Spanish national in Dasma scuffle permanently banned from PH

by Arniel C. Serato
Jun 16, 2020
The Bureau of Immigration (BI) has permanently banned Spanish national Javier Salvador Parra (without shirt) who figured in a scuffle with a Makati cop, Police Master Sergeant Roland Madrona (in uniform), on April 26, 2020.
PHOTO/S: Screenshot from Facebook

Hindi na maaring tumuntong sa Pilipinas ang Spanish national na si Javier Salvador Parra, 49.

Si Parra ang nakaengkuwentro ni Police Master Sergeant Roland Madrona sa Dasmariñas Village, Makati City, noong April 26, 2020.

Sa pahayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ngayong Martes, June 16, noong June 3 pa naitala si Parra sa listahan ng mga tao o indibidwal na bawal nang pumasok sa bansa.

Umalis na rin daw si Parra sa Pilipinas tatlong araw makalipas nitong makaengkuwento si Madrona.

Saad ni BI Commissioner Morente, “Now that he has been placed in our Immigration blacklist, he is now perpetually banned from reentering the Philippines for being an undesirable alien.

"Foreigners who disrespect our laws and persons of authority do not deserve the privilege to stay in our country."

Nagsisilbi rin daw na babala sa iba pang mga dayuhan ang pagkakasali ni Parra sa mga taong balcklisted sa bansa.

Continue reading below ↓

Ito ay upang matuto raw ang mga ito na rumespeto sa mga umiiral na batas sa Pilipinas.

Ayon pa sa pahayag, umalis daw si Parra sa bansa noong April 29 sakay ng Qatar Airways papuntang Doha bago ito bumiyahe patungong Madrid, Spain.

Pinayagan daw umalis ng bansa ang dayuhan dahil wala pang pormal na kaso na naisampa sa korte noong mga panahong yun.

Hindi rin daw nagbigay si Parra ng kanyang counter-affidavit sa BI, na pinalawig pa ang deadline nito hanggang noong May 21.

Sabi naman ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr., malinaw na wala umanong intensiyong magpaliwanag si Parra.

"Even when he is out of the country, he could still file his answer to the allegations by engaging the services of a lawyer who could submit a counter-affidavit on his behalf.

“It was obvious that he really intended to disregard the notice by just ignoring it.”

Continue reading below ↓

RELATED STORY
RELATED STORY

THE DASMA VILLAGE INCIDENT

Nasangkot sa isang komosyon sina Parra at Madrona noong hapon ng April 26, sa Dasmariñas Village, Makati City.

Base sa mga lumabas na videos noon, sinita ni Madrona ang kasambahay ni Parra habang nagdidilig ng halaman sa kanilang bakuran dahil wala itong suot na face mask.

Umiiral na noon ang ordinansa ng siyudad ng Makati na kailangang magsuot ng face mask ang lahat ng residente sa labas ng bahay at pampublikong lugar.

Pumasok sa bahay ni Parra ang kasambahay matapos itong sitahin ng pulis.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Parra sa kanyang tahanan at kinumpronta na si Madrona.

Nagkaroon ng komosyon sa pagitan nina Parra at Madrona.

Dinepensahan si Madrona ng barangay captain ng Dasmariñas Village na si Rossana Hwang, pati na ng Bantay Bayan personnel na si Esteban Gaan, na kasama ni Madrona nang nangyari ang insidente.

Kung anu-ano raw masasakit na salita ang ibinato ni Parra nang kausapin ito ni Madrona.

Continue reading below ↓

Nagsampa ng patung-patong na reklamo si Madrona laban kay Parra sa Makati Prosecutor’s Office noong April 28.

Nahaharap si Parra sa resistance and disobedience to a person in authority, paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, at sa Makati City Ordinance 2000-089 dahil sa hindi nito pagsusuot ng face mask.

Bukod pa rito, nagsampa rin si Madrona ng reklamong unjust vexation at direct assault laban sa Spanish national na si Parra.

Kabilang sa mga kumondena sa ginawa ni Parra kay Madrona ay ang Kapuso actor na si Derek Ramsay.

Sinabi noon ni Derek na ang pagiging mayaman umano ni Parra ay hindi lisensya para bastusin ang awtoridad na sumita rito.

RELATED STORY
RELATED STORY

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Bureau of Immigration (BI) has permanently banned Spanish national Javier Salvador Parra (without shirt) who figured in a scuffle with a Makati cop, Police Master Sergeant Roland Madrona (in uniform), on April 26, 2020.
PHOTO/S: Screenshot from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results