Sharon Cuneta asks: “Where is my countrymen’s moral compass?”

by Arniel C. Serato
Jun 24, 2020
Sharon Cuneta: “I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so."
PHOTO/S: Noel Orsal

“Where is my countrymen’s moral compass?”

Ito ang tanong ni Sharon Cuneta sa kanyang mahabang post sa Instagram at Facebook ngayong Miyerkules, June 24.

Ayon sa Megastar, hindi raw niya maintindihan kung bakit tila napakadali sa iba na magpakawala ng masasakit na salita laban sa kapwa nang wala namang dahilan.

Saad ni Sharon: “I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so.

“Where is my countrymen’s moral compass?

“Kay tatapang na nating magbitiw ng di lang masasakit kundi di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan.

“Masyado nang tinotolerate, kundi man ine-encourage—at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa.”

Sabi pa ng 54-year-old singer-actress, sanay siya sa intriga dahil lumaki siya sa showbiz industry.

Pero ngayon, ang mga salitang kanyang binibitawan ay nabibigyan ng ibang kahulugan dahil ang asawa niya ay isang pulitiko—si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Continue reading below ↓

Pati rin daw ang kanyang mga anak ay hindi pinapatawad.

“Sa showbiz kung saan lumaki ako, sanay kami sa intriga.

"At alam namin kung sino ang nang-iintriga sa amin.

“Sanay kaming humaharap sa isa’t-isa sa interviews at sa sagutan hanggang magkalinawan.

“Ngayon, anumang bukambibig ko, ng sinoman sa mga anak kong may kanya-kanya namang isip, ay pipilipitin at ididikit sa anumang ginagawa o sinasabi ng kanilang ama sa pagiging politiko niya.

“Damay kami kahit may iba’t-iba naman kaming issue.

“At ang baluktot, pilit itinutuwid.

“Ganyan na pala tayo kababa ngayon bilang mga Pinoy.

“Di lang pala chismis.”

“INA ANG MAS HAMAK NA MAHALAGA”

Sa gitnang bahagi ng post ni Sharon, naglabas siya ng hinanakit sa "kaibigan" na tila nagsasawalang-kibo lamang kahit "nabababoy at nasasaktan" ang kadugo at kalaman ni Sharon.

Sabi niya, “Nakakapagod na rin ang may kaibigan sa isang panig, habang ang sarili mong dugo at laman ay nabababoy at nasasaktan ng wala namang proteksyon mula sa kaibigan kahit mahal ka pa.

Continue reading below ↓

“Panahon na sigurong iuntog ang ulo ko sa pader.

“Para pag nakikita ko ang sakit sa mga mata ng mga anak ko kapag may masasakit na naririnig at nababasa, hindi na ako kailangan bumalanse sa pagiging kaibigan at INA.

“Dahil natural lang naman na ang pagiging INA ANG MAS HAMAK NA MAHALAGA...

“Napakasakit ng pinagdaraanan namin ngayon.”

Hindi raw inaasahan ni Sharon na mas lalong gumulo ang buhay niya noong nag-asawa siya ng hindi taga-showbiz.

“Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko.

“Lalo lang palang gugulo.

“Mas naaappreciate ko ang Showbiz ngayon...pagmamahal at intriga lang ang haharapin mo; madaling ayusin ang intriga, libre at napakasarap ng minamahal ka ng walang panig panig tulad ng politika.”

Itinaas na lamang daw ni Sharon ang lahat sa Panginoon.

Saad niya, “Bahala na ang Diyos sa amin.

“Siya naman ang may control sa lahat.

Continue reading below ↓

“Huwag natin bolahin ang ating sarili na tao ang may control sa lahat.

“Bukas puede magunaw ang mundo kung nanaisin ng Diyos.

“Dapat ang kaluluwa mo ang sure na ihanda mo.

“Ganon lang po. God bless us all.”

Kalakip ng post ni Sharon ang isang quote card mula sa Psalm 46:1-2.

Nakasulat dito: "God is our refuge and strength, a very present help in trouble.

"Therefore will not we fear..."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

SHARON DEFENDS FRANKIE

Hindi man direktang tinukoy ni Sharon kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang mensahe, mahihinuhang may kinalaman ito sa pakikipagsagutan niya sa social media.

Nitong mga nakalipas na linggo ay nasangkot sa social media controversy ang anak niyang si Frankie Pangilinan, na very open sa pagpapahayag ng opinyon tungkol sa mga isyu sa lipunan.

Kabilang sa isyung tinalakay ni Frankie ay ang rape at victim blaming.

Kaugnay nito, isang troll ang nagsabing kung 12-anyos lamang siya ay gagahasain niya si Frankie upang ipamukhang may mali sa batas na nilikha ng ama nitong si Senator Pangilinan.

Ito ay ang Republic Act (RA) 9344, na kilala rin sa tawag na Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Bahagi ng nakasaad sa RA 9344 na ang minimum age for criminal liability sa minors ay 15-anyos.

Pero sa panukalang batas na HB 8858, layon nitong papanagutin ang mga batang napatunayang gumawa ng krimen sa edad na 12-anyos.

Continue reading below ↓

Mahigpit itong tinututulan ni Pangilinan.

Dahil sa bantang ito laban kay Frankie, balak ni Sharon na kasuhan ang troll.

Gagamitin daw niya ang kanyang koneksiyon mahanap lamang at mapanagot ito.

Binuweltahan din ni Sharon ang dating kaibigang showbiz columnist na si Ronald Carballo.

Hindi matanggap ng Megstar ang paninira ni Carballo sa kanya at sa panganay na anak na si KC Concepcion.

Humingi ng tawad ang kolumnista, pero hindi ito sinagot ni Sharon.

NETIZENS SYMPATHIZE with sharon

Sa comments section ng latest Instagram at Facebook post ni Sharon, may mga netizens na nakisimpatiya sa kanya.

Bahagi ng komento ng isa, “Ms Sharon i hope you find peace in knowing wala kang inagrabyado na tao, we cant control other people only ourselves, alam namin na mabuti kang tao and at the end of the day kayo ng pamilya mo ang magkakasama wag mo silang intindihin, you know how blessed you are and yun ang mga hinde matanggap ng ibang tao kaya pinipilit ka nilang masira, matatalino ang mga anak mo you and sen kiko raised them well so i am sure they will be ok and will stay strong inspite of what other people say."

Continue reading below ↓

Nagpasalamat sa kanya ang Megastar.

Komento ng isang Pinay na tumira nang matagal sa Amerika, “It’s soo sad !! I lived in the States now for 32 years and when I go back home I’m appalled at how Filipinos talk now! Which never happens in my time!!

“They say things like and taba mo ! Which some things Americans will never say in front of you offensive words !!”

Continue reading below ↓

Sagot ni Sharon, “I miss the States. Too much division and discrimination now, though. Plus high # of Covid 19 cases... am so sad. It is my second home."

Ayon naman sa isang komento, “Sna pumarehas knlng s political convictions ni Senator kiko at ni Kakie”

Sa sagot niya, mukhang may nakakatampuhan nga siyang kaibigan.

Continue reading below ↓

Sabi ni Sharon, “May narinig na ba kayo ever sa political convictions ko...? Iba ang pagkakaibigan. Hindi laging pareho ng pinaninindigan.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: “I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results