Agot Isidro answers Jinkee Pacquiao’s camp: “Kailangan ba naming makita yan, sa gitna ng paghihirap ng nakararami?”

by Jet Hitosis
Jul 10, 2020
Singer-actress Agot Isidro (left) realizes that it's not the issue of "sensitivity" that triggered Jinkee Pacquiao's (right) camp to respond to her tweet but her mention of "noveau": “ah so sa nouveau triggered. hindi sa insensitive. ok, noted po."
PHOTO/S: @agotisidro, @jinkeepacquiao on Instagram

Sinagot ni Agot Isidro ang depensa ng kampo ni Jinkee Pacquiao matapos mag-trending ang tweet niya tungkol sa post ng misis ni Senator Manny Pacquiao ng kanilang luxury bikes.

Pagtatanggol na rin ito ng 53-year-old singer-actress sa sarili dahil maghapon siyang pinaulanan ng batikos ng netizens nitong Huwebes, July 9.

Huwebes ng umaga nang i-retweet ni Agot ang news item tungkol sa Hermes at Louis Vuitton bicycles na ipinost ni Jinkee, 41.

Sa tweet ni Agot, umapela siya kay Jinkee ng “konting sensitivity man lang” sa pagpo-post ng mga mamahaling bagay.

Alam daw ni Agot na maraming pera ang pamilya Pacquiao, pero marami rin daw ngayon ang naghihikahos sa buhay dahil sa COVID-19 pandemic.

May #nouveau sa dulo ng tweet ni Agot, na tumutukoy sa French noun na nouveau riche.

Ang ibig sabihin ng nouveau riche ay hindi likas na mayaman o bagong yaman, at kalimitan ay may connotation na nag-iingay upang makitang mayaman.

Continue reading below ↓

Kinuyog ng pamba-bash si Agot, at paulit-ulit na sinabihan ng “inggitera.”

Ipinamukha rin ng mga bumatikos sa Kapamilya actress-singer na bagamat namumuhay sa luho ang pamilya ni Jinkee, marami naman daw natutulungan ang mag-asawang Pacquiao.

WHAT JINKEE DOES WITH MONEY IS “NONE OF OUR BUSINESS”

Huwebes ng gabi ay naglabas ng pahayag sa Instagram ang business manager ng pamilya Pacquiao na si Arnold Vegafria.

Continue reading below ↓

Isa iyong open letter para kay Agot.

Sinabi ni Arnold na hindi dapat hinuhusgahan ninuman ang mga posts ni Jinkee.

Anuman daw ang gawin ni Jinkee sa yaman ng kanilang pamilya ay “none of our business.”

Ayon pa kay Arnold: “Such bountiful blessings are just the fruit of her husband’s esteemed legacy as an iconic Filipino boxing legend and businessman, and are not stained in any way by graft or corruption.”

HOT STORIES

PACQUIAO FAMILY EXTENDS HELP TO FILIPINOS

Idinagdag ni Arnold na nagsumikap din si Jinkee bilang “smart and prudent businesswoman with several investments under her good name.”

Dagdag pa niya, wala raw marahil ideya ang Kapamilya actress-singer sa mga ginagawang pagtulong ni Manny sa mga apektado ng pandemic, at kahit noong wala pang COVID-19.

Nakiusap din si Arnold kay Agot na maging “more discerning about your use of the word ‘nouveau.’”

Paliwanag ni Arnold: “The Pacquiaos have worked hard over the past decades to achieve their current standing in society, and despite their status, they have remained humble, low-key and generous to whoever asks for their help.”

Continue reading below ↓

AGOT INSISTS LUXURY-BIKES POST IS INSENSITIVE

Sinagot ito ni Agot sa Twitter.

Inulit ng singer ang sinabi sa una niyang tweet na hindi siya nakikialam sa paggastos ng pamilya Pacquiao sa yaman nila.

Sigurado rin daw si Agot na maraming natulungan si Manny bilang public servant at pilantropo.

Ang punto lang ni Agot, aniya, ay marami ang hirap sa buhay sa ngayon, kaya hindi na dapat i-post sa social media ang mga mamahaling bagay, bilang pakikisimpatiya na lang sa iba.

Continue reading below ↓

Tweet ni Agoit (published as is): “sinabi ko naman na wala akong pakialam kung saan ginastos ang kaperahan.

“i'm sure marami na rin ang natulungan.

“ang sa akin lang, kailangan ba namin makita yan, sa gitna nang paghihirap na dinaranas ng nakararami?”

Sinabi rin ng actress-singer na ang pagkakaroon ng sensitivity ay hindi nangangahulugan ng accountability.

Saad pa sa tweet ni Agot: “sensitivity ≠ accountability iba po yun. Ktnxbye”

Continue reading below ↓

“SA NOUVEAU TRIGGERED”

Sa isa pang Twitter post—na tinawag niyang “last na” para tuldukan ang issue—sinabi ni Agot na hindi raw pala ang salitang “insensitive” ang nag-udyok sa kampo ni Jinkee upang sagutin ang kanyang tweet.

Ang nag-trigger daw pala sa mga ito ay ang hashtag niyang “nouveau.”

Saad sa tweet ni Agot: “ah so sa nouveau triggered. hindi sa insensitive.

“ok, noted po. (last na ito)”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Agot Isidro (left) realizes that it's not the issue of "sensitivity" that triggered Jinkee Pacquiao's (right) camp to respond to her tweet but her mention of "noveau": “ah so sa nouveau triggered. hindi sa insensitive. ok, noted po."
PHOTO/S: @agotisidro, @jinkeepacquiao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results