Piolo Pascual breaks silence on Sagada trip, ABS-CBN franchise

by Bernie V. Franco
Jul 9, 2020
Piolo Pascual: “It saddened me to be judged without knowing the facts." But the star never offered the public an explanation until now, admitting, “I’m the type who just lets things pass and the truth speak for itself but this time I’m forced to air my side for clarity.”
PHOTO/S: Facebook (Piolo Pascual)

Nananatiling loyal si Piolo Pascual sa kanyang home network, ang ABS-CBN.

Ito ang nilinaw ng 43-anyos na aktor sa inilabas na pahayag sa Instagram ngayong Huwebes, July 9.

Kasunod ito ng balitang kasama siya ng kaibigang direktor na si Joyce Bernal na nagtungo sa Sagada, Mt. Province, para kumuha ng video na gagamitin sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27.

Umani ng batikos si Piolo dahil ang akala ng marami ay kasama siya sa video na isu-shoot, at sinusuportahan niya ang Pangulo, na siyang pinakamalaking balakid sa bagong prangkisa ng ABS-CBN..

Ayon sa mga nagkomento, inuna pa raw niya ang pagpunta sa Sagada kahit nanganganib na tuluyan nang maipasara ang ABS-CBN.

Hindi rin maganda sa paningin ng iba ang ang pagbiyahe ni Piolo sa kasagsagan ng pandemya.

Isa-isa itong sinagot ni Piolo sa kanyang official statement na ipinost sa Instagram ngayong araw.

PIOLO AND HIS LOYALTY TO ABS-CBN

“My loyalty has been with ABS-CBN since I was born in this business,” diin ng matinee idol.

Continue reading below ↓

Wala rin daw bahid ng pulitika ang pagtungo niya sa Sagada taliwas sa inaakala ng iba.

“My trip to Sagada had nothing to do with the government.

“I haven’t met the President personally and I don’t do politics as some may know.”

Giit niya, “This isn’t about the President…”

Ayon kay Piolo, marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

Nalungkot daw ang aktor na nahusgahan siya kaagad nang hindi man lang naririnig ang kanyang panig.

“I grew up in a Christian home and we were raised to value hardwork and loyalty. To not bite the hand that feeds you.

“With the recent controversy involving my friend Direk Joyce and myself, it saddened me to be judged without knowing the facts.

“I’m the type who just lets things pass and the truth speak for itself but this time I’m forced to air my side for clarity.”

Paglilinaw pa ni Piolo, wala ring kinalaman ang pulitika sa pagkakaibigan nila ni Direk Joyce.

Continue reading below ↓

“My association with Direk Joyce has got nothing to do with my political stand and as a citizen of this country."

Giit ng Star Magic artist, pareho niyang mahal ang Pilipinas—kahit sino pa man ang nakaupong presidenteat ang ABS-CBN.

Pahayag ni Piolo: “I love my country regardless of who the President is and I love my home network which is ABS-CBN.

“There’s not a day that I didn’t pray for ABS-CBN.

"I love my job and I love this nation, so please stop hating or judging as the world is already at the brink of losing hope.”

Kung pagbabasehan ang social media accounts ni Piolo, may mga post siya ng pagsuporta sa ABS-CBN pagdating sa franchise renewal issue.

HOT STORIES

PIOLO ADDRESSES ISSUES ABOUT SAGADA TRIP

Nagbigay rin ng paliwanag si Piolo matapos mabatikos kaugnay ng pagbiyahe niya sa Sagada.

Sa impormasyong inilabas ng local government unit (LGU) ng Sagada, sinabi nitong tumawag sa kanila noong July 3 ang isang coordinator mula sa Malacañang Presidential Broadcast Staff-RTVM (Radio Television Malacañang) tungkol sa pakay nina Direk Joyce sa kanilang lugar.

Continue reading below ↓

Malinaw raw nilang sinabi sa coordinator na hindi nila pinapayagan ang request na mag-shoot doon si Direk Joyce.

Kaya naman nagulat ang LGU nang malamang nasa biyahe na ang grupo ni Direk Joyce noong July 5.

Pagdating sa Sagada ay nakipagpulong ang mga tauhan ng LGU kay Direk Joyce para ipaalam na may objection sila sa lakad nito.

Base raw ang desisyon ng LGU staff sa safety and health protocols ngayong panahon ng pandemya.

Pero sa paliwanag ni Piolo, iginiit nitong nakakuha sila ng approval na magtungo sa Sagada.

Aniya, may verbal approval sila ng mayor ng Sagada.

Lahad ni Piolo, “I was there with Direk Joyce and my friend Illac Diaz to help Direk Joyce get footage for her personal message/video before the start of the SONA, showing how the environment has changed positively because of the pandemic.

“We went through the process of applying for clearance to enter Sagada with a written document addressed to the Mayor and he gave us a verbal approval and so we drove for nine (9) hours to the Mt. Province.

Continue reading below ↓

“We were escorted by the police from Baguio City to Sagada to make sure we didn’t go anywhere else or deviate from our trip.

"When we got to my friend’s place, Direk Joyce was invited by the Sangguniang Bayan to explain that we couldn’t stay there for a very valid reason, vetoing the decision of the Mayor which we respected and they even offered for us to stay the night since it was a long travel.”

Sumunod daw ay sinubukan nilang magpaalam sa LGU ng Banaue para doon mag-shoot, pero tinanggihan naman sila ng gobernador “since there were active cases there.”

Sabi pa ni Piolo, “We were in touch with the local council and respected their decision and by the way, all of us did a rapid test before even going on this trip.”

Pagdating daw sa Baguio ay pinayagan sila sa kanilang pakay, pero mahigpit silang sumunod sa safety protocols.

Continue reading below ↓

“Then we tried Baguio by first calling the Mayor’s office and he willingly took us in as long as we went through safety protocols and follow guidelines, all along being escorted by the police.

“Finally, we arrived in Baguio City. We lined up for the triage and got our clearance for entry.

“The next day, we did a swab test again and just shot at places wherein nature was the subject and not the people.”

Bilang panghuli, may panawagan si Piolo kaugnay ng kontrobersiyang ito:

“Let’s encourage, build each other up, pray for each other and spread understanding, compassion and most of all hope and love.

“Life is too short to be lived with anger and bitterness in our hearts.

“God bless you.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual: “It saddened me to be judged without knowing the facts." But the star never offered the public an explanation until now, admitting, “I’m the type who just lets things pass and the truth speak for itself but this time I’m forced to air my side for clarity.”
PHOTO/S: Facebook (Piolo Pascual)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results