“Hanggang Sa Huli.”
Ito ang titulo ng kantang isinulat ni Moira dela Torre para sa kanyang home network, ang ABS-CBN.
Si Moira ay bahagi ng ASAP Natin ‘To at naging hurado ng Idol Philippines noong 2019.
In-upload ng singer ang kanta sa kanyang Instagram kahapon, July 1—isang araw matapos ipasara ang digital broadcast ng ABS-CBN TV Plus.
Bukod sa pagkawala sa ere ng ilang channels ng TV Plus, na kilala rin sa tawag na Mahiwagang Black Box, ipinasara rin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang direct-to-home transmission ng satellite broadcast ng Skycable sa SKY Direct.
Napaso na raw kasi ang prangkisa ng mga ito.
Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Moira na alam niyang hindi madali ang pinagdaraanan ngayon ng kanyang home network.
Ngunit sa kabila nito, mananatili raw silang pamilya.
Saad niya, “Hanggang sa huli, kapamilya
“To my ABSCBN family, as the seasons get harder and harder, i hope you remember that this is all it's gonna be—a hard season.
“Because at the end of the day, whatever other people might say about our family, this is always what we're gonna be—a family.
“So along with all the families you have helped and all the lives you have touched, we want you to know we stand by you.
“Mahigpit na yakap. Nandito kami hanggang sa huli. #LabanKapamilya"
“HANGGANG SA HULI” SONG LYRICS
Ramdam ang lungkot sa bawat linya ng kantang isinulat at kinanta mismo ni Moira.
Narito ang lyrics ng "Hanggang Sa Huli":
Mahigpit na yakap mo ang aking hanap
Sa puso moy laging ala-alang matamis na sandali
Tangi kong hangad ay lagi kang mapangiti
Alam kong panalangin ko’y naririnig
Kung minsan ay mapait ang tadhana
Tayo’y tila pinaghihiwalay
Kapit ka lang huwag bibitiw sa'king mga kamay
Yakap lang, dalang bigat ay gagaan
(Chorus)
Kahit anong mangyari, andito lang palagi
Sa’yong tabi
Lagi mong tatandaang di lalayo sa’yo
Kahit anong unos ay kakayanain
Kasama mo ako
Hanggang sa huli
(repeat chorus)
JULIA MONTES, JAYA, DJ CHACHA REACT
Naghayag naman ng kalungkutan ang ilang Kapamilya celebrities sa kanilang komento sa post ni Moira.
Ilan sa kanila ay sina Julia Montes, Jaya, at DJ Chacha.
Sabi ni Julia, “Always making me cry.”
Ayon naman kay Jaya, "Ang ganda ng awit na ito Moira!!!! #hanggangsahuli #labankapamilya”
May pag-asa namang komento ni DJ Chacha, “Awwww. Ang ganda moi! Kapit lang kapamilya, lilipas rin ito.”

Ngayong araw, July 2, lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ulat na nagpasabi na raw ang management ng ABS-CBN na maaari nang lumipat sa ibang network o mag-apply sa ibang kumpanya ang mga talents at empleyado pagkatapos ng Hulyo.
Nasa bitag pa kasi ng alanganin ang kapalaran ng prangkisa ng ABS-CBN sa Kongreso.
May 5 nagsara ang ABS-CBN matapos hainan ng cease and desist order ng NTC.
Hawak ni Presidente Rodrigo Duterte ang kapalaran ng ABS-CBN.
Malinaw naman kasing magagawan ng paraan ng Kongreso ang prangkisa kung gugustuhin nito, gaya ng one-day-wonder na pagsasaayos nito ng Anti-Terror Bill, na gustong priority ng Presidente.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
