Pia Wurtzbach open to reconnecting with Bea Alonzo: “If she’s up for it.”

by Bernie V. Franco
Jun 19, 2020
Did Pia Wurtbach get jealous of Bea Alonzo's success in showbiz? The former Miss Universe says, “Magaling talaga siya, e. Hindi ko kaya yun. Yun… ang galing niya. Magaling talaga siya. Tsaka na-distract na rin ako sa journey ko sa Binibini…”
PHOTO/S: @piawurtzbach / Twitter (Star Magic)

Aminado si Pia Wurtzbach, 30, na wala na silang komunikasyon ni Bea Alonzo, 32.

“Siyempre hindi ko na siya nakakausap kasi parang naghiwalay na yung path ng mga buhay namin,” sabi ng Miss Universe 2015.

Huli raw silang nagkita sa Star Magic Ball 2019 noong September, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap.

Kuwento ni Pia, “I saw her at the Star Magic Ball very briefly, but I didn’t get to come close to say ‘hi’ to her.

“Although I would like to say hi and speak to her and reconnect again if she’s up for it.”

Ibinihagi ito ni Pia sa online interview sa kanya ng The Philippine Pageantry noong June 1.

Halos sabay na inilunsad sina Pia at Bea sa showbiz sa pamamagitan ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Kabilang si Bea sa Star Magic Batch 10; habang si Pia naman ay nasa Batch 11.

Continue reading below ↓

Nagkasama sila noon sa ABS-CBN 2002 teen drama series na K2BU, kung saan tampok din ang mga kasabayan nilang sina Angelene Aguilar at Shaina Magdayao.

DIFFERENT PATHS

Hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling aktibo sa showbiz si Bea.

Si Pia naman ay panandaliang iniwan ang showbiz upang tahakin ang pagiging beauty queen.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng three consecutive years na pagsali sa Binibining Pilipinas, nanalo siyang Miss Universe Philippines noong 2015.

At noon ding taon iyon, tinalo ni Pia ang ibang mga kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo para sa prestihisyong Miss Universe title.

Sa online interview kay Pia, naikuwento ng fashion designer na si Bessie Besana ang pagpapaabot ng pagbati ni Bea nang manalong Miss Universe si Pia.

Nangyari raw ito nang bigyan ng grand homecoming ng ABS-CBN si Pia noong January 2016.

Dito ay nilapitan si Pia ng handler ni Bea at nagpaabot ng mensahe.

Kuwento ni Bessie, “Sumalubong yung handler. Unang-unang sinabi was, ‘Pia, sabi ni Bea congrats.’”

Hindi raw kasi alam ni Bea kung paano makakausap si Pia dahil wala na silang komunikasyon, kaya’t idinaan nito ang pagbati sa handler ng aktres.

Matapos ang kanyang reign bilang Miss Universe, bumalik sa showbiz si Pia at sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

December 2017, nag-post ang Star Magic sa Twitter ng larawan nina Pia at Bea nang magkasalubong sila sa building ng ABS-CBN.

HOT STORIES

PIA ASKED IF SHE EVER GOT JEALOUS OF BEA

Pagdating sa kanilang showbiz career, hindi maitatangging mas matagumpay si Bea kumpara kay Pia.

Sa online interview, inusisa si Pia kung nakaramdam ba siya ng inggit kay Bea, na mas umalagwa ang career kahit magkasabay lang sila.

Continue reading below ↓

Sagot ng former Miss Universe, “Nung sumasali na ako sa Binibini, hindi ko na naiisip yun, na parang tanggap ko na.

“Tsaka matagal na panahon na rin naman yung lumipas.

“Tsaka yung focus ko, nasa ibang bagay na.

"So, parang merong impresyon yung mga tao na…"

Hindi rin daw kaila kay Pia ang impresyon ng mga tao na may inggit siya kay Bea.

"I think, dun din sa episode ng MMK na napanood nila, that it came...

"I guess people got the impression that I was jealous or parang galit ako sa kanya, pero hindi…”

Itinampok ang talambuhay ni Pia sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya noong June 3, 2017.

Si Liza Soberano ang gumanap bilang si Pia.

Sa tanong kung nainggit ba siya kay Bea, sabi ni Pia, “I was more, parang… hindi naman. Honestly.

“Tagal na rin, e.

“Wala na rin naman akong dahilan para maghabol pa. Hindi naman sa ganun.”

Continue reading below ↓

Sabi pa niya tungkol kay Bea, “Magaling talaga siya, e. Hindi ko kaya yun.

“Yun… ang galing niya. Magaling talaga siya.

“Tsaka na-distract na rin ako sa journey ko sa Binibini…”

BEA, GERALD, AND PIA

Nasangkot sa isyu noon sina Pia at Bea dahil sa pagkakaugnay ng beauty queen sa dating nobyo ng aktres na si Gerald Anderson.

Nagkatrabaho sina Pia at Gerald sa pelikulang My Perfect You noong 2018.

Habang palabas pa ang pelikula noong March 2018, marami ang nagulat nang biglang i-unfollow ni Bea si Gerald sa Instagram at binura ang kanilang mga larawang magkasama.

Napansin din ng mapagmasid na netizens na in-unfollow rin ni Bea si Pia.

Bunsod nito, naglabasan ang espekulasyong nag-break na umano sina Bea at Gerald dahil kay Pia.

May usap-usapan din tungkol sa diumano’y pagba-bonding nina Gerald at Pia off-camera habang ginagawa nila ang pelikula.

Wala namang naibalitang kumpirmasyon dito.

Noong mga panahong iyon ay may karelasyon din si Pia—ang race-car driver na si Marlon Stockinger.

Continue reading below ↓

Sa isang interview ni Gerald noong kasagsagan ng isyu, natanong siya tungkol sa lagay ng relasyon nila ni Bea.

Sagot ng aktor, “steady” ito.

Nanatili namang tahimik si Pia sa kabila ng isyu.

Ilang araw pagkatapos ng interview ni Gerald, may mga lumabas na larawan sina Pia at Marlon.

Patunay itong nananatili silang magkarelasyon sa kabila ng kontrobersiya.

Pagkalipas din ng ilang linggo muling finollow ni Bea si Gerald sa Instagram.

Indikasyon itong naayos nina Bea at Gerald kung anumang naging gusot sa kanilang relasyon.

Pero noong June 2019, tuluyan nang nagkahiwalay sina Gerald at Bea pagkatapos ng halos tatlong taong relasyon.

Kinumpirma naman ni Pia ang paghihiwalay nila ni Marlon noong December 2019. Halos tatlong taon din ang itinagal ng kanilang relasyon

Kinumpirma kamakailan ni Pia na karelasyon niya ang travel influencer at businessman na si Jeremy Jauncy.

Si Bea naman ay single ngayon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did Pia Wurtbach get jealous of Bea Alonzo's success in showbiz? The former Miss Universe says, “Magaling talaga siya, e. Hindi ko kaya yun. Yun… ang galing niya. Magaling talaga siya. Tsaka na-distract na rin ako sa journey ko sa Binibini…”
PHOTO/S: @piawurtzbach / Twitter (Star Magic)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results