Lea Salonga overwhelmed by fans’ support amid bashing: “I am very grateful.”

by Jet Hitosis
Jun 18, 2020
On June 16, thousands of Lea Salonga's fans make "I STAND WITH LEA SALONGA" trending on Twitter after netizens call out the international singer for cursing in a now controversial Facebook post about love of country.
PHOTO/S: Lea Salonga on Facebook

Lubos ang pasasalamat ng international singer na si Lea Salonga sa mga fans na buong-pusong sumuporta sa kanya habang kinukuyog siya ng bashers.

Ito ay matapos mag-trend sa Twitter nitong Martes, June 16, ang “I STAND LEA SALONGA."

Nagtagumpay ang fans ng 49-year-old music icon na gawing maghapong trending topic sa Twitter ang pagpapakita nila ng suporta kay Lea.

Nang araw rin kasing iyon ay pinuputakti ng pamba-bash ang isa mga unang Pinoy Pride ng Pilipinas.

Sa tweet ng music icon nitong Miyerkules, June 17, nagbigay siya ng mensahe “[to] everyone that has my back.”

Sinabi ni Lea na sobrang thankful siya sa pagmamahal ng kanyang supporters.

Tweet niya: “To everyone that has my back, thank you.

“You have my appreciation.

“I am very grateful.”

Continue reading below ↓

At press time, mayroon nang 26,800 likes at 3,400 retweets ang post na ito ni Lea.

LEA GETS BASHED FOR CURSING

Inulan ng pambabatikos si Lea matapos siyang mag-post sa Facebook ng personal na hinaing para sa bayan nitong Lunes, June 15.

Mababasa sa Facebook post ni Lea: “Dear Pilipinas, p***** ina, ang hirap mong mahalin.”

Walang tinukoy na partikular na dahilan si Lea sa kanyang post.

Wala rin siyang ipinaliwanag sa mga nag-usisa kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.

Pero kung pagbabasehan ang mga punang ibinato kay Lea, ang intindi ng ilang netizens ay ang Pilipinas daw ang minura ng singer.

Gayunman, taliwas ito sa “love and desire to see the country succeed” na binigyang-diin ni Lea sa reply niya sa isang commenter.

Sa pakikipagpalitan ng opinyon sa nagkomento sa ngayon ay kontrobersiyal na niyang post, sinabi ni Lea na hindi dapat tinitingnan sa negatibong perspective ang kritisismo ng tao sa kanyang gobyerno.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, aniya, ang pagpuna sa pamamalakad sa bansa ay malinaw na pagpapahiwatig ng malasakit at pagmamahal sa bayan.

Narito ang kabuuan ng komento ni Lea sa sariling post:

“Criticism of one’s government shouldn’t be considered an expression of hatred, but one of love and a desire to see the country succeed.

“I would like to think that in a functioning democracy, this should never be anyone's fear, that their criticism would land them in jail, or worse, a corpse lying on a curb.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

LEA’S REACTIONS to SOCIAL ISSUES

Dahil hindi nagdetalye si Lea tungkol sa kanyang post, nagkani-kanya ng interpretasyon ang netizens—kapwa ang mga tagasuporta at mga bashers niya.

Iba-iba rin ang iniulat ng media na pinaghuhugutan umano ng post ni Lea.

Iniugnay ng iba sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill ang nabanggit na Facebook post ni Lea.

May netizen na nag-post ng screenshot ng komento ni Lea sa isa niyang follower tungkol sa umano'y hindi malinaw na definition ng "terorismo" sa Anti-Terrorism Bill.

Isinulat ni Lea ang komentong ito ilang araw na ang nakalipas:

Continue reading below ↓

Ang iba, pinaniwalaang may kinalaman sa press freedom ang himutok ng Miss Saigon star.

Isinulat kasi ni Lea ang kontrobersiyal niyang post ilang oras makaraang ma-convict sa cyber libel si Rappler CEO-Executive Editor Maria Ressa nitong Lunes.

Nauna rito, nitong June 13 ay dalawang beses nag-post si Lea tungkol sa napipintong verdict kay Ressa.

Continue reading below ↓

Habang ang iba pa, iniugnay ang post ng singer sa victim blaming.

Nag-react kasi si Lea sa pagpapaalala ng Lucban Municipal Police sa kababaihan na huwag magsuot ng maiiksing damit upang makaiwas sa pambabastos.

Sa isang Facebook post ni Lea nitong June 14, nagbitaw siya ng opinyon laban sa pag-uugnay ng sex crimes sa pananamit ng kababaihan.

Continue reading below ↓

Binigyang-diin ni Lea: “No, what a woman wears should never be a reason for her being raped.”

Bukod pa ito sa ibinahagi ni Lea nitong June 15 na artikulo ng independent.co.uk na may titulong "Clothes belonging to rape victims put on display in Brussels to prove an important point."

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On June 16, thousands of Lea Salonga's fans make "I STAND WITH LEA SALONGA" trending on Twitter after netizens call out the international singer for cursing in a now controversial Facebook post about love of country.
PHOTO/S: Lea Salonga on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results