Lani Mercado mourns death of father-in-law Ramon Revilla Sr.

by Arniel C. Serato
Jun 26, 2020
Lani Mercado posts message for late father-in-law Ramon Revilla Sr.; veteran stars Vivian Velez (center) and Elizabeth Oropesa (right) condole with the family.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

Labis na nalungkot si Bacoor City Mayor Lani Mercado sa pagpanaw ng kanyang father-in-law na si Ramon Revilla Sr.

Ilang minuto matapos pumanaw ng nakatatandang Revilla ngayong Biyernes ng hapon, June 26, naghayag ng kanyang mensahe para sa namayapang biyenan ang misis ni Senator Bong Revilla.

Ayon kay Lani, nalampasan na ng kanyang “Daddy” ang pagod dahil nagbabalik-loob na ito sa Diyos.

Matagal na rin kasi itong nakaratay sa banig ng karamdaman.

Mensahe ni Lani: “Paalam Na Daddy...

“Yakapin ka ng mahigpit ng Panginoon.

“Tapos na ang pagod...”

Continue reading below ↓

Sa isa pa niyang post ngayong gabi, sinabi ng 52-year-old Bacoor mayor na hinding-hindi niya malilimutan ang biyenan.

Aniya, "Magpakailanman, nakabaon sa aking puso ang magagandang alaala ng pagsasama-sama ng ating pamilya.

"I love you, Daddy.

"Hanggang sa muling pagkikita!"

Pumanaw si Ramon Sr., sa edad na 93, dahil sa heart failure.

Continue reading below ↓

SYMPATHY MESSAGES

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa mga naiwan ni Ramon Revilla Sr. ang mga beteranang artista na sina Vivian Velez at Elizabeth Oropesa.

Sabi ni Vivian sa kanyang post sa Facebook, “May his soul Rest in Peace... Sen. Ramon Revilla Sr. Condolences Sen. Bong Revilla.

"You and your family are in my thoughts as you grieve this loss. All my love."

Continue reading below ↓

Mensahe naman ni Elizabeth Oropesa sa pamilya, "My Condolences to the Revilla Family.

"Rest in Peace Sir Ramon Revilla Sr."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Mercado posts message for late father-in-law Ramon Revilla Sr.; veteran stars Vivian Velez (center) and Elizabeth Oropesa (right) condole with the family.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results