Sunshine Cruz shows proof Chuckie Dreyfus seenzoned her: "I am not a liar."

by Arniel C. Serato
Jun 18, 2020
Sunshine Cruz: "Mr Chuckie Dreyfus, if you have plans of making a comeback, gawin mo ng tama at wag ka mandamay ng iba na ang hangarin lang ang maka provide bilang isang singlemom."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram

Nagpakita ng pruweba si Sunshine Cruz na "dinededma" at "seenzoned" lang siya ng kaalitang si Chuckie Dreyfus.

Sa Facebook post ni Sunshine ngayong Huwebes ng gabi, June 18, inalmahan ng Kapamilya actress ang mga bagong pahayag ng kampo ni Chuckie.

Ito ay matapos pabulaanan ng kampo ng aktor na dinedma nito si Sunshine, lalo pa't wala naman daw mensaheng natatanggap si Chuckie mula sa aktres.

Ang pahayag ng kampo ni Chuckie ay reaksiyon naman nila sa online interview ni Sunshine nitong Linggo, June 14, kung sinabi nitong hindi siya pinapansin ng aktor.

Sa kanyang latest Facebook post, muling inungkat ni Sunshine ang aniya’y kasinungalingan ni Chuckie nang sabihin nitong nagkaroon sila ng relasyon noon.

Aniya, “Few months ago, sinabi nyang naging gf nya ako on national tv for 6-7months (not sure daw sya basta naging gf nya daw ako) na kinagulat ko, ng mga anak ko, ng pamilya ko at ng mga kasamahan ko sa That’s Entertainment."

Continue reading below ↓

Ginawa ni Chuckie ang rebelasyon sa live appearance niya sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga! noong March 14, 2020.

Ayon pa kay Sunshine, “I tried to reach him through some members of That’s Entertainment and also messaged sa chat group namin which he 'seenzoned' and now his camp also denied this sa article na ito that was sent to me…”

Kalakip ng kanyang mensahe ang screenshots ng palitan nila ng mensahe sa chatgroup ng dating Wednesday Group members ng That’s Entertainment.

Kabilang sina Sunshine at Chuckie sa nasabing chat group.

Dito ay makikita na nabasa ni Chuckie ang mga mensahe ni Sunshine ngunit wala siyang sagot.

Nagkasama sina Sunshine at Chuckie sa That's Entertainment, ang defunct GMA-7 youth-oriented show na umere mula 1986 hanggang 1996.

Si Chuckie ay mainstay mula 1986 hanggang 1996; habang si Sunshine ay naging bahagi ng show mula 1992 hanggang 1996.

Halatang gigil si Sunshine sa kanyang mensahe para kay Chuckie: “I don’t know what I have done to you or to your family to deserve this.

Continue reading below ↓

“Again, galit tayo sa mga sinungaling at sa fake news diba?

"pero dahil naging boldstar/sexy star ako, dapat sinakyan ko, ang arte ko daw, gwapo naman at hayaan nalang dapat.

“Ganun ba yun? Kahit hindi totoo ang ipinagalandakan sa TV, okay lang sa inyo na magkalat ng kasinungalan dahil sa trabaho ko noon?”

HOT STORIES

"IT WILL NEVER BE RIGHT BECAUSE IT IS NOT TRUE!"

Giit pa ni Sunshine, hindi tama ang ginagawang pagsisinungaling ng kampo ni Chuckie tungkol sa kanya.

Saad niya, “Surprisingly, mga babae o mga nanay pa ang humuhusga sakin.

“Mga anak nga natin ayaw nating magsunungaling pero sa parteng ito ok lang?

“I do not deserve that dahil nananahimik akong nagtatrabaho at naka focus sa aking pamilya then after more than 20 long years bigla nalang may lalabas na tao at ipagsisigawan na isa ako sa naging 10 nyang naging girlfriends.”

May diin pang sabi ng Love Thy Woman actress, “It will never be right because it is not true!”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa aktres, huwag siyang idamay kung may balak si Chuckie na mag-comeback sa showbiz.

Sabi ni Sunshine, “Mr Chuckie Dreyfus, if you have plans of making a comeback, gawin mo ng tama at wag ka mandamay ng iba na ang hangarin lang ang maka provide bilang isang singlemom.

“I was seenzoned and I am not a liar.

“I have screenshots to prove that..”

Ito na rin daw ang huling pagkakataong magbibigay ng pahayag si Sunshine tungkol sa isyu nila ni Chuckie.

Aniya, “This is the very last time that I will react about this issue na tiyak na sasagutin nyo na naman.

“Whatever makes you happy.

“As for me, mag-focus na po ako sa collab with my family and memorize ng script sa pagbabalik taping.”

Continue reading below ↓

THE ISSUE

Sa guest appearance ni Chuckie noon sa Eat Bulaga!, sinabi niyang nagkaroon siya ng "nine" o "ten" girlfriends sa That's Entertainment.

Isa raw sa mga ito si Sunshine.

Sabi ni Chuckie, "Matagal ko niligawan si Shine.”

Tumagal daw ng "six or seven months" ang kanilang relasyon.

Labis itong ikinagalit ni Sunshine.

Sabi niya sa kanyang Facebook post noong March 15, “For the record, my ex husband was and will always be my first bf.

"Wag na mag claim ang iba dyan. Tanda na natin.

"Sana nakuha mo ang gusto mong atensyon sa ginawa mo. Diosmio!"

Dagdag pa niya, “There was no us."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz: "Mr Chuckie Dreyfus, if you have plans of making a comeback, gawin mo ng tama at wag ka mandamay ng iba na ang hangarin lang ang maka provide bilang isang singlemom."
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results