Pumanaw na ang ama ng mga aktres na sina Angelika at Mika dela Cruz.
Inanunsiyo ni Angelika sa kanyang social media accounts ang pagkamatay na amang si Ernie dela Cruz kahapon, July 4.
Mensahe ni Angelika para sa ama (published as is):
"Daddy you are my best friend ang kakampi ko sa lahat .. I’m heartbroken dahil iniwan moko agad .. I love you so much Dad
"Mabuti kang tao na maraming tinulungan.. pahinga ka na .. Rest in Peace Dad .. masaya ako para sayo at mag kasama na kayo ni Edward ..
"till we meet again .. mahal na mahal kita #daddysgirl"
Ang tinutukoy na Edward ni Angelika ay ang kapatid niyang lalaki na yumao dahil sa isang vehicular accident noong June 7, 2010.
Noong nakaraang Father's Day, June 21, parehong nag-post sina Angelika at Mika sa Instagram upang humiling ng dasal para sa paggaling ng kanilang ama.
Hindi binanggit ng magkapatid kung ano ang naging karamdaman ng amang si Ernie.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
