PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado defends ABS-CBN despite threat of "boycott" of her GMA-7 show

Jennylyn says GMA-7 understands why she sympathizes with ABS-CBN employees.
by Rachelle Siazon
Published Jul 17, 2020
Kapuso star Jennylyn Mercado on speaking her mind about plight of ABS-CBN employees: "Alam kong suportado ako ng home network ko na nagturo sa king maging matatag at manindigan para sa tama."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for PEP.ph / @loveangelinequinto Instagram

Kahit pa exclusive star ng GMA Network, naninindigan si Jennylyn Mercado na kaisa siya ng ABS-CBN stars na nananawagang payagan muli mag-operate ang ABS-CBN.

Ito ay sa kabila ng batikos na natatanggap ni Jennylyn mula sa mga taong pabor mapasara ang ABS-CBN.

Isa rito ay binalaan pa si Jennylyn na baka gusto raw niyang "madamay" at "mawalan ng trabaho."

Banta ng netizen, "Sige lahat ng shows mo, endorsement mo, imamarket namin para iboycott!"


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagbibidahan ni Jennylyn ang ongoing GMA-7 primetime series na Descendants of The Sun, kasama si Dingdong Dantes.

Walang alinlangang hinarap ng aktres ang boycott threat.

Tweet ni Jennylyn ngayong Biyernes, July 17: "I know what I'm risking the moment i speak up. Walang mangyayari if you always play it safe.

"I will be forever grateful to the advertisers that supported and supports me.

"The decision to speak up is something that i will never regret."

Kumpiyansa si Jennylyn na mismong ang Kapuso network ay maiintindihan ang kanyang pakikisimpatiya sa ABS-CBN.

Patuloy ng homegrown Kapuso star: "Alam kong suportado ako ng home network ko na nagturo sa king maging matatag at manindigan para sa tama.

"Hindi ako makakatulog sa gabi pag alam kong hindi ko nagamit ang aking boses para ipaglaban ang mga naapi at nawalan.

"Hindi kaya ng konsensya ko yun.

"Kung gusto niyo po akong iboycott Tanggap ko yun."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

NOT AN ABS-CBN STOCKHOLDER

Nakarating kay Jennylyn na may nagpapakalat sa Facebook na "stockholder" siya ng ABS-CBN kaya ganoon na lang siya kaapektado sa pagpapasara rito.

Malinaw ang sagot dito ng aktres: "No. Imbento yan."

Hindi lang daw niya talaga maatim na nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa niya, "Hindi masamang magpakita ng malasakit sa iba. You should also do the same."

MOVING ON IS NOT AN OPTION

Kinontra rin ni Jennylyn ang mga nagsasabing mag-move on na lang ang ABS-CBN at mga empleyado nito.

Paliwanag niya, hindi ito simpleng kaso ng isang magkarelasyong naghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa mga walang puso lang daw katanggap-tanggap ang sinapit ng ABS-CBN workers na nawalan ng trabaho.

Noong July 15, inanunsiyo ng ABS-CBN na magsisimula na ang retrenchment ng ABS-CBN workers kasabay ng pagsasara ng mga subsidiary companies sa August 31.

Ani Jennylyn: "Paano mo kakalimutan ang mga simpleng empleyado na paycheck to paycheck na ngayon wala ng pagkukunan ng pambili ng pagkain sa pamilya nila?"

Giit niya, na tinuldukan ng heart emoji: "Tuloy pa rin ang laban para sa Bawat Pilipino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, nagpatutsada si Jennylyn na sana'y alam ng gobyerno ang ginagawa nito para sa taumbayan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

"Milyong milyong Pilipino ang nawalan na ng trabaho dahil sa pandemya at sa desisyon ng mga may kapangyarihan.

"Libo libo na ang nagkakasakit at overcapacity na ang mga hospital.

"Pagod na pagod na ang ating mga bayaning medical frontliner.

"Ano na ba talaga ang plano?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Jennylyn Mercado on speaking her mind about plight of ABS-CBN employees: "Alam kong suportado ako ng home network ko na nagturo sa king maging matatag at manindigan para sa tama."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for PEP.ph / @loveangelinequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results