Xander Ford accused of abusive behavior by ex-girlfriend; Xander denies allegations

by Rachelle Siazon
Jun 19, 2020
Xander Ford on incident that caused his girlfriend to break up with him and leave their condo unit: "Yung mga issue na yun, Mahal, personal issue nating dalawa yun, Mahal. Hindi natin kailangan ipagkalat sa iba."
PHOTO/S: @z4nder.official Instagram

Nag-trend sa Twitter ang pangalan ni Xander Ford matapos magpakawala ng mainit na alegasyon tungkol sa hiwalayan nila ang kanyang non-showbiz girlfriend.

Si Xander, o Marlou Arizala sa totoong buhay, ay isang 23-year-old social media star na sumikat dahil sa kanyang makeover transformation noong 2017.

Kumalat sa social media ang screenshot ng Facebook post ng kanyang nobya, na lumayas sa tinitirhan nilang condo unit dahil sa isang matinding pag-aaway.

Base sa post, "pinilit" umano ni Xander na "may mangyari" sa kanila ng kanyang nobya "kahit na AYAW KO."

Pero hindi umano nakinig si Xander kahit pa nang umiyak at nagmakaawa ang babae rito.

Akusa ng non-showbiz girl, nagagalit si Xander kapag hindi siya pumapayag na may mangyari sa kanila.

May mga sensitibo pang impormasyong nabanggit ang babae na may kinalaman sa kawalan umano ng respeto sa kanya ni Xander.

Bahagi ng pahayag ng babae, "Pinagmukha mo lang na KATAWAN Lang habol mo sa akin."

Continue reading below ↓

Dagdag pa nito, "Nag papaawa effect ka pa. Kahit na ako yung mas kawawa!

"Tinapakan mo pagkatao ko eh!

"MINAHAL KITA Pero di mo yun PINAHALAGAHAN."

Noong Miyerkules ng gabi, June 17, ipinost ng nobya ni Xander ang pahayag nito tungkol sa kanilang hiwalayan.

Ipinakita rin ng babae ang isang litrato kunsaan mayroon siyang kalmot at pasa sa kanyang hita, na hinihinalang dala diumano ng pagtatalo nila ni Xander.

Kalakip nito ay ang screenshots ng text messages umano ni Xander, na hinihimok ang babae na kumalma at manahimik tungkol sa kanilang alitan.

Mabilis itong kumalat sa social media at nag-trending ng halos buong araw sa Twitter kahapon, June 18.

HOT STORIES

XANDER EVADES "SENSITIVE" ISSUE INVOLVING HIS GF

Eksaktong 1:30 A.M. ng June 18, naghayag sa Facebook si Xander na pareho silang nasa tamang edad ng nobya, noong panahong magkarelasyon sila at nagdesisyong magsama sa iisang bubong.

Naglabas din siya ng video kunsaan sinagot niya ang mga paratang ng ngayon ay ex-girlfriend na niya.

Continue reading below ↓

Dito sinabi ni Xander na walang katotohanang katawan lang ang habol niya sa dating nobya na ang tawag niya ay "Mahal."

"Sa sinabi mo na gusto ko lang sa 'yo yung katawan mo, hindi mahal, e.

"Kasi sobra... Alam mo naman yun, sobrang mahal na mahal kita."

Nalulungkot daw si Xander dahil hindi niya alam kung bakit kailangang humantong sa social media ang breakup nilang magkasintahan.

Hangga't maaari, ayaw raw niyang pag-usapan kung ano ang pinag-ugatan ng pagtatalo nila ng nobya, na naging dahilan para lumayas ito sa kanilang tirahan.

Ani Xander: "Yung mga pinost mo, na sobrang sensitibo nun, Mahal.

"Yung mga issue na yun, Mahal, personal issue nating dalawa yun, Mahal.

"Hindi natin kailangan ipagkalat sa iba."

XANDER DENIES ALLEGED PHYSICAL ABUSE

Aminado si Xander na totoong naging mainit ang awayan nila ng kanyang nobya, pero hindi raw umabot sa puntong pinagbuhatan niya ito ng kamay.

Depensa niya: "Tapos yung sinasabi mong binugbog? Hindi ko kaya gawin.

Continue reading below ↓

"Kasi yung Papa ko, bata pa lang ako nabubugbog na ako ng ilang beses. Alam ko yung pakiramdam pag binubugbog.

"Natatakot nga ako, may phobia nga ako pag may ganun pong nangyayari."

Pinigilan lang umano niya ang girlfriend nang magwala ito sa gitna ng kanilang pag-aaway.

"Kaya nung nakita kita na nagwala ka sa harapan ko, natakot ako nun sa 'yo. Pinigilan lang kita.

"Pero lumayas ka. E, yun ang gusto mo, e.

"Pinalaya kita para maging mahinahon ka."

Diin ni Xander, "Alam ng Panginoon yun na hindi kita sinaktan.

"Hindi kita sinaktan kasi may kapatid akong babae. May Mama po ako."

Ilang beses pang nakiusap si Xander na sana raw ay personal nilang ayusin ng dating nobya ang mga isyu tungkol sa kanilang breakup.

Hindi raw kasi sinasagot ng babae ang mga tawag at mensahe niya.

"Naiiyak ako, hindi ko alam. Gusto ko umiyak... Gusto ko na kausapin ka. Gusto ko mag-sorry.

Continue reading below ↓

"Mahal kita nang sobra. Mahal, parehas nating ginusto, parehas nating plinano na magsama tayo.

"Alam ng mama mo yun, di ba?"

Pagsusumamo ni Xander, "Alam ko sa sarili ko na wala akong naging masamang intention sa 'yo.

"Yun lang gusto ko, Mahal. Mag-usap tayo.

"Bigyan natin ng kapatawaran ang bawat isa."

Inaamin din ni Xander na may pagkakamali siya sa kanilang relasyon ng dating nobya.

"Alam ko mali ako. Nagkamali din ako. Kaso po, tao po ako. Tao ka lang din.

"Nagmahalan lang tayong dalawa. Ito yun, e.

"Natural lang ito sa magkarelasyon na magkakaroon ng away, hindi magkakaintindihan."

Sana raw ay maging bukas ang isip ng dating nobya tungkol sa kanilang sitwasyon.

"Kung may gusto ka sabihin sa akin, sabihin mo sa akin, personal.

"Sabihin mo na nasaktan kita. Kaya ko naman humingi ng tawad, e.

"Kasi tao ako, tao ka lang din. Parehas tayo nagkakamali."

XANDER READS GIRLFRIEND'S FACEBOOK POST

May sumunod na video si Xander kunsaan tuwiran niyang binanggit ang pangalan ng dating nobya.

Continue reading below ↓

Tugma ito sa Facebook account name ng babaeng nagpakilalang nobya ni Xander, at siyang nagpakawala ng mga alegasyon laban sa social media star.

Ayon naman kay Xander, screen name lamang iyon ng babae, at hindi na raw niya babanggitin ang tunay na pangalan nito for the sake of privacy.

Saka niya binasa ang pahayag ng ex-girlfriend mula sa Facebook account, gamit ang tunay nitong pangalan.

Base rito, pahapyaw na nabanggit ng babae ang diumano'y pamimilit ni Xander na may mangyari sa kanila noong madaling-araw ng Linggo, June 13.

Dire-diretsong basa ni Xander sa Facebook post ng kangang ex-girlfriend:

"Madaling-araw nung Sunday iyon. Tapos nung umaga, ayaw mo ako paalisin kasi sabi mo baka ipagsabi ko yung pinaggagawa mo sa akin.

"Kung hindi pa ako umiyak sa harap mo. Hindi mo pa ako papaalisin.

"Wala akong dala nun kahit ano. Miski pera wala. Buti may nagmagandang-loob na tumulong sa akin.

"Takot na takot ako sa 'yo. Nung hindi ako pumayag sa gusto mo, pilit mo naman sinusumbat sa akin na may lalaki ako.

Continue reading below ↓

"Kahit nawala yung iPhone 7 Plus ko. Basag dahil sa pagdududa mo.

"Alam mo yun. Hindi kita ginago. Takot ka sa sarili mong multo.

"Palibhasa, kung tutuusin, puwede kita kasuhan. Pero naawa ako sa Mama mo na nag-message sa akin."

Lumalabas na malaki pa rin ang hinanakit ng ex-girlfriend ni Xander sa nangyari sa kanila.

Pero wala raw itong balak magsampa ng legal complaint kay Xander sa kabila ng insidenteng pang-aabuso umano nito sa kanya.

Patuloy na basa ni Xander sa Facebook post ng ex-girlfriend:

"Tapos sasabihin mo walang kinalaman ang mundo dito, walang kinalaman ang social media dito, e, ikaw ang unang nag-post.

"Sabi ko sa 'yo wag mo akong antayin magsalita. Pero wala, e. Matigas ka.

"Gusto ko lang i-share yung dinanas kong hirap at sakit nang dahil sa 'yo.

"Kahit na hindi ka na humingi ng tawad, napatawad na kita.

"Wala na akong magagawa kung ganyan ka. Hindi kita kakasuhan. Huwag kang mag-alala."

Continue reading below ↓

XANDER DENIES ALLEGED FORCED INTIMACY

Aminado si Xander na siya ang unang naglabas sa social media tungkol sa hiwalayan nila ng dating nobya.

Kung susuriin ang kanyang Facebook feed, noong Miyerkules, June 17, naglabas siya ng cryptic posts tungkol sa pinagdadaanang problema sa pag-ibig.

Ayon kay Xander, ginawa lang niya iyon para maipaalam sa dating nobya "kung gaano ako nasasaktan."

Pero wala raw siyang binanggit na anumang kasiraan ng nobya.

Sumunod na binanggit ni Xander ang insidente na naging sanhi para maglayas ang kanyang nobya sa tirahan nila.

"Ang dahilan kung bakit ayaw ko siya paalisin nun, ang dahilan po, nag-away kaming dalawa.

"Gawain po iyon ng magkarelasyon po. Nagkagalit po kaming dalawa.

"Nagkaroon kami ng hindi magandang pagkakaunawaan."

Pero wala umanong katotohanan ang alegasyong pinilit niyang may mangyari sa kanila nang labag sa kalooban ng babae.

Ani Xander, "Meron kaming gustong mangyari, pero siyempre, hindi talaga puwede.

"Pero hindi yun yung pinilit ko po siya. Hindi ko siya pinilit."

Continue reading below ↓

Nasa legal age daw ang kanyang dating nobya at pareho nilang ginusto ang magsama sa iisang bubong.

Iyon nga lang, noong unang weekend pa lang umano na natulog sila sa kanilang condo unit ay nangyari ang insidenteng sumira sa kanilang relasyon.

"Magkasama po kami sa isang bahay. Mag-girlfriend po kami. Mag-syota po kami. Parang mag-asawa na po kami.

"Kaya kung anuman yung nasa isip ninyo, kung ano po yung ginawa ko kay [name of girlfriend], private na po namin yun.

"Hindi na po namin puwede sabihin yun.

"Sana po bago niyo po kami husgahan or ako, sana alamin niyo po yung katotohanan.

"Kasi wala po kaya dun sa sitwasyon. Wala po kayo doon."

Nasira nga ba ang cell phone ng kanyang ex-girlfriend dahil sa pag-aaway nila?

Pahayag ni Xander: "Yung iPhone 7 niya, nasira po yun.

"Ang totoong nangyari nung gabi, nagwawala po siya sa sobrang galit niya sa akin dahil nga...

Continue reading below ↓

"Hindi ko alam kung bakit. Pero kasi, ganun talaga sa magkarelasyon. Merong times na magkakaaway kami.

"Pero wala. Wala akong magawa, e... Layuan ko raw siya kasi pagod na raw siya.

"Dahil mahal kita, pinalaya na kita."

XANDER CLAIMS EX-GIRLFRIEND FORGAVE HIM ALREADY

Sa kabila ng kontrobersiya, nagpasalamat si Xander dahil sa sinabi umano ng dating nobya na wala itong planong magsampa ng reklamo laban sa kanya.

"Maraming-marami kasi naawa ka sa Mama ko po, Mahal.

"Ngayon, na-realize ko na totoo talaga. May tinatago kang lambot ng puso. Hindi na matigas iyan.

"Maraming-maraming salamat kasi napagbigyan mo ang aking pamilya."

Sobrang taas daw ng tingin niya sa dating nobya dahil "matalino" at "may pinag-aralan" ito, hindi raw gaya niya na "bobo."

Nanghihinayang man daw siya sa pinagsamahan nila, wala raw siyang magagawa kung ayaw na nito sa kanya.

Ito na raw ang huling pagkakataong magsasalita siya tungkol sa isyu dahil napatawad na umano siya ng dating nobya.

Continue reading below ↓

"Sa lahat ng mga nagawa ko Mahal, sorry, pasensiya na. Salamat kasi napatawad mo ako."

Para sa mga ibang humuhusga raw sa kanya, dagdag ni Xander, "Kayong mga lalaki din, lalaki po ako. Huwag niyo sabihin sa akin na ganun ako kasama.

"Kasi kapag kayo yung nasa sitwasyon ko, dun niyo masasabi kung talaga bang mali ako.

"Kasi nagmahal ako nang sobra. First time ko lang mahalin nang ganito.

"Dahil nga hindi ako may hitsura, dahil hindi ako gwapo. That's all."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xander Ford on incident that caused his girlfriend to break up with him and leave their condo unit: "Yung mga issue na yun, Mahal, personal issue nating dalawa yun, Mahal. Hindi natin kailangan ipagkalat sa iba."
PHOTO/S: @z4nder.official Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results