Angel Locsin, Neil Arce have yet to decide if wedding will push through

by Jet Hitosis
Jun 22, 2020
Actress Angel Locsin and film producer Neil Arce had been close friends for seven years before they started dating in 2017. They got engaged last year and are set to marry this 2020.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Wala pang pinal na desisyon ang aktres na si Angel Locsin at ang film producer na si Neil Arce kung ipo-postpone nila ang pagpapakasal ngayong 2020.

Ikinukonsidera nila ang banta ng coronavirus pandemic at ang mga quarantine guidelines na ipinatutupad ng gobyerno bago sila makapagpasya.

Sa interview kina Angel at Neil sa Rated K nitong Sabado, June 20, may pakiusap sila sa host na si Korina Sanchez.

Hindi raw nila maaaring isapubliko ang eksaktong petsa ng kanilang kasal, ayon sa 35-year-old actress-philanthropist.

“Hindi namin pupuwedeng sabihin kung kelan yung exact date for security reasons and privacy ng mga bisita,” sabi ni Angel kay Korina.

“Pero dapat this year. This year siya talaga.

“And medyo malapit na siya,” patuloy ni Angel.

WEDDING PLANS DURING A PANDEMIC

Bagamat sinabi ng aktres na malapit na ang napili nilang wedding date, may panahon pa raw para pag-isipan ang kanilang final decision.

Para makapagpasya nang maayos, tinututukan nina Angel at Neil ang mga developments ng pandemic.

Continue reading below ↓

“Lahat naman ng nangyayari sa mga buhay natin ngayon, lahat naka-hold,” ani Angel.

“And parang masyadong maaga to decide kung tuloy o anong mangyayari.

“Because hindi natin alam, baka next week may vaccine na."

Ang tinutukoy ni Angel ay ang posibilidad na may maaprubahan nang bakuna laban sa COVID-19 sa mga susunod na linggo.

“Hindi na lang po kami magko-complain.

“Basta mag-antay na lang kami kung anong mangyayari," dagdag ng Kapamilya actress.

HOT STORIES

“READY” FOR THE BIG DAY

Sakaling walang maging hadlang sa orihinal nilang wedding date, sinabi ni Neil na hindi sila magkakaroon ng problema.

Ayon kay Neil, “ready” na ang mga ginawa nilang wedding preparations.

Malinaw sa sinabi ni Neil na sa kabila ng enforced quarantine na ipinatupad sa bansa simula noong March, hindi natigil ang mga paghahanda nila ni Angel sa kanilang kasal.

Pangunahing concern lang daw talaga nila ang kaligtasan ng kanilang mga bisita.

“When it comes to preparations, ready naman po kami,” sabi ni Neil.

Continue reading below ↓

“Yung ano na lang… if mass gathering is allowed na.

“And siyempre safety ng guests and everyone else.”

Nasa general community quarantine (GCQ) pa rin ang Metro Manila, Region IV-A, ilang lugar sa Regions II at III at Visayas, Davao City, at Zamboanga City hanggang sa June 30.

Modified GCQ naman ang umiiral sa iba pang bahagi ng bansa.

Sa kabila ng mas maluwag nang quarantine rules, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mass gathering.

Kabilang sa itinuturing na mass gathering ang mga kasalan at iba pang katulad na okasyon.

Sakaling mag-postpone ng kasal sina Angel at Neil, sinabi ng huli na hindi naman malalayo ang bagong wedding date sa orihinal na petsang napili nila.

“I think we’ll decide somewhere near our date if we’ll gonna move it or not,” sabi ni Neil.

June 29, 2019 nang ianunsiyo nina Angel at Neil ang kanilang engagement.

Continue reading below ↓

FROM CLOSE FRIENDS TO LOVERS TO ENGAGED COUPLE

Sa parehong interview, ikinuwento ni Neil na taong 2010 sila nagkakilala ni Angel.

Sumama raw siya sa common friend nila nang magpunta ito sa bahay ni Angel.

Nang mga sumunod na taon daw ay naging malapit na magkaibigan sila.

“Lahat ng malulungkot, masasayang moment namin, nag-o-open up kami sa isa’t isa,” kuwento ni Neil.

Continue reading below ↓

Taong 2017 naman nang nagsimula silang mag-date.

Ayon kay Neil, naging maingat sila noon sa pagdedesisyon kung handa na sila sa panibagong level ng relationship.

Kung sakali kasing mauwi sa hiwalayan, aniya, masasayang ang kanilang pagkakaibigan.

Sinabi naman ni Angel na malaking advantage kung sisimulan sa pagiging malapit na magkaibigan ang isang romantic relationship.

Continue reading below ↓

“It’s better kung maging magkaibigan muna kayo bago kayo pumasok sa isang relasyon,” pahayag ng aktres.

“You’re comfortable na sa isa’t isa.

“Alam niyo yung mga do's and don’ts.

“Alam na rin namin yung mga pinagdaanan namin sa mga past relationships namin.”

NEIL’S DIRECTORIAL DEBUT

Sa kasalukuyan, si Neil ang direktor ng bagong show ni Angel sa Kapamilya Channel.

Continue reading below ↓

Ito ay ang docu-reality show na Iba ‘Yan.

Ang Iba ‘Yan ang unang sabak ni Neil sa pagdidirek.

Nagustuhan daw kasi ni Neil ang konsepto ng show, na nagtatampok sa kuwento ng kabayanihan ng mga ordinaryong tao.

“Real Filipinos doing real help.

“No one can say no to this project,” sabi ni Neil.

Continue reading below ↓

“Hindi ko na-imagine na mata-tap ako to do something like this.

“Pero nung sinabi sa akin, hindi ako nagdalawang-isip,” sabi pa ni Neil.

Simula noong June 14, tuwing Linggo napapanood ang Iba ‘Yan sa Kapamilya Channel.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angel Locsin and film producer Neil Arce had been close friends for seven years before they started dating in 2017. They got engaged last year and are set to marry this 2020.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results