Throwback: Mel Tiangco's 16-year legal battle with ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Jul 11, 2020
Noong 1987, si Mel Tiangco ang isa sa unang anchors ng primetime news program ng ABS-CBN na TV Patrol (kaliwa); ngayong 2020, si Mel ay isa sa nangungunang anchors ng primetime news program ng GMA-7 na 24 Oras (kanan).

Si Mel Tiangco ang naatasang magbalita sa 24 Oras kagabi, July 10, ng pagtutol ng Committee on Legislative Franchises ng Lower House na bigyan ng bagong franchise ang kanyang dating home network—ang ABS-CBN.

May mga nagkomento na napansin nilang mariin ang pagkakasabi ng multi-awarded broadcaster sa mga salitang "Patay na sa Kamara ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN."

Pero kung susuriing mabuti, ganoon talaga ang tono ng pananalita ni Mel sa umpisa ng kanyang mga ibinabalita—may kinalaman man o wala sa mga isyung kinakaharap ng Kapamilya Network.

Ito ay sa kabila ng may mapait na karanasan si Mel sa ABS-CBN.

Noong 1995, sinuspinde siya nang walang bayad bilang anchor ng TV Patrol dahil sa endorsement niya ng Tide laundry detergent.

Isa si Mel sa unang anchors ng primetime news program ng ABS-CBN na nagsimula noong 1987. Kasama niya sina Noli de Castro, Angelique Lazo, at ang yumaong si Frankie Evangelista.

Continue reading below ↓


(Mula kanan) Frankie Evangelista, Mel Tiangco, Noli de Castro, and Angelique Lazo

Ito ang pangunahing dahilan ng kanyang paglipat sa GMA Network noong 1996.

Kasama ang GMA-7 sa demanda ng ABS-CBN laban kay Mel at sa former Mel & Jay co-host nitong si Jay Sonza.

Ang Mel & Jay ay ang dating show ng ABS-CBN na umere mula noong 1989 hanggang 1996.

Continue reading below ↓

Tumagal ng 16 taon ang kaso.

SUSPENDED WITHOUT PAY

Noong March 2011, naglabas ng official statement ang Kapuso Network tungkol sa pagbabasura ng Supreme Court sa mga kasong isinampa ng ABS-CBN laban kina Mel, Jay, at GMA-7.

Ayon sa Supreme Court, may karampatang dahilan at balido ang pagkansela nina Mel at Jay ng kanilang kasunduan sa ABS-CBN.

Wala rin daw kinalaman ang GMA-7 sa pag-alis nina Mel at Jay sa ABS-CBN.

Sabi pa sa statement, "There was no evidence that GMA had enticed Mel and Jay to break away from ABS-CBN because when the two transferred to GMA, they have already rescinded their agreements with ABS-CBN.

"Mel and Jay used to host the ABS-CBN's Sunday TV show Mel & Jay."

Sinita ng ABS-CBN si Mel dahil sa paglabas nito sa isang Tide commercial, na paglabag sa internal company rule na hindi maaaring lumabas ang talents nitong nasa radio and news and current affairs sa commercial advertisements nang walang written approval mula sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ang rule na ito sa media ay pinatutupad sa buong mundo. Sa print man o sa broadcast, hindi maaaring maglako ng produkto ang isang tagapaghatid ng balita.

Mahigpit itong ipinagbabawal upang hindi pagdudahan ang personalidad na may kinikilingan o pinapaboran. Hindi rin nito maaaring gamitin ang kredibilidad na nakukuha niya bilang journalist upang kumita bilang endorser.

Bagamat hindi malinaw ito sa publiko, ito ang pinanggagalingan ng ABS-CBN sa pagsuspinde kay Mel.

Bilang parusa, sinuspinde si Mel ng tatlong buwan nang walang bayad mula sa kanyang co-anchor position sa TV Patrol at sa Mel & Jay radio program. Pero nanatili siya sa Sunday TV program na Mel & Jay.

Kalaunan ay nag-resign si Jay sa ABS-CBN, habang si Mel ay nag-indefinite leave at tumanggi nang mag-taping para sa programa.


Continue reading below ↓

Mel Tiangco and Jay Sonza

HOT STORIES

ABS-CBN SUES MEL, JAY, AND GMA-7

Noong 1996, idinemanda ng ABS-CBN sina Mel at Jay "for specific performance, injunction and damages" sa Quezon City Regional Trial Court "to compel them to perform their 1994 agreements and not to appear in any other TV or radio station until 1997."

Kasama rin sa idinemanda nila ang GMA-7, na nilipatan nila pagkatapos.

Noong June 26, 1998, nagdesisyon ang QC RTC na may valid cause sina Mel and Jay upang kanselahin ang kontrata nila sa ABS-CBN, at walang kinalaman dito ang GMA-7.

Iniakyat ito ng ABS-CBN sa Court of Appeals (CA), na pinagtibay naman ang desisyon ng RTC.

Ayon sa inilabas na desisyon ng CA noong August 6, 2003, walang ebidensiyang magpapatunay na nilabag ni Mel ang circular ng ABS-CBN nang lumabas ang news anchor sa Tide commercial.

Sabi sa statement ng GMA-7: “The suspension by ABS-CBN of Mel without sufficient basis in law and evidence constitutes a breach of the contract by ABS-CBN which is substantial and grievous, and justifies the unilateral action by Mel Tiangco in resolving the contract.

Continue reading below ↓

"ABS-CBN had protested that Jay may not base his rescission on that of Mel, but the CA considered the fact that Jay is redundant without Mel, much like the proverbial bow and arrow."

Kinuwestiyon ng ABS-CBN ang desisyon ng Court of Appeals at iniakyat nila ito sa Supreme Court.

Pero ibinasura ng Supreme Court ang apela ng ABS-CBN "for failure to sufficiently show any reversible error in the decision of the Court of Appeals."

16-YEAR-OLD LABOR CLAIM

Sa ulat naman ng ABS-CBN noong March 2012, nagkaroon ng partial financial settlement sa pagitan ni Mel at ng ABS-CBN.

Ito ay kaugnay ng "P4.1-million, 16-year-old labor claim" ng broadcaster laban sa broadcast giant.

Sa kasunduang inaprubahan ng Court of Appeals at pinirmahan ni Mel, ina-acknowledge ng broadcaster na binayaran na siya nang buo ng ABS-CBN.

Kasama na raw rito ang suweldo niya sa mga buwang sinuspinde siya, 13th month pay, travel allowance, refund of contributions to the employees' stock option plan, at signing bonus.

Continue reading below ↓

MEL: "para akong ipis nun"

Dahil sa kilala siyang media personality, malaki ang simpatiyang nakuha ni Mel sa publiko.

Sa interbyu niya noong February 18, 2013 para sa drama anthology na Magpakailanman, sinabi ni Mel na pinatawad na niya ang mga executives ng ABS-CBN na, sa tingin niya, umapi sa kanya.

Inihalintulad ni Mel ang kanyang pakiramdam noon sa isang ipis na tinapak-tapakan para patayin.

Ito ang dahilan kung kaya't nabigyan ng kahulugan ang brown dress na kakulay ng ipis na suot niya sa live telecast ng 24 Oras kagabi, July 10.


Continue reading below ↓

“Kasi sobra ang panlalait sa akin. Sobra ang pagtapak sa akin. Dini-describe ko nga nun na, feeling ko, para akong ipis nun.

“Alam niyo naman kung paano ba patayin ang ipis? Di ba, tinatapakan, tapos idiin pa para mapisa nang husto?

"Ganoon ang feeling ko nun," pahayag ni Mel sa interbyu sa kanya ni Gorgy Rula ng PEP.ph, sa anniversary presscon noon ng Magpakailanman, ang drama anthology niya sa Kapuso Network.

Ayon kay Mel, pinatawad na nito ang mga nagkasala sa kanya dahil maganda ang naging resulta ng paglipat niya sa GMA-7.

“Sabi nga sa akin, ‘Vindicated ka.’ Lumipat ako dito, naging number one ang newscast ko.

"Tapos nag-number one ang Magpakailanman nun, yun ang medyo yumanig nun sa Maalaala Mo Kaya, e.

“Ito yung mga bagay-bagay na talagang nagsasabi sa akin na, ‘Pabayaan niyo na ‘yon, kalimutan niyo na lang ‘yon.’

“Napatawad ko na sila kahit hindi sila nagsu-sorry. Napatawad ko na sila.

Continue reading below ↓

“Bakit hindi ko sila papatawarin, e, ang ganda-ganda ng buhay ko dito sa GMA. Napakabait nila sa akin, napakarami kong fulfillment here at GMA,” sabi ni Mel.

Nagbigay rin siya ng mensahe para sa executives ng ABS-CBN—isang lalaki at isang babae—na hindi niya pinangalanan.

“Sir, sana po nakakatulog kayo nang mahimbing. Ang buhay po ng tao ay hindi materyal lang ang mahalaga.

“Sa buhay ng tao ay mahalaga na lilingon ka at marami ang nagsasabi sa ‘yo, ‘Napakabuti mong tao.’

“Sana po dumating ang panahon, sa inyo mangyari ‘yan.”

Ang hindi na napag-usapan ay tungkol sa pagsuway ni Mel sa universally accepted rule ng journalism na hindi maaaring maglako ng produktong pang-komersiyo ang isang miyembro ng news and public affairs division, lalo pa't anchor ito.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong 1987, si Mel Tiangco ang isa sa unang anchors ng primetime news program ng ABS-CBN na TV Patrol (kaliwa); ngayong 2020, si Mel ay isa sa nangungunang anchors ng primetime news program ng GMA-7 na 24 Oras (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results