Daryl Ong not totally banned from ABS-CBN?; source reveals "missing pieces" in singer's narrative

by Jerry Olea
Jun 19, 2020
Source on Daryl Ong: "Hindi lang basta pagbibigay ng opinyon ang ginawa ni Daryl dahil may mga foul words s’yang binitawan laban sa ABS-CBN. Ang statement n’ya na narinig nung taong nagsumbong sa ABS-CBN boss ay something like, ‘Mga ugok sila! Presidente ba naman ang kinalaban nila. Wala na silang magagawa d’yan (sa franchise)!’
PHOTO/S: Instagram

Hindi tootoong "totally banned" sa ABS-CBN ang singer na si Daryl Ong.

Ito ay ayon sa isang source na nag-react sa pagsisiwalat ni Daryl na hindi na siya bahagi ng Kapamilya network dahil banned siya.

Trending ang vlog ni Daryl na in-upload noong Hunyo 16, Martes, sa kanyang eponymous YouTube channel.

Titled “Wala na ako sa ABS-CBN/Kapamilya Network dahil...,” humamig na ito ng 943.5K views at this writing.

Dito ay ipinaliwanag ni Daryl ang pagge-guest niya sa Kapuso programs na Eat Bulaga! noong Marso—kasama sina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan para i-promote ang concert nilang na-postpone dahil sa ECQ—at sa Wowowin: Tutok To Win recently kasama si Michael.

Continue reading below ↓

Dito rin sinabi ng singer na "banned" na sila ni Bugoy sa mga programa ng ABS-CBN.

Nag-ugat daw ito nang makarating sa isang boss ng ABS-CBN ang recorded conversation nila nina Bugoy, Michael, at isang babaeng dating nagtatrabaho sa Kapamilya network.

Kasama rin daw sa table ang isang lalaki na inakala ni Daryl ay kasama ng babaeng kausap nila.

Continue reading below ↓

Hinihintay raw nila noon ang kanilang flight papuntang Iloilo.

Ang topic daw ng usapan nila ay ang franchise renewal issue ng ABS-CBN.

Sa isang punto raw ay nabanggit ni Bugoy ang tungkol sa online petition sa change.org, na layong makalikom ng "one million signatures for ABS-CBN franchise renewal."

Kuwento ni Daryl: "Sabi ni Bugoy na, '60,000 na lang kulang para mabuo yung one million.'

"Ako naman, nakita ko rin yun. Ang pagkakakita ko naman, 60,000 pa lang yung nagsa-sign.

"Sabi ko kay Bugs, 'Hindi 60,000 na lang. Sixty thousand pa lang. At anong petsa na?'"

Ang pagkakaintindi raw ni Daryl ay may deadline sa paglikom ng signatures. At tingin niya, hindi kakayanin ang one million signatures na tina-target sa petition.

"Tapos, nagdadag ako ng comment, 'Naku, malabo na 'yan. mahirap na 'yan. Kalaban pa man din nila ang gobyerno. Si Presidente ba naman ang kalaban. So, malabo na 'yan.'"

Doon na raw natapos ang usapan nila tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓

Hindi raw akalain nin Daryl na ang kasama pa nilang lalaki sa table ay ini-record ang naging usapan nila.

Ang record ng usapan nila ay nakarating sa isang big boss ng ABS-CBN, na kakilala umano ng lalaking kasama nila sa table.

Hanggang sa kinausap daw sina Daryl at Bugoy ng kanilang manager para sabihing "banned" na raw sila sa mga programa ng ABS-CBN.

Hindi rin daw sila binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

HOT STORIES

THE OTHER SIDE

Noong Hunyo 17, Miyerkules, nakita ng writer na ito sa dalawang Facebook page ang diumano’y statement ng ABS-CBN HR Office kaugnay sa himutok ni Daryl.

Galing daw iyon sa isang nagngangalang "EJ."

Pero ayon sa aming source mula sa Kapamilya network, “Walang EJ sa Human Resources department ng ABS-CBN, at ABS-CBN CorpComm lang ang puwedeng mag-isyu ng official statement ng buong network.”

Hunyo 16, Martes ng gabi, ipinost sa Facebook ng "concerned Kapamilya" na si Keneth Quinto ang pagdududa niya sa kuwento ni Daryl Ong kung bakit ito na-ban sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

“Sorry sa mga fans n’ya ha? Pero kasi, side pa lang naman n’ya ang naririnig natin. ‘Yung kwento n’ya e based lang sa na-recall n’ya,” pasakalye ni Keneth.

Bakit siya duda?

“Siguro, familiar sa inyo ang aktres na si Chai Fonacier. Isa s’ya sa mga panay ang pagpuna sa ABS-CBN sa Twitter — mula sa Bagani hanggang sa 2019 CSID pati na rin sa mga Kapamilya artists na DDS.

“Kung magbabase tayo sa kwento ni Daryl, mas malala pa ang mga sinasabi ni Chai patungkol sa ABS-CBN noon; pero never naman s’yang bi-nan ng network.

“In fact, nagkaroon pa nga si Chai ng mga projects under RSB Drama Unit (Halik at Ipaglaban Mo), Dreamscape Entertainment (Wansapanataym), at Black Sheep (Sakaling Maging Tayo), plus, guesting sa Magandang Buhay.

“Ako nga, napupuna ko rin naman ang network kapag may nakikita akong hindi maganda. Aware din ako na nababasa ng mga taga-PR na Facebook friends ko ‘yung mga rants ko; pero never naman akong na-ban.

Continue reading below ↓

"Kapag may gatherings, proud na proud pa si Sir Kane Choa, head ng Corporate Communications, na ipakilala ako sa mga big bosses."

Ang unang reaksiyon ni Keneth sa lalaking diumano’y nag-record ng usapan nina Daryl, Bugoy Drilon, at babaeng dating empleyado ng ABS-CBN...

“Syunga ka. Lalong sumama ang imahe ng network dahil sa palihim na pagre-record mo ng usapan nila ni Bugoy Drilon.

“Sana, nagpakilala ka na lang on the spot na kaibigan ka ng isa sa mga big boss; para doon pa lang sa sasakyan, na-realize na nila kung may mali ba silang nagawa o wala.

“Ang ending tuloy, ‘yung network pa ang nagmukhang masama dahil sa ginawa mo.”

Wish ni Keneth na malaman ang panig ng ABS-CBN kung totoong basta na lang nilang bi-nan sina Daryl at Bugoy nang hindi man lang pinagpapaliwanag.

“Parang ang babaw kasi kung basta na lang silang iba-ban dahil lang sa opinyon nila about franchise,” sabi ni Keneth.

Continue reading below ↓

“Sa tingin ko, mayroon silang mga offensive na nabanggit o ikinilos na hindi na maalala ni Daryl o nalimutan n’yang ikwento doon sa video n’ya.”

THE MISSING PIECES

May video nga ba ang usapang iyon?

Sa post ni Keneth nitong Hunyo 19, Biyernes ng umaga sa Facebook page na Kapamilya Online World, itinanggi niyang banned si Daryl Ong sa ABS-CBN.

“Baka may nalimutan s’yang ikwento sa vlog n’ya na ginawa nila ni Bugoy na naka-offend talaga sa network,” lahad ni Keneth.

“Hanggang sa nakausap ko ang isang source na isa sa mga may alam ng nangyari noong araw na ‘yon.

“Sabi nga nila, there are always two sides to every story. Ikinwento n’ya sa akin ang isang side na hindi pa nalalaman ng mga tao...”

Ibinunyag ni Keneth ang "missing pieces" ng palaisipan na kukumpleto raw sa kulang-kulang na kuwento ni Daryl sa vlog:

“1. Hindi lang basta pagbibigay ng opinyon ang ginawa ni Daryl dahil may mga foul words s’yang binitawan laban sa ABS-CBN. Ang statement n’ya na narinig nung taong nagsumbong sa ABS-CBN boss ay something like, ‘Mga ugok sila! Presidente ba naman ang kinalaban nila. Wala na silang magagawa d’yan (sa franchise)!’

Continue reading below ↓

“2. Hindi ni-record nung nagsumbong ‘yung conversation nina Daryl at Bugoy. Upon hearing them, sinabi na agad nito sa ABS-CBN boss via messaging app ang mga napag-usapan ng dalawa.

“3. Ang ‘recording’ na sinasabi ni Daryl ay non-existent.

“4. Nag-sorry agad si Bugoy kinabukasan. Naging persistent s‘ya at kalaunan ay na-settle na ‘yung problema n’ya sa network. Okay si Bugoy sa ABS-CBN.

“5. Nagtatampo lang ang ABS-CBN kay Daryl. Hindi s’ya totally banned sa network at never maging si Bugoy. Kung ikaw ay may nagawang mali o masakit na bagay sa employer mo, malamang na magdadamdam iyon at hihingin ang paliwanag mo. Pero hindi raw nag-reach out personally si Daryl.

“6. Hanggang sa nagulat na lang ang mga tao sa ABS-CBN nung i-upload ni Daryl ‘yung vlog n’ya nang wala s’yang kinonsulta.

“7. Hindi papatulan ng ABS-CBN si Daryl; dahil ayon sa source, ‘napaka-petty’ ng issue na ginawa n’ya. Abala sila sa franchise renewal at sa iba pang mga mas importanteng bagay.

Continue reading below ↓

“8. Si Bugoy, apparently, kaya tahimik sa social media, e dahil nalulungkot dahil nadamay pa s’ya sa vlog na ito ni Daryl. Nakakalungkot nga naman kung ‘yung taong pinagkakatiwalaan mo, hindi man lang nagpaalam sa ‘yo at gagamitin ka para sa vlog n’ya.

“9. Imposibleng hindi maayos ang problem ni Daryl dahil tita n’ya ang business unit head ng isa sa mga content provider division ng ABS-CBN. Pinangalanan ng source ang tita ni Daryl at nakumpirma kong isa nga ito sa mga key people ng nasabing unit.”

Ani Keneth, hindi niya alam kung bakit ito ginagawa ni Daryl.

“May lihim ba s’yang galit sa ABS-CBN? Dahil ba DDS s’ya? Nagpapaingay ba s’ya ng pangalan?

"Well, s’ya lang ang makasasagot n’yan. Never burn a bridge that you may need to cross again.”

Continue reading below ↓

Naka-chat namin si Keneth via Messenger nitong Biyernes ng hapon, at hiningi namin ang kanyang permiso upang mailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang posts niya.

Aniya, “Sure po. Wala pong problema.

"Actually, ayun din po ang gusto ng source. Yung malaman po yung another side na hindi raw naikuwento ni Daryl.”

Bukas ang PEP.ph kung nais ihayag ni Daryl ang kanyang sagot sa revelations na ito.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Source on Daryl Ong: "Hindi lang basta pagbibigay ng opinyon ang ginawa ni Daryl dahil may mga foul words s’yang binitawan laban sa ABS-CBN. Ang statement n’ya na narinig nung taong nagsumbong sa ABS-CBN boss ay something like, ‘Mga ugok sila! Presidente ba naman ang kinalaban nila. Wala na silang magagawa d’yan (sa franchise)!’
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results