ABS-CBN, magsasagawa ng malawakang pagbabawas ng empleyado simula August 31

by Jojo Gabinete
Jul 15, 2020
Sa ginanap na town hall meeting ngayong hapon, July 15, malungkot na ibinalita ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak ang pagsasara ng negosyo at pagbabawas ng mga empleyado simula sa August 31. Ito ay matapos patayin ng 70 kongresista ang franchise renewal application ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Mabigat sa pakiramdam ang town hall meeting ng mga empleyado at mga opisyal ng ABS-CBN na naganap nitong Miyerkules ng hapon, July 15.

Ang malawakang pagbabawas ng mga kawani, simula sa August 31, ang tinalakay sa kanila ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

Bahagi ng pahayag niya, "Napakabigat ang loob ko sa kailangan natin pag-usapan ngayon, ngunit ito ang realidad.

"Hinihingi ko ang inyong pang-unawa at panalangin.

"Mapipilitan na tayo magsara ng negosyo at magbawas ng tao.

Hindi naitago ni Katigbak ang matinding kalungkutan.

Pero umaasa raw siyang balang-araw ay magbabalik sa ere ang ABS-CBN para magkasama-sama silang muli at matupad ang kanilang layuning mapanatili ang network, na hindi pinagkalooban ng Kamara ng bagong franchise.

Hindi naman napigilang mapaluha ni ABS-CBN Chief Operating Officer of Broadcast Cory Vidanes.

Hindi niya lubos maisip na aabot sa pagsasara ang kompanyang pinaglingkuran niya ng 34 na taon.

Makatatanggap ng email mula sa Human Resources Department ang mga empleyado ng ABS-CBN para maipaliwanag sa kanila ang mga mangyayari sa company-wide retrenchment.

Continue reading below ↓

Ngayong gabi, inilabas ng ABS-CBN sa TV Patrol ang opisyal na pahayag ng management tungkol sa pasya nitong itigil na ang operasyon ng ilang mga negosyo kaya, labag man sa kalooban, may mga matatanggal na manggagawa.

Narito ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN management:

"Dahil sa desisyon ng Kongreso na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, humantong na ang network sa mahirap at masakit na desisyon na itigil ang operasyon ng ilang negosyo nito at simulan ang proseso ng pagbabawas ng empleyado simula 31 Agosto 2020.

"Ginagawa namin ang lahat para maibsan ang sakit na mararamdaman ng mga maaapektuhan, kabilang ang pagbibigay sa kanila ng separation pay na naaayon sa batas at retirement benefits at mga programang tutulong sa paghahanap nila ng bagong trabaho.

"Mahirap na pakawalan ang aming mga kapamilya sa panahong walang kasiguruhan at puno ng pangamba dahil sa COVID-19 ngunit ito ay isang desisyong kailangan naming gawin.

Continue reading below ↓

"Bagama’t masakit, ito lamang ang paraan upang matiyak pa ang trabaho ng ibang mga kapamilya.

"Ipinagdarasal namin ang mga mawawalan ng hanap-buhay at ang kanilang mga pamilya. Sana’y pagkalooban kayo ng lakas ng loob sa pagharap sa mga darating na pagsubok.

"Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginawa para sa ABS-CBN. Maraming salamat po, Kapamilya.”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa ginanap na town hall meeting ngayong hapon, July 15, malungkot na ibinalita ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak ang pagsasara ng negosyo at pagbabawas ng mga empleyado simula sa August 31. Ito ay matapos patayin ng 70 kongresista ang franchise renewal application ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results