Hindi nagpatinag ang netizen na binalaang ipahahanap ni Angel Locsin.
Kahapon, July 2, nilinaw ng Twitter user na si "Tio Moreno" na hindi siya troll at hindi fake account ang gamit niya.
Nagsimula ang palitan ng mensahe sa pagitan ni Angel at ng netizen noong July 1.
Isang open letter ang ibinahagi ng aktres sa Instagram.
Kinuwestiyon ni Angel kung bakit pinag-iinitan ng mga mambabatas ang ABS-CBN gayong mas marami pang malalaking usapin ang dapat unahin.
May kinalaman ito sa isinasagawang hearing ng Kongreso para sa franchise renewal ng Kapamilya network.
Idagdag pa rito ang pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN TV Plus at Sky Direct, ang cable channel ng Kapamilya station.
Mensahe ni Angel sa mga mambabatas: “Make sure you have plans for the many workers who lost their income.
“Ang daming time pag-initan ang ABS, i-prioritize pa ang re-naming ng airport, anti-terrorist bill, pero ang kailangang marinig ay ang plano tungkol sa Covid & frontliners, plano sa edukasyon para sa mahihirap na walang access sa internet o magtuturo sa bahay, balik probinsya, OFW’s na stranded sa ibang bansa, kabuhayan ng nawalan ng trabaho, paano na ang tradisyunal na jeepney drivers?
“Paano ang mga senior citizens?
“At sa kung anong kakaharapin ng masang Pilipino pagkatapos ng pandemya."
Nagkomento rito ang netizen sa pamamagitan ng Twitter.
Buwelta nito, mas marami pa sanang magagawang pagdinig ang mga kongresista kung hindi lang dahil sa ABS-CBN franchise.
Sa kanya namang Twitter account, binalaan ni Angel ang netizen na ipahahanap siya nito kung hindi titigil sa pagkokomento sa kanyang Twitter page.
Sabi ng aktres: “Let me give you a heads up, if you don’t stop flooding my page with nonsense, I will trace you and tap your employer, your family, anything."
THREAT FROM A CELEBRITY
Sa Facebook account ng netizen—gamit ang pangalang RJ Anglao—nag-post siya ng open letter para sa 35-year-old Kapamilya actress.
Ayon dito, mali ang magbanta sa kapwa dahil magkaiba lamang ang kanilang opinyon.
Saad ni Anglao: “Threatening to silence a person for the sole reason of his differing viewpoints from yours isn't a civil & diplomatic way to change the way he looks at things, but is instead a barbaric form of getting your way on him which is only done by felons.”
Itinuturing din ng netizen na banta sa kanyang seguridad at kaligtasan ang mga sinabi ni Angel sa Twitter account nito.
"Thank you for proving to the whole nation that IT’S NOT FREEDOM OF SPEECH if it does not parallel to what you have believed in.
"I will take this as a threat from a real celebrity known as a real life DARNA. God bless you.”
Bilin pa niya sa kanyang mga kakilala at mga kamag-anak, “To my family, relatives, and friends if ever something happens to me, please know that my idol Angel Locsin, our real life Darna, has threatened me.
"She has the money, power, and other outlets to hurt me and it’s okay, Darna siya eh.
“PS: I just asked her a question on twitter and I don’t know if where’s her fulmination comes from.
"I posted the twitter thread in the comment section, please judge if there’s bashing, etc.”
Kalakip ng kanyang post ang screenshot ng babala ni Angel.
NOT USING THE VICTIM CARD
Sa isa pa niyang Facebook post, iginiit ni Anglao na malaki ang paghanga niya kay Angel.
Katunayan, isa raw siya sa dumepensa sa aktres nang laitin ito nang kumalat ang litrato nitong mukhang nananaba.
Batid daw ng netizen na hindi matatawaran ang naging ambag ni Angel sa bansa, pero mali ang ginawa nitong pagbabanta sa isang ordinaryong taong katulad niya.
Saad niya, “ANGEL LOCSIN’s threat to an ordinary citizen’s tweet.
“I can’t answer all your questions guys so please read the caption of each photo.
“PS: To those who are saying that I’m playing the “victim card” here, sorry— YOU’RE WRONG!
"If you hate me because you love Angel, please know as well that I’m a fan & I’m actually one of the people on twitter who defended her for being BODY SHAMED.
"It’s not “pa VICTIM” when you’re just explaining your side because if you still trust fully the mainstream media today, then you’re closing your mind to know the reality.
"Angel Locsin’s contribution to the country is not undermined here.
"What is not okay is THREATENING someone just because she can’t handle the heat."
Viral na ang post na ito ni RJ na meron ng 14K likes at 17K shares.
FACE APP
Sa isa pang post, iginiit ni Anglao na hindi peke ang kanyang account sa Twitter dahil sa profile pic na naging babae siya.
Palwianag niya, ginamit niya ang isang face app kung saan pinagmumukhang babae ang lalaki at ginagawa namang lalaki ang mga babae.
Sabi ng netizen, “To the followers of Angel Locsin, your real life Darna kuno.
"Here’s the orig photo and the face app photo.
"Tama na ang haka-haka na fake account yong twitter ko and I’m harassing your hero.
"Accept the fact that she can’t handle the heat and she resorted to threatening instead of discussing things well.
"Hindi ko po kasalanan na hindi umabot ang faceapp sa inyo.
"HINDI KO RIN PO KASALANAN NA MAS MAGANDA AKO SA IBANG GIRLS SA FACEAPP KO KAYA NALILITO KAYO HAHAHAHA”
Hindi naman naisip ng galit na galit na si Anglao na nakakasulasok din ang panay-panay na puntirya at panduduro sa isang celebrity.
May hangganan din naman ang sinasabing "heat" na gugustuhing harapin ng isang nasa limelight.
Habang, ang isang netizen na gaya ni Anglao, wala namang kinakailangang haraping negatibong komento araw araw.
Hindi siya kinukurta. May oras siyang maglapirot ng gusto niyang sabihin. May oras nga siyang mag-post ng comments sa account ng celebrity gaya ni Angel Locsin.
Samantala, sa Lunes, July 6, magpapatuloy ang pagdinig ng Kongreso ukol sa ABS-CBN franchise hearing.
Ito na ang ika-12 hearing ng joint committee ng Legislative Franchises at Accountability and Public Governance.
Inaasahan ding pagkatapos ng lahat ng pagdinig, agad na isusunod ang botohan sa committee level kung bibigyan nila ng bagong prangkisa ang istasyon o tuluyan na itong ibabasura.
May 5, nagsara ang ABS-CBN dahil sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
