sat, at sa iba pang cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya TV host-comedian Vice Ganda would often casually mention his best friend Budi's name while hosting It's Showtime.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results