Aiko Melendez, son Andre file cybercrime complaint against netizen

by Arniel C. Serato
Jun 25, 2020
Aiko Melendez (rightmost) and son Andre Yllana (leftmost) with Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) officials at Camp Crame, Quezon City, today, June 25, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: Maria Kendra Melendez on Facebook

Tinotoo ni Aiko Melendez, 44, ang kanyang banta sa netizen na nanirang-puri sa kanyang anak na si Andre Yllana, 21.

Ngayong Huwebes, June 25, nagpunta sina Aiko, Andre, at ang nobyo ng aktres na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa opisina ng cybercrime division ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City.

Layon nilang magsampa ng reklamong may kaugnayan sa cybercrime law laban sa Twitter user na nanira kay Andre.

Ibinahagi ni Aiko sa kanyang Facebook ang pagdulog nila sa CIDG.

Post ni Aiko: “Maraming Salamat po PLTCOL NICOMEDES P OLAIVAR JR PNP-ACG.. CYBERCRIME And Gen Agustin sa agaran Action!”

Natukoy na rin daw nila ang pagkakakilanlan ng Twitter user, na tinawag ng Kapuso actress na “crazy pervert.”

“We now have a lead of who this crazy pervert, who caused my son Andre Yllana anxiety!” sabi ng aktres.

Nong Lunes, June 25, naghayag si Aiko ng galit laban sa Twitter user, na may handle name na @jakolinks, dahil sa claim nitong mayroon daw siyang hawak na sex video scandal ni Andre.

Continue reading below ↓

Ia-upload daw ito ng netizen kapag umabot na sa 25,000 ang kanyang followers.

Hamon ni Aiko, ilabas ng netizen kung mayroon nga itong hawak—pero kung wala ay magsasampa sila ng reklamo.

Sa kanyang panig, mariing pinabulaanan ni Andre na mayroon siyang video scandal.

Para patunayan ito, sinabi ng binata na virgin pa siya.

AIKO THANKS BOYFRIEND FOR ACCOMPANYING THEM

Malaki naman ang pasasalamat ni Aiko sa nobyong si Vice Governor Jay dahil sa pagsuporta nito.

Aiko Melendez (leftmost), Andre Yllana (2nd from left) and Zambales Vice Governor Jay Khonghun with some officials of Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cybercrime Division, Camp Crame, Quezon City.

Continue reading below ↓

Pahayag ng Prima Donnas star, “Thank you baby Vg Jay Khonghun for stepping in for Andre.

“We appreciate your presence."

Mensahe pa ni Aiko sa netizen: “As i told you don’t mess with any of my love ones.

“Especially when we are right!

“Because we will teach you a lesson that you regret learning.”

Sa pakikipag-usap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aiko, sinabi niyang lumuwas pa mula Zambales ang nobyo para masuportahan si Andre bilang pangalawang ama.

Sabi niya, “Oo, lumuwas si VG [Vice Governor] for Andre.

“Tapos nag-akapan sila, nakakaiyak.”

Si Andre ay anak ni Aiko sa dating asawang si Jomari Yllana.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez (rightmost) and son Andre Yllana (leftmost) with Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) officials at Camp Crame, Quezon City, today, June 25, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: Maria Kendra Melendez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results