PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enzo Pineda bashed after solon father voted “yes” to kill ABS-CBN  

Enzo Pineda still mum on the issue about his father voting against ABS-CBN.
by Arniel C. Serato
Published Jul 13, 2020
Netizens call out ABS-CBN actor Enzo Pineda after his father, Congressman Enrico Pineda of the I-PACMAN Party List (right photo), voted with 69 other lawmakers to reject the franchise application of the network, effectively killing the broadcast giant.
PHOTO/S: Courtesy: @its_enzopineda on Instagram

Si Enzo Pineda, 29, ang pinagbalingan ng supporters ng Kapamilya network dahil sa pagboto ng ama nitong ibasura ang aplikasyon ng prangkisa ng ABS-CBN.

Overwhelming ang boto sa House Committee on Legislative Franchise, 70-11, upang tuluyan nang “patayin” ang lahat ng usapin ukol sa prangkisa, noong nakaraang Biyernes, July 10.

Isa sa 70 kongresistang bumoto laban sa ABS-CBN ay si 1-PACMAN Party-list Congressman Enrico Pineda, ang ama ng Star Magic talent.

Si Congressman Pineda ay business manager din ni Senator Manny Pacquiao.

Sa Twitter, marami ang naghayag ng kanilang dismaya sa ama ni Enzo.

Ayon sa kanila, ABS-CBN pa naman ang tahanan ng anak ng kongresman para sa career nito.

Labis nilang ikinadismaya ang pakikiayon ni Congressman Pineda sa ibang mambabatas na gustong patayin na ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Instagram, may mga nagkomento din sa post ni Enzo na kasama ang ama noong Father’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ilan pa sa mga celebrities na bumoto laban sa pagbigay ng bagong prangkisa ng ABS-CBN ay sina Manila 3rd District Representative John Marvin Nieto, o mas kilala bilang Yul Servo; at si Laguna 1st District Representative Dan Fernandez.

Si Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto ay bumoto pabor sa ABS-CBN franchise renewal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinadismaya niya ang resulta ng naging botohan.

“I STAND BY ABS-CBN”

Noong Biyernes din, bago pa man ng botohan, nag-post si Enzo sa kanyang Instagram account ukol sa usapin.

Ayon sa kanya, hindi kalaban ang ABS-CBN.

Nananawagan din siya ng pagkakaisa.

Sabi niya sa post, “I stand by ABS-CBN. Pagkakaisa...yan po ang kailangan natin ngayon panahon. Buksan po natin ang ating mga mata.

“Hinde po ito ang kalaban....ang kalaban ay hunger, poverty, at itong virus na sumisira sa buhay ng million milyong nating kababayan.

“Hinde po tayo mananalo sa laban na ito kung hinde tayo magkakaisa. #ibalikangabscbn #voteyestoabscbn

Si Enzo ay produkto ng StarStruck V ng GMA noong taong 2010.

Matapos nito, nabigyan siya ng mga minor roles sa mga programa ng istasyon.

Nabigyan siya ng big break noong taong 2013 bilang leading man sa panghapong seryeng Kakambal ni Eliana.

Ngunit hindi na ito nasundan.

Taong 2016, lumabas si Enzo sa pelikulang Extra Service ng Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na naglabasan ang espekulasyong maaaring lilipat na siya sa ABS-CBN.

Hanggang sa nabigyan si Enzo ng big break sa primetime series ng ABS-CBN na Till I Met You.

Taong 2017 naman nang siya'y pumirma ng kontrata bilang talent ng Star Magic.

Noong 2019, muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN si Enzo.

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Enzo sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram upang mahingi ang kanyang panig.

Hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens call out ABS-CBN actor Enzo Pineda after his father, Congressman Enrico Pineda of the I-PACMAN Party List (right photo), voted with 69 other lawmakers to reject the franchise application of the network, effectively killing the broadcast giant.
PHOTO/S: Courtesy: @its_enzopineda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results