President Duterte rejoices after dismantling "oligarchy"; is he referring to ABS-CBN?

by Arniel C. Serato
Jul 16, 2020
President Rodrigo three days after the Congress decision to kill ABS-CBN: "Without declaring martial law, I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Philippines."
PHOTO/S: Courtesy: Presidential Communications on Facebook / Jerome Ascano

Ang ABS-CBN ba ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na "oligarchy" na nagawa raw niyang gibain kahit walang martial law?

Ito ang katanungan ng marami matapos marinig ang speech ng Pangulo sa harap ng mga sundalo sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters sa Jolo, Sulu, noong Lunes, July 13.

Dito ay sinabi ng 75-anyos na Pangulo, "Kaya ko mamatay, mahulog sa eroplano. I am very happy."

Ang dahilan: "Without declaring martial law, I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Philippines.

"Without declaring martial law, sinira ko iyang mga tao na humahawak sa ekonomiya, hindi nagbabayad [ng tax]."

Dagdag pa ng Pangulo, “They take advantage of their political power every election.

“Isang kuwarto lang iyan, nag-uusap, 'Sinong kandidato natin ngayon?' Isang pamilya lang nag-uusap.”

Ang oligarkiya ay tawag sa maliit na grupo ng mga malalaki at mayayamang negosyanteng may kontrol sa ekonomiya at maging sa pulitika.

Tinagurian din silang “Kingmaker” dahil kadalasan ay pinoponduhan nila ng malaking halaga ng pera ang mga kandidatong nais nilang manalo sa eleksyon.

Continue reading below ↓

HARRY ROQUE EXPLAINS “OLIGARCH” STATEMENT

Sa lumabas na audio clip ng talumpati ng Pangulo, hindi malinaw kung sino ang pinatatamaan nito.

Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon, July 14, sinabi nitong hindi ang pamilya Lopez o ang pagmamay-ari nilang ABS-CBN ang pinatutungkulan ng Presidente.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero tanong ng isang reporter, hindi ba obvious na ang pamilya Lopez ang pinatatamaan ng Pangulo?

Sinabi ito ng Pangulo tatlong araw matapos ibasura ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN.

July 10, tuluyang pinatay ng House Committee on Legislative Franchises ang aplikasyon ng broadcast giant sa botong 70-11.

Sagot ni Secretary Roque, “Hindi po obvious yun. He was referring to the oligarchs which he named and he actually threatened to destroy but reconsidered.

“He’s referring po to the oligarchies that he has dealt with personally, nandiyan po iyong unang away niya with Lucio Tan, pero nagbayad po ng pagkakautang sa airport si Lucio.”

Continue reading below ↓

Si Tan ang may-ari ng Philippine Airlines (PAL), na may pagkakautang na P6 billion sa gobyerno.

Ilang buwan matapos kastiguhin ni President Duterte si Tan, binayaran nang buo ng negosyante ang nasabing halaga.

Dagdag pa ni Roque, “Nandiyan po yung mga water concessionaires.

"At dahil talaga namang sinabihan niya, 'Talagang baguhin ninyo ang kontrata, hindi dapat maging agrabyado ang taumbayan, kung hindi ay ipakukulong ko kayo.'

"At pumayag naman po na magkaroon ng amended concession agreement ang dalawang taipans na MVP Group at ang Ayala Group.”

Ang Maynilad ay hawak ni Manny V. Pangilinan ng MVP Group, at ang Manila Water naman ay hawak naman ng Ayala family.

Dahil ang katapat nila ay ang Pangulo, at dahil naghusga na itong ipapakulong sila, wala nang hinanap na legal recourse ang dalawang grupo.

Hindi na nila ipinilit na bayaran ng gobyerno ang P10.8-B na ipinag-utos ng international arbitration court sa Singapore.

HOT STORIES

THE UNEDITED SPEECH

Ngayong Miyerkules, July 15, kumalat ang unedited audio speech ng Pangulong Duterte. Tumagal ito ng halos sampung minuto.

Continue reading below ↓

Iniulat ito ng 24 Oras ng GMA-7 kagabi.

Dito ay direktang binangggit ng Pangulo ang ABS-CBN.

Sabi ng Pangulo, “Yun namang ABS-CBN, binaboy ako.

“Pero sinabi ko, ‘Pag ako ang nanalo, bubuwagin ko ang oligarchy ng Pilipinas.’

“Ginawa ko na, without declaring martial law, sinira ko yung mga tao na humahawak sa ekonomiya at umiipit at hindi nagbabayad.”

Nabanggit din ng Pangulo ang tungkol sa lupang kinatitirikan ng ABS-CBN Complex na kuwestiyonable raw ang titulo.

Saad niya, “Alam mo, itong pangyayari ng ABS, sabihin niyo sa mga anak ninyo, tax-free 'yan.

“All equipments ng ABS-CBN, tax-free pumasok. Tapos ang titulo nila, 44 hectares.

“O, 44 square meters, Maria Ignacia, it’s supposed to be 44,000 square meters.

“Yung mga lokohan na mga titulo tapos may mga holding company sa labas.”

Ang holding company na tinutukoy ni Duterte ay ang mga subsidiary ng ABS-CBN sa ibang bansa.

Naungkat sa isinagawang hearing sa Kongreso na ang ABS-CBN Corporation ay nagmamay-arin rin ng dalawang holding companies sa ibang bansa—ang ABS-CBN Luxembourg at ang ABS-CBN Hungary Kft.

Continue reading below ↓

Nakasaad din ito sa Technical Working Group (TWG) report ng komite na pinagbasehan sa botohan kung saan hayagang natalo ang aplikasyon ng ABS-CBN.

Malinaw namang ang mga akusasyon ng Pangulo sa pamilya Lopez ay walang pagkakaiba sa mga akusasyon ng Kongreso sa pamilyang nagmamay-ari ng ABS-CBN.

DUTERTE VS ABS-CBN

Noon pa mang 2017 ay nagpahayag na si Pangulong Duterte na haharangin niya ang anumang panukalang magbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Inakusahan niya ang Kapamilya network ng panggagantso dahil hindi umano ipinalabas ang kanyang political ads noong 2016 presidential elections kahit bayad na ito.

Noong August 2018, inulit ni Duterte ang banta sa ABS-CBN.

Pahayag niya, "Now, ABS-CBN, their franchise is due for renewal.

"They sent emissaries to me. They sent Gabby [Lopez] away because nothing will happen. I will not talk to you, but I will also never intervene.

"But if I had my way, I would not give it back to you."

Continue reading below ↓

Noon namang December 2019—o limang buwan bago mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN—ito ang sinabi ng Pangulo sa isang talumpati:

"Ang iyong franchise mag-end next year. If you expect ma-renew 'yan, I'm sorry. I will see to it that you're out."

Noon ding December ay pinayuhan ni Duterte ang mga may-ari ng ABS-CBN na ibenta na lamang ang network.

Aniya, "Itong ABS, mag-expire ang contract ninyo. Mag-renew kayo, ewan ko lang kung may mangyari diyan.

"Kung ako sa inyo, ipagbili niyo na ‘yan."

Noong February 2020, sinabi ng Pangulo na tinatanggap niya ang apology ng ABS-CBN sa hindi nito pag-eere ng kanyang political ads noong 2016 elections.

Sinabi rin ng Pangulo na ipauubaya niya ang magiging kapalaran ng network sa Kongreso.

Ngunit hanggang sa mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 4, 2020 ay hindi ito inaksyunan ng Kongreso.

Kinabukasan, May 5, nagsara ang ABS-CBN matapos maghain ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa network.

Continue reading below ↓

Mula May 26 hanggang July 9, nagsagawa ng joint hearing ang Committee for Legislative Franchises, Good Governance and Public Accountability para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Nagkaroon ng 13 pagdinig tungkol dito.

Noong July 10, bumoto ang Kongreso ng 70-11 pabor sa pagbasura ng franchise application ng ABS-CBN.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang desisyon ng House committee on legislative franchises na ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN ay "sole prerogative of Congress" at kinikilala raw nila ito.

Dagdag pa ni Roque, nananatiling "neutral" ang Malacañang sa isyu ng ABS-CBN dahil nirerespeto raw nito ang "separation of powers" ng executive at legislative branches ng government.

Ngunit sa huli, hindi maipagkakailang sa tulong ng Kongreso, na kontrolado ng kasalukuyang administrasyon, nanaig ang kagustuhan ni Pangulong Duterte na hindi mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

At ngayon, mula sa bibig na naman ng Pangulo nanggaling ang tuwa niya sa pagdurog ng isang malaking conglomerate.

Dito ay tila may pagmamalaki si Duterte na mas magaling siya kay Marcos, dahil nagdeklara ang huli ng martial law upang buwagin ang malalaking businessmen na hindi niya kaalyado, gaya ng mga Lopez.

Kay Duterte, hindi niya kinailangang magdeklara, pero ganoon din ang resulta.

Mula rin sa bibig ni Duterte, maaasahang may mga gagawin pang pagdudurog sa pamilyang kinaiinitan niya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo three days after the Congress decision to kill ABS-CBN: "Without declaring martial law, I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Philippines."
PHOTO/S: Courtesy: Presidential Communications on Facebook / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results