Romnick Sarmenta opens up about new romance, respect for Harlene Bautista 

by Rachelle Siazon
Jun 19, 2020
In an open letter, actor Romnick Sarmenta appeals for people to stop making false assumptions about his love life. He explains that he and his estranged wife Harlene Bautista have been separated in 2018 not because of a third party, but for reasons that they'd rather keep private.
PHOTO/S: PEP File

Mariing pinabulaanan ni Romnick Sarmenta ang maling espekulasyon na may kinalaman ang bago niyang pag-ibig sa hiwalayan nila noon ng estranged wife niyang si Harlene Bautista.

Kaugnay ito ng usap-usapan tungkol sa hinihinalang relasyon ni Romnick at ng indie actress na si Barbara Ruaro.

May ilan kasing humusga na nabigo ang buhay mag-asawa nina Romnick at Harlene dahil sa bagong napupusuan ng aktor.

Noong Lunes, June 15, naglabas ng open letter si Romnick upang linawin ang isyu.

Maingat si Romnick na hindi direktang pangalanan ang mga personalidad na may kaugnayan sa kanya.

Pero siya na rin ang nagsabing mahihinuha kung sinu-sino ang mga ito base sa kanyang post.

May permiso ni Romnick ang paglathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang open letter sa Facebook.

ON ESTRANGED WIFE HARLENE BAUTISTA

Una niyang tinalakay na hindi third party ang dahilan kung bakit tinuldukan nila ni Harlene ang 19 years of marriage nila.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Romnick: "It is public knowledge that I have been separated from my ex-wife since 2018, the details of which we never really went into, nor desire to ever speak of.

"And I would appreciate it if people leave it at that.

"Much had been said about both of us, and I guess to a certain degree, more about me and my character, by people who do not know me personally.

"But to set things straight, there was no third party when it happened. I wanted that clear.

"Because I feel it is a disservice to the people who will be in both our lives, to accuse them of being at fault, when my ex-wife and I clearly both know that they are not."

Sina Romnick at Harlene ay nagkakilala sa set ng sikat na teen-oriented variety show noong '80s at '90s na That's Entertainment.

Ikinasal sila sa sa isang civil wedding ceremony noong 1999, at nasundan ng church wedding noong 2000.

Continue reading below ↓

Pero noong October 2018, inanunsiyo nila sa isang joint statement ang tungkol sa kanilang desisyong maghiwalay.

Siniguro nilang mananatili silang magkaibigan para sa kapakanan na rin ng kanilang mga anak.

Sa pagpapatuloy ng open letter ni Romnick, sinabi nitong malaki ang respeto niya para kay Harlene.

"I respect the mother of my children very much. Her privacy and her happiness is still valuable to me.

"And I want her to be able to live freely from all these."

Sabi pa ni Romnick: "Above all that, I want to protect my children from careless comments and accusations thrown at their parents.

"They know the truth, and they guard precious memories of our family with their hearts, and I just want to protect them and those memories they cherish.

"I will always be as I have been a father and a friend to them. No matter what."

HOT STORIES

ON HIS BLOOMING ROMANCE

Kinumpirma ni Romnick na mayroong babaeng natatangi ang kanyang pagtingin, at nais daw niyang manatiling pribado kung anuman ang relasyon nila ngayon.

Continue reading below ↓

Malaki raw ang paghanga ng aktor sa babaeng hindi niya pinangalanan, pero hinihinala ng netizens na ito ay walang iba kundi si Barbara.

Hindi kasi nakaligtas sa mapanuring netizens ang palitan ng sweet messages ng dalawa sa social media.

Pero apela ni Romnick, sana ay respetuhin ng iba ang pagnanais niyang gawing pribado ang kanyang buhay pag-ibig.

"These past few days, people had been talking about me and a person whom I respect greatly.

"What people do not know about her is that she is an insightful, talented, passionate individual with several advocacies that mirror my beliefs.

"That she is a person of great importance to me, deserving of respect and privacy."

Base sa mga sumunod na salita ni Romnick, malinaw na pag-ibig ang nararamdaman niya para sa babaeng espesyal sa kanya.

"That I see her equal to anybody else, never less and never more than the beautiful person that she is.

Continue reading below ↓

"That I see her as my equal, and at a lot of times - a person whom I admire.

"That for me - for her to be known as a just a person who is with me - is a grave insult to her, and a disservice to what she means to me."

Hangga't maaari, gusto raw iwasan ni Romnick na maging tampulan ng espekulasyon ang relasyon nila, lalo na ng mga taong hindi naman sila personal na kakilala.

"Because of me, she had been called names, accused of things that she is not and do not do, and had been exposed to scrutiny that she doesn't deserve.

"Only her intelligence, wisdom, trust and knowledge of me stopped her from going away.

"And I am grateful. For her. Of her."

Dagdag pa ni Romnick: "I realise that there will always be people who think they know something, understand situations better, or perhaps even relate to the circumstances revolving our lives.

Continue reading below ↓

"But that doesn't mean that your assumption is correct.

"Like I have said, you don't know these people personally. They may be public figures like me, but they are not properties."

ON FORMER LOVE TEAM PARTNER

Hindi rin maiwasang mabanggit ni Romnick sa kanyang open letter ang tungkol sa dating love team partner niyang si Sheryl Cruz.

Nabuo ang kanilang love team sa That's Entertainment, at nagtambal sila sa humigit-kumulang sampung pelikula noong mid-'80s hanggang early '90s.

Bagamat mayroong fans na nais silang makita sa isang reunion movie, sadyang hindi nagtugma ang kanilang schedule sa "offers" sa kanila noong magkatrabaho sa isang acting project.

Hindi raw iyon naging isyu sa kanila ni Sheryl.

Malaki ang pasasalamat ni Romnick na hanggang ngayon ay may supporters pa rin sila.

Pero humiling ang aktor na sana raw ay hindi panghimusakan ng iba ang personal na buhay nila ni Sheryl para lang makumbinsi silang magbalik-tambalan.

Continue reading below ↓

Sabi ni Romnick: "It doesn't work that way. Please respect how we handle our careers, how we choose our projects, and our personal circumstances.

"Likewise, I would appeal for her privacy. As I am certain that she also has a personal life that needs to be respected.

"And while I am in this topic, please stop comparing people in general. Especially if you don't have a relationship with any of them. You don't know them personally."

Sa huli, umapela si Romnick na sana ay iwasan ang batuhan ng masasakit na salita sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang personal na buhay.

"I appeal to people to refrain from using harsh words, from comparing one person to another, from commenting with baseless accusations and from character defamation on my posts... or any of the posts of the aforementioned persons.

"While you are free to believe what you want, post it on your pages and personal feeds. I will never be able to take that down.

Continue reading below ↓

"But respect others and you will be respected in return."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an open letter, actor Romnick Sarmenta appeals for people to stop making false assumptions about his love life. He explains that he and his estranged wife Harlene Bautista have been separated in 2018 not because of a third party, but for reasons that they'd rather keep private.
PHOTO/S: PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results