Beauty Gonzalez gets stung by jellyfish

by Jet Hitosis
Jun 19, 2020
Kapamilya actress Beauty Gonzalez jokes about getting even with jellyfish: “Next time i eat Chinese food, I’m ordering Jellyfish. Akin ang huling Halakhak!!!”
PHOTO/S: @beauty_gonzalez on Instagram

Inatake ng jellyfish o dikya ang aktres na si Beauty Gonzalez.

Ito ang inianunsiyo ng 29-year-old Kapamilya actress sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, June 18.

Ipinost ni Beauty ang litrato niya habang nasa dagat, suot ang black one-piece swimsuit.

Hindi sinabi ng aktres sa caption kung saang dagat nangyari ang insidente.

Ngiting-ngiti si Beauty sa picture.

Pero ayon sa caption, kinuhanan ang litrato ilang segundo bago kinapitan ng dikya ang binti ng aktres.

Idinaan pa ni Beauty sa biro ang insidente.

Sulat niya sa caption, hindi raw nabigyan ng “memo” ang mga jellyfish tungkol sa ipinatutupad na social distancing ngayong may coronavirus pandemic.

Saad sa caption ni Beauty (published as is):

“Seconds before my Jellyfish attack,

“Them critters obviously didn’t get the social distancing memo.”

“SCARRED” BEAUTY

Para sa first aid, ayon kay Beauty, naging epektibo raw ang sukang Iloko upang mabawasan ang kirot ng pagkapit ng dikya.

Biro uli ng aktres, wala raw umihi sa kanyang binti.

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Beauty ay ang popular belief—pero hindi pa napapatunayan sa mga pag-aaral—na kayang malunasan ng ihi ng tao ang jellyfish sting.

Ang pinoproblema na lang daw ngayon ni Beauty ay ang peklat na idinulot ng insidente.

“No, nobody pee’d on my leg,” patuloy ng aktres sa caption.

“Used good old fashioned Sukang Iloko to first aid the stings.

“Very effective.”

“Now to deal with the ‘scars’.”

Sa huli, muling nagbiro si Beauty tungkol sa naisip niyang paraan upang makaganti sa mga jellyfish.

“Next time i eat Chinese food,

“I’m ordering Jellyfish.

“Akin ang huling Halakhak!!!”

Continue reading below ↓

Walang ibinigay na detalye si Beauty kung naospital siya dahil sa insidente.

ENCHONG AND ANNE'S JELLYFISH ENCOUNTER

January 2019 nang atakehin din ng dikya ang actor-model-swimmer na si Enchong Dee.

Nagsu-swimming noon si Enchong sa Mariveles, Bataan nang kapitan siya ng jellyfish.

Ang aktres na si Anne Curtis, naospital at nanganib ang buhay dahil sa box jellyfish sting noong April 2014.

Nagte-taping si Anne sa Batangas para sa ABS-CBN teleserye niyang Dyesebel nang mangyari ang insidente.

ATTACK OF THE JELLYFISH

Nagdudulot ng kirot ang jellyfish sting, pero kadalasang hindi ito delikado, ayon sa healthline.com.

Nag-iiwan din ng mapula o purple na marka sa balat ang bahaging kinapitan ng dikya.

Gayunman, may mga uri ng jellyfish na makamandag, at nagdudulot ng delikadong allergic reactions sa tao.

Ayon pa rin sa healthline.com, maaaring home remedy sa sting ang suka, pero maaaring wala itong epekto sa ibang uri ng dikya.

Ang pinaka-epektibong first aid sa jellyfish sting ay ang paghuhugas ng salt water o mainit pero hindi nakakapasong tubig.

Continue reading below ↓

Kapag nahilo, nagsuka, nagkaroon ng skin rashes, at nahirapang huminga ang inatake ng dikya, dapat na dalhin kaagad ito sa ospital.

RELATED ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Beauty Gonzalez jokes about getting even with jellyfish: “Next time i eat Chinese food, I’m ordering Jellyfish. Akin ang huling Halakhak!!!”
PHOTO/S: @beauty_gonzalez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results