Alden Richards asks fans to help report Facebook page of poser

by Jet Hitosis
Jun 19, 2020
Using actor Alden Richards's name, gamer logo, and photo, the fake Facebook page's post reads: “Strengthen the support for ALDEN RICHARDS GAMING CAREER while establishing HELPING HANDS FOR THE LESS FORTUNATE."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram

Inalerto ng actor-entrepreneur na si Alden Richards ang kanyang fans laban sa isang pekeng Facebook page na hangad na kumita gamit ang kanyang pangalan.

Sa tweet ng 28-year-old actor-gamer ngayong Biyernes, June 19, hiniling niya sa kanyang 5.7 million Twitter followers na tulungan siyang i-report ang pekeng account.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Alden ang screenshot ng latest post ng fake Facebook page na AR Gaming.

AR Gaming ang gamertag name ni Alden.

Continue reading below ↓

Ang gamer logo ni Alden, na may kasama pang litrato ng aktor, ang profile photo ng pekeng page.

Ipinost ng account ang isang art card, na umaapela ng likes at shares para raw sa online gaming career ni Alden.

Batay sa Facebook rules, malaki ang tsansang magkaroon ng access sa monetization at in-stream ads ang mga page na may mahigit 10,000 likes.

Ayon pa sa modus, ang mga kikitain daw ng page ay itutulong sa mga palaboy sa lansangan.

Narito ang kabuuan ng post ng pekeng Facebook page (published as is):

“Strengthen the support for ALDEN RICHARDS GAMING CAREER while establishing HELPING HANDS FOR THE LESS FORTUNATE.

“HELP ONE ANOTHER!

“Save the poorest of the poor especially those who are living on the streets only.

“Proceeds of this page will be used to help less fortunates!

“Please help me like, share, and follow the page”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ALDEN ASKS FANS FOR HELP

Nagpapasaklolo sa fans ang tweet ni Alden: “Fake account please report. [praying hands emoji]”

Mabilis namang tumugon ang mga tagasuporta ng Kapuso actor.

Nagtulung-tulong sila sa pagre-report sa pekeng account.

Makalipas lang ang ilang oras, burado na ang fake Facebook page na AR Gaming.

Sa comments section, halos hindi makapaniwala ang Twitter followers ni Alden na may nakapameke kaagad ng Facebook account para makapanloko.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nitong Sabado, June 13, lang kasi nagsimula si Alden sa live streaming ng kanyang online games.

At ginamit pa raw talaga ng mga suspek ang dalawang bagay na malapit sa puso ng netizens—si Alden at ang mga kapuspalad.

Continue reading below ↓

Himutok ng ilang Twitter users, naiisip pa raw ng iba na manloko ng kapwa "in the middle of pandemic," na lahat ay apektado ng krisis.

Continue reading below ↓

February 2020 nang nag-viral sa social media ang litrato ng gaming rig at streaming setup ni Alden.

Ipina-customize ni Alden ang kanyang gaming rig, at tinatayang aabot sa PHP450,000 ang nagastos niya rito.

Kasunod nito, nag-trending sa Twitter ang #AldenPautang, dahil pinaniniwalaang malaki ang nagastos ng aktor sa kanyang gaming rig.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Using actor Alden Richards's name, gamer logo, and photo, the fake Facebook page's post reads: “Strengthen the support for ALDEN RICHARDS GAMING CAREER while establishing HELPING HANDS FOR THE LESS FORTUNATE."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results