PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Molina, Jerald Napoles clarify network-transfer accusations

Jerald Napoles to critics: “Kayo po ba mag papalamon sa pamilya ko?”
by Bernie V. Franco
Published Jul 14, 2020
Jerald Napoles Kim Molina
Celebrity couple Kim Molina and Jerald Napoles clarify that they have no exclusive contracts with any TV network and they are free to work in any TV station. Kim, who is identified with ABS-CBN, recently appeared in Eat Bulaga. Jerald, who is highly identified with GMA-7, appeared on FPJ's Ang Probinsyano early this year.
PHOTO/S: Eat Bulaga / @iamjnapoles on Instagram

Sinagot ng magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles ang mga kritikong sinumbatan sila dahil sa “paglipat” ng TV networks.

Si Kim, 29, na nakagawa ng maraming proyekto sa ABS-CBN, ay nag-guest sa noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga! noong nakaraang linggo.

Si Jerald, 37, na mas identified bilang Kapuso, ay huling napanood sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.

KIM MOLINA: "walang lipatang nangyari"

Noong Biyernes, July 10, sinumbatan ng isang netizen si Kim sa Twitter matapos napanood ang singer-actress sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga.

Hindi na mababasa ang sumbat ng netizen, pero kung pagbabatayan ang sagot ni Kim, tila inakusahan siyang iniwan ang ABS-CBN at lumipat na sa Kapuso network.

Tumaon pa ang guesting ni Kim sa Eat Bulaga! sa mismong araw na ibinasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise renewal appeal ng ABS-CBN.

Mahinahong sinagot ni Kim ang nag-comment.

Paglilinaw ng #Jowable actress, “FYI po walang lipatang nangyari dahil una sa lahat wala po akong kontrata sa NETWORKS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wag padalos dalos sa salita.

“Alam ko po kung saan ako nanggaling at AKO PA RIN AY NANININDIGAN PARA SA AKING MGA KAPAMILYA.

"Wag ako. #yestoABSCBNFranchiseRenewal”

HOT STORIES

JERALD DEFENDS KIM

Ipinagtanggol ni Jerald si Kim laban sa kritiko, na nag-sorry naman sa magkasintahan.

Lumalabas na maka-Kapamilya ang kritiko, at labis itong apektado sa desisyon ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakikipag-ayos ni Jerald sa netizen: “Thank you sir. Tayo tayo na lang rin ang magtutulungan. I hope you and your family are safe right now.”

"Love you" naman ang tweet ni Jerald bilang pagsuporta kay Kim.

Ilan sa mga teleseryeng nagawa ni Kim sa ABS-CBN ay ang FPJ's Ang Probinsyano, The General's Daughter, Kadenang Ginto, Bagani, Sana Dalawa ang Puso; La Luna Sangre, A Love to Last, at Till I Met You.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERALD NAPOLES

Sa guesting ni Kim sa "Bawal Judgmental," naging tampulan siya ng tukso ng mga host na sina Vic Sotto, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Alden Richards.

Binanggit ng mga ito si Jerald, na nakasama nina Jose at Alden sa dating Kapuso Sunday variety show na Sunday PinaSaya.

Napa-tweet pa si Jerald: “Panay banggit nyo saken sa @EatBulaga bossing, kuya Jose, pao, @aldenrichards02 kahit wala ako jan ha..

“Miss nyo ko noh.. Miss you too hihi.. Kung nanjan ako pulutan na naman ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang harmless na biruang ito ay minasama ng isang nagkomento.

Sabi nito, sana ay hindi na lang lumipat si Jerald sa ABS-CBN.

Paglilinaw naman ng aktor, wala siyang exclusive contract sa kahit anong network at pwede siyang gumawa ng project sa anumang istasyon, kung saan may trabaho.

“Project per project basis ako. Wala akong contract sa kahit anong network.

“Pwede akong kumuha ng project sa kahit anong network.

“Walang personalan sa magkabilang panig.

“So mamimili po ba ako ng trabaho?

“Kabawasan po ba sa talent ko ang kumuha ng project kahit t sa PTV 4”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila may pang-uuyam naman ang komento ng isa pang netizen kay Jerald.

Tweet nito: “Paborito ko to dati e. Kaso lumipat. Nawalan ako ng gana.

"Maganda naman exposure nya sa kapuso. Gusto lang pala mapanood sa probinsyano [laughing face with tears emojis]”

Sa sagot ni Jerald, halatang hindi niya nagustuhan ang mga salitang binitiwan ng netizen.

Katwiran ng aktor, naghahanap-buhay lamang siya at wala siyang nasasagasaan dahil wala siyang exclusive contract sa anumang network.

“Di ko naman po kayo pinipilit eh,” buwelta niya sa netizen.

“Basehan ba ng galing sayo ang network?

“Bawal saken tumanggap ng trabaho sa ibang network kung may offer?

“Wala akong contract sa networks, at di kame magkakaaway..

“Kayo po ba mag papalamon sa pamilya ko?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpasok ng 2020, marami ang nasorpresa nang mapanood si Jerald sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil highly identified nga siya sa GMA-7.

JERALD says coco martin offered him a job

Noong May 5 ay natigil ang operasyon ng TV at radio stations ng ABS-CBN matapos maglabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission laban sa network.

Sumunod dito, nag-post ang ABS-CBN artists ng kanilang mga larawan kung saan nakatapat ang kanang kamao nila sa puso, bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang home network.

Kabilang sa nag-post ng larawan si Jerald.

Sa kanyang mahabang post noong May 9, binanggit ng aktor na marami ang sumumbat sa paglipat niya sa ABS-CBN.

Nabanggit din ni Jerald na wala siyang kontrata sa GMA-7, kaya’t malaya itong magtrabaho sa anumang network.

Nagkataon daw na nang magtapos ang Sunday PinaSaya, inalok siya ni Coco Martin na lumabas sa FPJ’s Ang Probinsyano.

December 2019 nang matapos ang Sunday PinaSaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng post ni Jerald noon: “’Ano lilipat lipat ka pa kasi, buti nga sayo!'... Ako ay walang eksklusibong kontrata sa network, kaya't maari akong mag trabaho sa kahit anong network hangga't nais nila akong kunin bilang aktor.

“Pero bakit ka galit? Bakit "buti nga sayo" ? BAKIT MAY SUMBAT? ..

“Nang matapos ang Sunday Pinasaya at naghahanap kame ng susunod na proyekto, tumawag sa akin si Coco Martin, tinanong kung gusto ko raw ba magtrabaho sa seryeng pinagbibidahan niya, uulitin ko binigyan ako ng pagkakataon ni @mr.cocomartin upang makapagtrabaho bilang aktor dahil naniniwala siya sa kakayahan ko..

“Aba syempre oo agad ako.. Kasi aktor ako! At ang trabaho ko ay umarte! Walang masama sa ginagawa ko..”

Nilinaw rin ni Jerald na may basbas ng GMA management ang kanyang paglipat, at maaari siyang bumalik dito kapag nagkaroon ng proyekto.

Saad niya, “Maski ang mga dati kong boss ko sa @gmanetwork naiintindihan ang sitwasyon at sinabi pa sa akin na maluwag nila akong tatanggapin muli kung sakali man na matapos na ang proyekto ko at may naka ukol uli sa akin mula sa kanilang station.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po kame magkakaaway sa industriya..”

Kabilang sa mga teleseryeng nagawa ni Jerald sa GMA-7 ay ang Love You Two at Inagaw na Bituin noong 2019, Super Ma’am (2017), That’s My Amboy (2016), at My Faithful Husband (2015).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity couple Kim Molina and Jerald Napoles clarify that they have no exclusive contracts with any TV network and they are free to work in any TV station. Kim, who is identified with ABS-CBN, recently appeared in Eat Bulaga. Jerald, who is highly identified with GMA-7, appeared on FPJ's Ang Probinsyano early this year.
PHOTO/S: Eat Bulaga / @iamjnapoles on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results