Rez Cortez latest victim of death hoax: "I'm alive and kicking."

by Bernie V. Franco
Jun 16, 2020
rez cortez death hoax
Veteran actor Rez Cortez on death hoax: "Fake news po itong kumakalat."
PHOTO/S: ABS-CBN Tak on YouTube (main image)

“fake news po…”

Bahagi ito ng paglilinaw ng aktor na si Rez Cortez kaugnay ng kumakalat na pekeng balitang pumanaw na siya.

Dakong ika-8:00 ng gabi ngayong Martes, June 16, nag-post sa kanyang Facebook page ang 64-anyos na batikang actor-director.

Diretso ang mensahe ni Rez: “Hello everyone! I just want to say that I'm alive and kicking [laughing emoji] fake news po itong kumakalat.

“Wag na lang I click or ishare.

“Mabalos [smile with hearts emojis] God bless us!”

Continue reading below ↓

Naka-attach sa post ni Rez ang screenshot ng diumano’y post ng mismong video na inatake siya.

Taglay ng nasabing larawan ang logo ng "GMA News."

Makikita sa nakapaloob na larawan ang naka-side view na si Rez, na nakahawak sa kanyang dibdib at tila may dinaramdam .

Tila kuha ang imahe sa isang nilabasang TV project ni Rez.

Ganito ang caption (published as is): “Aktor na si REZ CORTEZ Inatake, Patay. Vinideo Pa Imbes na Tulongan Dahil Baka Daw Covid19|Today, June 2020

Nakalagay pa rito “ACTUAL VIDEO”

Ilan sa mga pinakahuling teleseryeng ginawa ni Rez ay sa GMA-7 ay ang One of the Baes (2019), Dahil sa Pag-ibig (2019), at Ika-5 Utos (2018-2019).

rez cortez fake news
rez cortez death hoax

Continue reading below ↓

"THANK GOD FOR THE TRUTH"

Bumuhos naman ang pasasalamat ng supporters ni Rez na fake news lang ito.

Isa sa mga nag-react ay ang kapwa niya aktor na si Rey “PJ” Abellana: “Thank God for d truth! God bless brother.”

Ibinahagi naman ng ibang netizens ang disgusto nila sa ginawang pag-imbento ng pekeng balita, kung saan si Rez ang latest victim.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi nalalayo rito ang sinapit ni BB Gandanghari, na halos ganito rin ang naranasan noong Abril.

Kumalat sa social media ang screenshot ng gawa-gawang TV newscast tungkol sa pagpanaw raw ni BB, na natagpuan umanong wala nang buhay sa kanyang apartment sa Amerika.

Nag-react dito si BB na bagama’t nilinaw na fake news ang death hoax ay ikinagulat daw rin niya ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Rez Cortez, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Rez Cortez on death hoax: "Fake news po itong kumakalat."
PHOTO/S: ABS-CBN Tak on YouTube (main image)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results