Senator Lito Lapid advises Coco Martin how to handle bashers

by Arniel C. Serato
Jun 11, 2020
Senator Lito Lapid might be working as consultant in Coco Martin's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Courtesy: Lito Lapid on Facebook / HENZBERG AUSTRIA/SENATE PRIB

Kolaborasyon sa Ang Probinsyano ang pakay ni Coco Martin sa pagbisita nito kay Senator Lito Lapid sa Senado noong nakaraang Martes, June 9.

Binigyan din daw ng payo ng senador ang aktor tungkol sa pagharap sa bashers at mga batikos.

Nang nagsara ang ABS-CBN noong May 5, dahil sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC), isa si Coco sa matapang na naglabas ng kanyang saloobin laban sa ilang ahensiya ng gobyerno.

Hindi rin siya nangiming sumagot sa mga bashers na pabor sa pagsasara ng home network.

Ayon daw sa senador, hayaan na lamang ito ni Coco dahil bahagi ito ng pagiging public figure.

Nagkabiruan din daw sila kung paano gumawa ng TikTok videos para sa kanilang mga fans.

Deactivated pa rin hanggang ngayon ang Instagram account ni Coco.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

RETURN OF ANG PROBINSYANO

Ayon sa ulat ng TV Patrol, na lumabas din sa ABS-CBN News online kahapon, June 10, sinabi ng chief of staff ng mambabatas na si Atty. Filmer Abrajano na nagkaroon din ng diskusyon sina Coco at Senator Lapid tungkol sa pagbabalik ng Ang Probinsyano.

Matagal nagkasama sa ABS-CBN primetime series sina Coco at Lito bago tumakbong senador ang huli noong 2016 elections.

Magbabalik-taping na ang Ang Probinsyano matapos ang ilang buwang pagkaantala dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon bunsod ng COVID-19 pandemic.

Pansamantalang mapapanood ang Ang Probinsyano at iba pang programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel, na nasa cable TV.

Ayon Atty. Abrajano, humingi ng tulong si Coco kay Senator Lapid para sa mga bagong twists ng show ngayong magbabalik na ang teleserye sa ere sa June 15.

Kahit priority raw ng senador ang trabaho sa Senado, sisikapin daw niyang maging consultant director ng Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Lito Lapid might be working as consultant in Coco Martin's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Courtesy: Lito Lapid on Facebook / HENZBERG AUSTRIA/SENATE PRIB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results