Vice Ganda, Catriona Gray condemn arrest of 20 Pride March participants

by Jet Hitosis
Jun 27, 2020
Kapamilya TV host-comedian Vice Ganda (left) is one of the most popular showbiz personalities from the LGBTQIA community, while Miss Universe 2018 Catriona Gray (right) is a proud ally of the LGBTQIA.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @catriona_gray on Instagram

Umapela ng tulong ang TV host-comedian na si Vice Ganda kay Manila Mayor Isko Moreno.

Kaugnay ito ng pagdakip ng mga pulis sa 20 nakibahagi sa Pride March sa Mendiola, nitong Biyernes ng umaga, June 26.

Kinondena naman ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang aniya’y marahas at wala sa katwirang pag-aresto sa kalagitnaan ng “peaceful rally.”

Sa 20 dinampot ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD), 10 ang miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) rights group na Bahaghari.

Walo ang nagmula sa iba pang progressive groups na kaalyado ng Bahaghari.

Ang dalawa pa ay parehong driver ng mga sasakyang naghatid sa mga nag-rally patungong Mendiola.

Nais ni Vice, 44, na malinawan siya sa ginawang pag-aresto sa mga raliyista.

Lalo na at sa video footage na kumalat sa social media ay hindi masagot ng mga pulis ang tanong ng mga raliyista kung ano ang basehan ng pagdakip sa kanila.

Continue reading below ↓

Sa tweet ng It’s Showtime host nitong Biyernes ng gabi, ipinaalala niya kay Mayor Isko na “LGBTQIA+ friendly” ang Maynila at ang mismong alkalde.

Tweet ni Vice (published as is): “Anu tooooooooo?????

“Pakiexplain po?

“Saklolo naman po dyan Yorme!!!!

“Sa aking pagkakaalam LGBTQIA+ friendly ang Maynila at si Yorme.

“Beke nemeenn!!!”

Continue reading below ↓

Nang hindi nakakuha ng reaksiyon mula kay Mayor Isko, inulit ni Vice ang kanyang panawagan.

Sa sumunod na tweet ng TV host-comedian, tinag na niya ang alkalde.

“Saklolo Yorme @IskoMoreno!!!!” tweet uli ni Vice.

At press time, wala pa ring tugon si Mayor Isko.

LGBTQIA VS JEEPNEY PHASEOUT, ANTI-TERRORISM BILL

Sa panayam ng media kay Rey Salinas, tagapagsalita ng Bahaghari, sinabi niyang nais lang daw maglabas ng saloobin ng LGBTQIA community sa ilang usapin.

Continue reading below ↓

At ginawa nila ito sa taunang Pride March.

Ang pagmamartsa ay bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month tuwing June.

Hiling ng Bahaghari ang pagkakapantay-pantay ng karapatan sa ayuda at libreng mass testing ngayong may coronavirus pandemic.

Tinututulan din ng grupo ang phaseout sa mga traditional jeepneys, na mahigit tatlong buwan nang hindi nakakapamasada.

Mariin ding kinontra ng LGBTQIA community ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill.

POLICE CLUELESS ABOUT RALLYISTS’ VIOLATIONS?

Kahit pa iilan lang ang mga raliyista, na pawang naka-facemask at nagpatupad ng social distancing, pinagdadampot sila ng mga pulis.

Sa video ng aktuwal na pagdakip sa mga raliyista, makikitang hinabol ng mga miyembro ng media ang sasakyan ng MPD.

Naisakay na noon ang mga inaresto.

Inusisa ng mga mamamahayag sa mga pulis kung ano ang nilabag ng mga raliyistang isinama nila.

Pero walang naisagot sa kanila ang mga tauhan ng MPD.

Dumating pa sa punto na isang lalaking intern ng online news portal na Manila Today ang tinangkang isama sa mga dinakip.

Continue reading below ↓

Kaagad namang nilinaw ng mga mamamahayag na kapwa nila media ang lalaki, kaya pinalaya ito.

Dinala ang 20 na inaresto sa MPD Headquarters sa United Nations Avenue.

CATRIONA: “WHY THE WITHHOLDING OF RIGHTS?”

Ipinost ni Catriona, 26, sa Instagram at Twitter nitong Biyernes ang pagkondena niya sa nangyari.

Iyon na raw ba ang “new normal” na sasapitin ng sinumang nagpapahayag ng saloobin tungkol sa mga nangyayari sa bansa?

Saad sa post ni Catriona: “Is this the new normal? [broken heart emoji]

“Earlier today a peaceful #PRIDE rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested.

“When questioned by the witnesses and media about the reason or violations for arrest, the police gave no response.”

Giit ng Filipino-Australian beauty queen, kung tumalima naman sa health protocols ang mga raliyista, bakit kailangang maging marahas ang mga pulis sa mga ito?

Kinuwestiyon din ni Catriona ang aniya’y kabiguan ng mga awtoridad na ipaalam sa mga nag-rally ang dahilan kung bakit sila inaresto.

Continue reading below ↓

Hindi rin daw ipinaalala sa mga dinakip ang kanilang mga karapatan, sabi ni Catriona.

Malinaw daw itong napanood sa kumalat na video ng pag-aresto.

Post ni Catriona: “If proper health guidelines were being followed, (social distancing, mask wearing) why the use of force?

“Why the withholding of rights (witnesses said they were not read their miranda rights before arrest nor given reason of arrest)?

“Videos circulating online confirm this.”

Ang Miranda Rights ay ang pangunahing karapatan ng inaaresto, na mas kilala ng publiko bilang binabasa na: "You have the right o remain silent, anything you say may be used against you in a court of law, you have the right to an attorney..."

Obligado ang mga awtoridad na ipaalam sa sinumang inaaresto ang tungkol sa kanyang mga pangunahing karapatan.

“NOW IS THE TIME TO SPEAK UP”

Iginiit ng ikaapat na Pinay Miss Universe na karapatan ng lahat ng Pilipino ang magpahayag ng saloobin tungkol sa kanyang bayan.

Continue reading below ↓

Protesta ang diwa ng Pride March kahit noon pa, ayon kay Catriona.

“We have the right to raise our voice,” ani Catriona.

“Pride, since the beginning has been a protest.

“Now is the time to speak up.

“#FREEPRIDE20 #PRIDE2020”

Sa pahayag sa media, sinabi ng MPD na inaresto ang 20 nakibahagi sa Pride March dahil sa illegal assembly, na paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act.

Continue reading below ↓

Nagkaroon din daw ng non-cooperation at paglabag sa Republic Act 11332, o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang mga raliyista, ayon sa MPD.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya TV host-comedian Vice Ganda (left) is one of the most popular showbiz personalities from the LGBTQIA community, while Miss Universe 2018 Catriona Gray (right) is a proud ally of the LGBTQIA.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results