Jolo Revilla pays tribute to late grandfather Ramon Revilla Sr.

by Nikko Tuazon
Jun 28, 2020
In an Instagram post on Saturday, June 27, 2020, Cavite Vice Governor Jolo Revilla (left) wrote an emotional message for his late grandfather, Ramon Revilla Sr. (right).
PHOTO/S: @jolo_revilla on Instagram

Labis na ipinagdadalamhati ng aktor at kasalukuyang Vice Governor ng Cavite na si Jolo Revilla ang pagpanaw ng kanyang lolo na si Ramon Revilla Sr.

Nitong Biyernes ng hapon, January 26, 2020, sumakabilang-buhay ang film icon at dating senador sa kanilang bahay sa Bacoor, Cavite, dahil sa heart failure.

Sa isang Instagram post kahapon, June 27, muling nagbigay-pugay si Jolo sa kanyang yumaong lolo.

Sa caption, sulat nito, "Daddy Ramon, Mabigat at masakit man sa amin ang iyong paglisan, panatag ang loob namin dahil nasa isang lugar ka na kung saan hindi ka na mahihirapan."

Muli ring binalikan ni Jolo ang mga huling sandali na kapiling niya ang kanyang lolo.

"Nagpapasalamat ako dahil lalo pang lumalim ang relasyon nating dalawa nitong huli.

"Sa halos araw-araw na pagbisita namin sa iyo, nakita ko kung paanong sa kabila ng iyong naging karamdaman, kami pa rin ang inaalala mo.

"Nabigyan mo ng pantay-pantay na pagkakataon ang mga anak mo na makaharap ka.

Continue reading below ↓

"Nakita ko rin kung paanong hanggang sa huli ay lumaban ka.

"Alam kong magiging masaya ka na ngayon sa piling ni Mommy Cena."

Si Mommy Cena ay ang lola ni Jolo at asawa ng kanyang Daddy Ramon na si Azucena Mortel-Bautista.

Ipinagpapasalamat din ni Jolo ang ilan sa mga bagay na natutunan niya mula sa kanyang lolo.

Aniya, "Daddy, salamat sa lahat ng aral - lalo na ang halimbawa ng pagmamahal mo sa bayan.

"Sobra ang paghanga ko sa iyo dahil sa malasakit mo sa ating mga kababayan. Napakarami mong tinulungan, inalagaan at inaruga.

"Salamat din dahil dala dala ko ang iyong pangalan. I will take care of it the way you did yours."

Sa huli, ibinahagi ni Jolo kung gaano nito mami-miss si Don Ramon.

"Mami-miss ka namin ng sobra. Rest well, Daddy. We love you!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Kahapon sinimulan ang lamay para kay Don Ramon sa Revilla Compound, 305 Aguinaldo Hi-way, Bacoor City, Cavite.

Sa ngayon, nakiusap ang Pamilya Revilla sa publiko na ipaubaya muna sa kanila at malalapit na kaibigan ang pagluluksa. Maiging pinag-iisipan din ng pamilya ang pagkakaroon ng online burol para kay Don Ramon.

Samantala, hindi pa desidido ang Pamilya Revilla kung sa July 2 o sa July 3 gaganapin ang libing.

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on Saturday, June 27, 2020, Cavite Vice Governor Jolo Revilla (left) wrote an emotional message for his late grandfather, Ramon Revilla Sr. (right).
PHOTO/S: @jolo_revilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results