Lauren Young tells Ben Tulfo sexual assault has nothing to do with woman's sexy outfit

by Rachelle Siazon
Jun 15, 2020
Kapuso actress Lauren Young debunks veteran broadcaster Ben Tulfo's claim that ladies who wear sexy outfits trigger rapists. Recalling how an unknown guy groped her boobs, Lauren points out, "I was fully covered up even at the beach and yet he violated me publicly. #HijaAko"
PHOTO/S: @lo_young / @ Bitag Live Facebook

Nakiisa si Lauren Young sa mga kababaihang kinondena ang paniniwala ng broadcaster na si Ben Tulfo na ang seksing pananamit ay nag-uudyok sa rapists na gumawa ng krimen.

Ayon kay Lauren, minsan siyang naging biktima ng harassment ng isang hindi kilalang lalaki.

Nangyari raw ang insidente sa isang pampublikong lugar sa Boracay.

Sa kanyang Twitter account Linggo ng gabi, June 14, lahad ni Lauren (published as is):

"I was at a bar in Boracay, sober, with my friends and a guy kept harrassing everyone there.

"He kept talking to me and bothering me and just grabbed my boobs out of nowhere. I was fully covered up even at the beach and yet he violated me publicly. #HijaAko"

Patunay raw ito na ang pangha-harass ng isang lalaki ay walang kinalaman sa pananamit ng babae.

Giit ni Lauren (published as is):

"Its not about what you’re wearing - its the fact that he was disgusting and wanted to take advantage of me.

Continue reading below ↓

"No I did not give him any signals to do that to me, I was not intoxicated -

"and even if I was - it doesnt give him the right to do that. #HijaAko"


LAUREN SAYS NO EXCUSE FOR SEXUAL HARASSMENT

May netizen na nagtanong kay Lauren kung lasing ba ang lalaking nang-harass sa kanya.

Continue reading below ↓

Sagot ng 26-year-old Kapuso actress, "Does that excuse what he did? I don’t think so...

"And btw if a woman is intoxicated its her fault? If a man is intoxicated 'ayy sorry lasing ako' excuses start to come in. #HijaAko"



Continue reading below ↓

Nangatuwiran ang netizen na malaking kaibahan daw kung ang lalaking biglang nandakma sa boobs ng aktres ay nakainom o hindi.

Pero ulit ni Lauren, "No I do not see the difference. Because sober or not you do not do that to anyone."


FRANKIE AND BEN'S EXCHANGE

Ni-retweet din ni Lauren ang kontrobersiyal na sagutan nina Frankie Pangilinan at Ben Tulfo tungkol sa rape culture.

Continue reading below ↓

Umalma si Frankie sa pangangaral sa kanya ni Ben na hindi na umano mababago ang "pagnanasa" at "pagiging kriminal" ng mga "manyakis" at "rapists."

At ang tanging magagawa raw ng mga babae, ayon sa 65-year-old broadcaster, ay "huwag pukawin" ang "pagnanasa" ng "rapists" sa pamamagitan ng pananamit nang tama.

Si Frankie, 19, ay ang panganay na anak nina Sharon Cuneta at Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Nanindigan si Frankie na walang excuse para maging asal-"beast" ang isang manyakis o rapist.

#HIJAAKO TRENDS ON TWITTER

Bunsod nito ay trending sa Twitter ang hashtag na #Hijaako buong araw ng Linggo, June 14, hanggang alas-tres ng umaga ng Lunes, June 15.


Continue reading below ↓

Dito tinalakay ng female netizens ang kani-kanilang personal na dinanas na sexual harassment kahit pa hindi sila nakasuot ng revealing outfits.

May mga ni-retweet pa si Lauren Young na kuwento ng mga babaeng nahipuan sa pampublikong lugar.

Para sa Kapuso actress, panahon na para matutunan ng lipunan na ang pananamit nang sexy ng isang babae ay hindi nangangahulugang puwede na itong bastusin, manyakin, o gahasain.

"Stop blaming it on what others wear and EDUCATE others that victims aren’t asking for it if they are dressed 'SEXY'.

"I’ll wear whatever I want and if its sexy and it turns you on well thats your problem, not mine.

"Because I dress up for me NOT you."

Continue reading below ↓

Sa huli, nag-iwan si Lauren ng mensahe tungkol sa kanyang personal na pananamit.

"Good night! Except to those who make excuses for rapists.

"And you know what, I’m not gonna wear a bra in public and you know why?

"Not because I’m a horny girl asking for it but because my boobs can’t breathe and its uncomfortable, you idiot. #HijaAko"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Lauren Young debunks veteran broadcaster Ben Tulfo's claim that ladies who wear sexy outfits trigger rapists. Recalling how an unknown guy groped her boobs, Lauren points out, "I was fully covered up even at the beach and yet he violated me publicly. #HijaAko"
PHOTO/S: @lo_young / @ Bitag Live Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results