Nadine Lustre says no to divisiveness amid ABS-CBN shutdown

by Rachelle Siazon
Jul 20, 2020
Nadine Lustre appeals for unity in fighting for ABS-CBN. She issues this statement following the issue about Kapamilya stars who are said to be taking a neutral stand or keeping mum about the closure of their home network.
PHOTO/S: Noel Orsal

Umapela si Nadine Lustre na sana ay manaig ang pagkakaisa ng mga lumalaban para magpatuloy ang operasyon ng ABS-CBN.

Hindi tinumbok ng aktres kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang mensahe tungkol sa pagkakawatak-watak ng mga tao.

Sabi lang niya, "Sana ay ibaling natin ang atensyon natin sa mga bagay na nararapat na pagtuunan ng pansin.

"Pakiusap, wag tayo magaway away at maghati. Wala na tayong oras."

Continue reading below ↓

Base ito sa tatlong magkakasunod na Instagram Stories ni Nadine nitong Lunes, July 20.

Walang ibang idetalyeng binanggit si Nadine.

Pero tila matalinhaga ang apat na beses na pagbanggit ni Nadine sa mga katagang "gaya ninyo."

Gaya raw ng ibang Kapamilya, inihayag ni Nadine na lubha rin siyang apektado sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Diin ni Nadine: "Gaya ninyo kapamilya din ako. Gaya ninyo, natatakot ako sa mga nangyayari.

"Gaya ninyo, nalungkot din ako para sa 11,000+ na taong nawalan ng trabaho.

"Gaya ninyo umiiyak ako para sa sariling bansa. Dahil gaya ninyo, Pilipino din ako.

"Kasama ako sa laban na ito.

"Patuloy na tumutulong at nagdadasal sa kabila ng pagluluksa."

Continue reading below ↓

Kaisa raw si Nadine sa mga nagnanais maibalik ang operasyon ng ABS-CBN.

"Kasama ako sa laban na ito.

"Patuloy na tumutulong at nagdadasal sa kabila ng pagluluksa."

HOT STORIES

ANGEL LOCSIN'S MESSAGE TO FELLOW KAPAMILYA STARS

Hindi kaila na nitong mga nagdaang araw, hindi maiwasang hanapin ang presensiya ng ibang Kapamilya stars na hindi pa namamataang bumisita sa araw-araw na protesta sa tapat ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Continue reading below ↓

O kung hindi man pisikal na makarating sa ABS-CBN, may mga nagtatanong din kung sinu-sino sa ABS-CBN stars ang hayagan ang suporta sa istasyon sa pamamagitan ng social media.

Sa noise barrage sa ABS-CBN noong Sabado, July 18, tahasang kinastigo ni Angel Locsin ang kapwa Kapamilya stars na tikom daw ang bibig pagdating sa kalbaryong dinaranas ng kanilang home network.

"Sa mga artistang hindi nagsasalita, may career pa ba kayo? Wala na! Wala na kayong network!" ani Angel, na walang pinangalanan kung sino ang tinutukoy niya.

Pero giit ni Angel, hindi makakatulong ang pagiging "neutral" sa isyu ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

"Kahit magpa-cute kayo diyan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face… hindi niyo madadamayan ang mga katrabaho niyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!"

Hindi lang si Angel ang umaasa na sana ay makiisa rin ang ibang Kapamilya stars sa pakikipaglaban para sa kanilang home network.

Continue reading below ↓

May iba ring mga artista, production people, at employees ng ABS-CBN ang naghayag ng ganoong saloobin sa kanilang social media posts.

CHIE FILOMENO TAKES A SWIPE AT STARS WITH CURATED IG FEED

Isa na rito si Chie Filomeno, na bukas sa pagsuporta niya sa ABS-CBN.

Si Chie ay 23-year-old member ng GT o dating GirlTrend, isang all-female group na nakilala sa It's Showtime, ang daily noontime show ng ABS-CBN.

Linggo ng hapon, July 19, nagparinig si Chie sa mga kapwa Kapamilya stars na mas iniisip umano ang curated Instagram feed kaysa ang ipaglaban ang ABS-CBN.

Tweet niya, "Hello sa inyong lahat except sa mga ayaw masira IG feed nila, alam na tinatarantado tayo pero tahimik pa din hanggang ngayon at higit sa lahat walang utang na loob.

"Ang matamaan sana magkabukol."


Continue reading below ↓

REACTION OF NADINE'S FANS

Sa comments section ng tweet ni Chie, umalma ang fans ni Nadine na nagsabing tila ang kanilang iniidolo ang pinatutsadahan ni Chie.

Hindi kaila sa mga masugid na sumusubaybay kay Nadine na artsy at curated ang Instagram feed nito.

Kung susuriin ang Instagram account ni Nadine, wala itong anumang posts tungkol sa isyu ng pagpapasara sa ABS-CBN.

Liban na lang sa Instagram Stories, na hindi na makikita ng publiko pagkatapos ng 24 hours.

Pero depensa ng fans ni Nadine, hindi raw sukatan ang laman ng Instagram feed kung paano sinusuportahan ni Nadine ang laban ng ABS-CBN.

Sabi ng isa, "Ma'am, di lang instagram feed ang platform for protest.

"Do your thing and let the others do their own.

"Government is the bigger problem and not instagram feed."


Continue reading below ↓

Kaysa pagdiskitahan si Nadine, ang dapat daw batikusin ay ang 70 congressmen na bumoto para tuluyang hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.


May mga nag-akusa rin kay Chie na inggit lang umano ito sa Instagram feed ni Nadine.

Batikos ng fans ni Nadine kay Chie: "You're just a copycat!"


Continue reading below ↓

CHIE'S MESSAGE FOR THOSE WHO ARE "BUTTHURT"

Sa sumunod na tweet ni Chie, sinabi nitong wala siyang direktang pinangalanan sa kanyang patutsada sa mga artistang tikom ang bibig at mas inaatupag ang Instagram feed.

Giit niya, hindi lang isa kundi marami ang tingin niya ay tatamaan sa kanyang patutsada.

Tweet ni Chie, "MGA, wag butthurt. MGA, marami. Ayusin ang reading comprehension.

Continue reading below ↓

"This is not the time para TUMAHIMIK, ipaglaban kung ano ang tama pakiusap.

"Good night po."


Sinagot din ni Chie ang batikos na hindi raw niya ipaglalaban ang ABS-CBN kung hindi pa nagpatutsada si Angel sa mga kapwa Kapamilya stars na "neutral" sa ABS-CBN shutdown.

"SALAMAT AT NAG SALITA SI MISS ANGEL!" sarkastikong sabi ni Chie sa kanyang detractor.

Continue reading below ↓

Sabay paglilinaw ni Chie, "Matagal na akong mulat at nagiingay uy. Shhh sit down new twitter user."


HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre appeals for unity in fighting for ABS-CBN. She issues this statement following the issue about Kapamilya stars who are said to be taking a neutral stand or keeping mum about the closure of their home network.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results