Tatay Elmer of PISTON 6 thanks Angel Locsin: “Maraming salamat sa lahat ng itinulong mo sa amin sa loob ng kulungan.”

by Jet Hitosis
Jun 13, 2020
On June 4, actress-humanitarian Angel Locsin (left) posts an appeal to Caloocan City Police in behalf of jeepney driver Elmer Cordero (right) and the other members of the so-called PISTON 6: “Pls. If you cannot help them, Let them go home. They just want food for their families. Konting puso and consideration.”
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, @joshualibarnes on Twitter

Tahimik na nagpaabot ng tulong ang actress-humanitarian na si Angel Locsin sa anim na jeepney drivers na ikinulong sa paglabag sa quarantine protocols sa Caloocan City.

Nabunyag ito nang lumabas sa social media ang video message ni Elmer Cordero, 72, habang nagpapasalamat kay Angel, 35.

Isa si Cordero sa grupo ng mga tsuper na inaresto sa pagsasagawa ng kilos-protesta sa EDSA, sa Caloocan City, nitong June 2.

Miyembro sila ng transport group na Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON.

Ang mga inarestong jeepney drivers ay tinaguriang “PISTON 6.”

June 9 nang i-post ng Twitter user na si Joshua Libarnes ang video message ni Cordero—na tinagurian ng social media bilang “Tatay Elmer.”

Kuha ang video nang araw ding iyon, nang makalaya ang matanda mula sa detention cell ng Caloocan City Police station.

Bitbit ang isang papel na nasusulatan ng “MARAMING SALAMAT! PISTON 6,” kita ang saya sa mukha nang nagbigay ng mensahe si Tatay Elmer para kay Angel.

Continue reading below ↓

Sabi ni Tatay Elmer: “Maraming salamat, Angel Locsin, sa lahat ng mga itinutulong mo sa aming suporta sa loob ng kulungan.

“Pati yung gamot, tsaka alcohol, lahat, kumpleto lahat.

“Sa lahat ng mga tulong mo, maraming-maraming salamat.”

Ayon sa report ng ABS-CBN News, nagbigay si Angel ng health kit essentials sa mga arestadong tsuper.

Continue reading below ↓

Laman ng health kit ang face masks, alcohol, vitamins, at iba pa.

Nakasaad pa sa report na katuwang ni Angel sa pagtulong sa PISTON 6 ang I Am Hope organization ni Bea Alonzo.

DRIVERS-PROTESTERS NABBED, JAILED

Bukod kay Tatay Elmer, inaresto rin sina Ruben Baylon, 59; Ramon Paloma, 48; Wilson Ramilia, 43; Severino Ramos, 59; at Arsenio Ymas Jr., 56.

Ikinulong ang PISTON 6 matapos sampahan ng mga reklamo sa paglabag sa physical distancing, disobedience to persons in authority, at illegal assembly.

Itinakda ang PHP3,000 piyansa sa bawat isa sa kanila.

Iprinotesta ng grupo ni Tatay Elmer na bawal pa ring mamasada ang mga jeepney sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Giit ng jeepney drivers, halos tatlong buwan na silang walang kita simula nang suspendihin ang lahat ng public transportation sa Metro Manila noong March 17.

HOT STORIES

ANGEL: “IF YOU CANNOT HELP THEM, LET THEM GO HOME”

Noong June 4, sa isang post sa kanyang Instagram Stories ay umapela si Angel sa Caloocan City Police na palayain na ang anim na tsuper.

Continue reading below ↓

Mababasa sa post noon ni Angel (published as is):

“Pls. If you cannot help them, Let them go home.

“They just want food for their families.

“Maraming gutom.

“Sabihin na nating may natangap, pero hindi natin alam kung enough na ba yun para sa pamilya nila para mapilitan silang lumabas.

“Konting puso and consideration.”

Continue reading below ↓

Gaya ni Angel, kinondena rin ng aktres na si Jodi Sta. Maria ang pag-aresto at pagkulong sa anim na tsuper.

COMELEC COMMISSIONER SENDS HELP

Nag-viral sa social media ang pagdakip sa binansagang “PISTON 6.”

Sa katunayan, nag-ambag-ambag ang netizens upang mapiyansahan ang mga tsuper.

Kabilang si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa nag-abot ng tulong pinansiyal habang kinakalap ang piyansa ng PISTON 6.

Continue reading below ↓

Nag-assign din si Guanzon ng lawyer para makipag-ugnayan sa abogado ng anim na jeepney drivers, upang mapalaya kaagad ang mga ito.

Continue reading below ↓

Noong June 8, nakapagpiyansa at nakalaya na ang apat sa mga tsuper.

Pero nanatili pa rin sa piitan si Tatay Elmer at si Ramilla.

Pareho raw kasing may nakabimbing hiwalay na kaso ang dalawa: estafa kay Tatay Elmer at carnapping kay Ramilla.

Nagpiyansa ng PHP10,000 si Tatay Elmer sa Caloocan Metropolitan Trial Court Branch 51.

Nakumpirma naman kalaunan na napagsilbihan na ni Ramilla sa preso ang kaso niya.

Dahil dito, kinabukasan, June 9, ay nakalaya na rin ang natitirang dalawa sa PISTON 6.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On June 4, actress-humanitarian Angel Locsin (left) posts an appeal to Caloocan City Police in behalf of jeepney driver Elmer Cordero (right) and the other members of the so-called PISTON 6: “Pls. If you cannot help them, Let them go home. They just want food for their families. Konting puso and consideration.”
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram, @joshualibarnes on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results