Mayor Andeng Ynares reveals dad Ramon Revilla Sr. bid farewell in her dream

by Jerry Olea
Jun 29, 2020
Mayor Andeng Ynares on late dad Ramon Revilla Sr.: “Kung ano man ako ngayon, kung ano ang narating ko, I owe it to my dad. I owe it to my mom, especially sa daddy ko, kasi... sa sobrang pagmamahal, I cannot explain.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Noong nag-lockdown sa Cavite, sinabihan daw ni dating Senador Ramon Revilla Sr. ang kasamang housegirl na dadalo pa ito sa debut ng apong si Cassandra.

Ang 12-anyos pa lang na si Cassandra ay anak ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Bautista Ynares.

“Sabi pa raw ni Daddy, ‘Makakatanggap ako ng one hundred thousand pesos.’ Kasi, di ba, pag naging 100 years old ka, may P100,000 ka,” matamang lahad ni Andeng nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Hunyo 28, Linggo ng hapon, sa Revilla Compound, Bacoor, Cavite, kung saan nakaburol ang mga labi ni Mang Ramon.

“Pero yung gagawin daw niya sa P100,000 niya, ipamimigay niya sa mga kasambahay namin, at sa mga nurses niya.

“Ibibigay raw niya ang pera niya sa kanila.”

Si Andeng ang ika-anim sa pitong anak ni Mang Ramon sa asawa nitong si Azucena Mortel.

Pumanaw si Mang Ramon sa edad na 93 noong Hunyo 26, Biyernes ng dapithapon, sa rancho nito sa Bacoor, Cavite.

Continue reading below ↓

Simpleng tao lang daw si Mang Ramon.

Dagdag ni Mayora, “Napakasimple ng mga gusto niya sa buhay. Ahhh... wala siyang tinitingnan.

“Mahirap, mayaman ka, pupunta sa sabong... kahit naman manalo siya sa sabong, e, hindi naman niya itinatabi iyong pera niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Alam ng mga sabungero ‘yon. Kasi, ipinamimigay rin niya yung panalo niya.”

MANG RAMON WAS AN ANIMAL LOVER

Mahilig mag-alaga ng mga hayop si Mang Ramon.

Maliban sa manok na pansabong, meron itong Peking duck, aso, baka, usa, kambing, ostrich at dalawang askal na sina Starboy at Lemon.

Na-miss ni Mang Ramon ang alagang aso kaya nag-insist ito na lumabas ng ospital at umuwi sa rancho.

“Actually, kinagat nun [aso] si Kuya Bong! Kasi, ano, di ba? Parang ano kami...”

Kinagat man ng aso si Senador Bong, hindi ito pinarusahan.

“Untouchable siya, kasi love siya ni Daddy. So, hindi kinulong si ano... Hindi siya pinagalitan.

"Si Kuya Bong, in-injection.”

Continue reading below ↓

Nasa rancho pa rin ang mga alagang hayop ni Mang Ramon. May caretaker na nag-aalaga sa mga ito.

Napangiti si Andeng, “Last night, bago ako matulog, sinabihan ako ni Ate Gigi, na tumawag daw kay Kuya Marlon iyong head ng security sa rancho.

“Kasi raw, 12:00 o’clock — he died June 26, di ba? — so, around 11:00 something or maybe 12:00 AM... lahat ng animals niya, for 10 minutes, nag-iingay.

“For 10 minutes. And then, after that, wala na.”

Si Gigi dela Riva, dating aktres, ay asawa ng kapatid ni Andeng na si Marlon Bautista.

HOT STORIES

PREMONITION

Nagparamdam ba kay Andeng ang yumaong ama?

“I dreamt of him. Napanaginipan ko siya. Before this thing happened,” pagmuwestra ni Andeng sa lamay.

Ilang sandaling nanahimik si Andeng.

Halos pabulong niyang sambit, “Parang kukunin na siya ni God. Punta na siya ng Heaven.

“Pero I know naman, he asked permission from us. Nagsabi siya. Daddy ko naman, laging ganoon.

Continue reading below ↓

“Nagsabi siya na... ‘Anak, medyo nahihirapan na ako.’

"Sabi ko, kahit masama sa loob ko, ‘Nirerespeto ko po ang desisyon ninyo.’

“Nagte-thank you siya. Sabi niya, ‘Thank you, anak.’

"Yung parang pinayagan mo siya na... kasi, he just wants to go home.

“And home for him is Cavite. Home for him is his rancho.

“And siyempre, ang finale, dito sa mansion where we grew up. All of us.”

LAST VISIT

Nakapag-bonding pa rin ba sila ni Mang Ramon bago ito pumanaw kahit sa Antipolo na nakabase si Andeng?

“Siyempre, may trabaho na ako roon. So, mas mahirap na sa akin na ano, pero naintindihan niya iyon,” saad ni Mayora Andeng.

“Kasi, ipinaalam ako ni Jun-jun [Ynares] sa kanya. Ang ano dun, magbi-visit lang ako sa kanya once a week.

“So, pag Wednesday, after lunch, I would go to Cavite to see him.

"Actually, ang ano nga, ang nangyayari nga... nagkikita lang kami for 30 minutes.

Continue reading below ↓

“Pero yung 30 minutes na ‘yon, it’s a quality time. Quality time namin. Bonding time.

"Thirty minutes, kasi mas mahaba pa iyong biniyahe ko papunta rito.”

Ano ba talaga ang anting-anting ni Mang Ramon?

“Iyong pagmamahal. Pagmamahal,” mabining pakli ni Andeng.

Ang dami niyang minahal!

Natawa si Andeng nang bahagya, “Pero sabi niya, huwag siyang tularan, di ba?

“Pero iyong tunay na pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Yung pagmamahal na unconditional love.

"Yung pagmamahal na kahit wala ka na dito, matatandaan ka pa rin ng mga tao.

“Kasi, naging mabuti ka sa kapwa. I think that’s how I want my dad to be remembered.

“Someone who’s simple, mapagmahal—sabi ko nga, maraming minahal. Mapagmahal, at nagmahal nang totoo sa amin.

“Kung ano man ako ngayon, kung ano ang narating ko, I owe it to my dad.

"I owe it to my mom, especially sa daddy ko, kasi... sa sobrang pagmamahal, I cannot explain.”

Continue reading below ↓

For the record, sa FB Live ni Senator Bong noong Biyernes, apat na minuto matapos malagutan ng hininga si Mang Ramon—si Andeng ba iyong pumalahaw ng “DADDDYYY!!!”?

“Hindi ako nahihiyang aminin, kasi siguro it’s coming from my heart,” pag-amin ni Andeng, na namumuo ang mga luha.

“Mami-miss ko ‘yan. Pag malungkot lang ako, yun na yung kausap ko...”

RELATED STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Andeng Ynares on late dad Ramon Revilla Sr.: “Kung ano man ako ngayon, kung ano ang narating ko, I owe it to my dad. I owe it to my mom, especially sa daddy ko, kasi... sa sobrang pagmamahal, I cannot explain.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results