Martin Nievera apologizes to son Robin for using his song in online concert

by Arniel C. Serato
Jul 28, 2020
Martin Nievera (left) to son Robin: "Wow sorry boy that’s my fault. I thought they needed more music so I sent it, but with your permission.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @robinnievera on Instagram

Humingi ng paumanhin si Martin Nievera sa anak na si Robin Nievera dahil sa pagsama ng Concert King sa kanta nito sa online concert ng ilang mga artista at personalidad kahapon, July 27.

Pinamagatang Tinig Ng Bayan, SONAGKAISA Online Concert, ginanap ito sa Ateneo de Manila University kahapon, July 27.

Ang nasabing pagtitipon ay itinapat sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga naunang inilabas na poster para sa event, makikitang isa si Robin, 33, sa mga panauhin kasama ang kanyang ama na si Martin, 58.

Continue reading below ↓

Pero mukhang walang alam si Robin sa event.

Sa kanyang Instagram Stories, sinabi ni Robin na maraming nagmi-message sa kanya na nagustuhan daw nila ang number nito kasama ang ama.

Pero ayon kay Robin, hindi siya imbitado sa event.

Kung inimbitahan man daw siya ay ibang awitin ang kakantahin niya.

Sabi niya (published as is), “I had no idea I was coming out on #TinigNgBayan.

“People messaging me telling me they liked my number with my dad.

“But believe if I was invited (coz I wasn’t) to do a number for them, I would sung something very different.

“And I would have said something a little ‘terrorble.’”

Hindi binanggit ni Robin kung anong kanta niya ang ginamit sa online concert.

Si Robin ay panganay na anak nina Martin at sa ex-wife nitong si Pops Fernandez.

Continue reading below ↓

MARTIN APOLOGIZES TO SON ROBIN

Sa kanyang Instagram feed, nag-post din si Robin ukol dito.

Iginiit niyang hindi siya imbitado sa event.

Saad nito, “I just found out that I was a part of some online special back home.

“I wasn’t invited to sing on that special.

“As much as I support it.

“If I was invited, I would have picked something else to sing.

“And I would have said something to my friends and family and my people.

“I have a lot so say about what’s happening in my home.

“Every chance I get, I will try to say something progressive.”

Base sa post ni Robin, wala siya sa Pilipinas ngayon. Sa pagbisita ng PEP.ph sa Instagram feed ni Robin ay napag-alaman naming nasa Amerika siya ngayon.

Pero ayon sa kanya, wala pa siyang kalayaang magsalita tungkol sa mga isyu.

Dagdag pa ni Robin, “So no. I didn’t have that freedom this time around.

Continue reading below ↓

“It was just another 'special number.'

“But if you wanna hear what I have to say.

“All you gotta do is give me that platform.

"Stop putting special numbers in these events.

“We need real songs. Real words. Real people.”

Kaagad namang humingi ng dispensa si Martin kay Robin ukol dito.

Continue reading below ↓

Saad ng Concert King, “Wow sorry boy that’s my fault.

"I thought they needed more music so I sent it, but with your permission.”

Wala naman daw itong problema ayon sa anak.

Tugon ni Robin, “@martinnievera not your fault.”

Dagdag pa ni Martin, ayaw niyang makaladkad ang pangalan ng anak sa isang political event.

Continue reading below ↓

Pero ang tanging naisip lamang daw niya ay ang mga kasamahan sa ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Ani Martin, “I really thought it was a thing for the 11,000 employees that lost their jobs.

“I don’t want ever to be political but sorry my kapamilya lost their jobs so I joined.”

Continue reading below ↓

Si Martin ay bahagi ng ASAP Natin ‘To, isa sa iilan na lamang programa ng ABS-CBN na patuloy pa ring umeere matapos mabigo ang network na makakuha ng bagong prangkisa sa Kongreso.

Bunsod nito, nagsagawa ng malawakang retrenchment ang pamunuan ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin Nievera (left) to son Robin: "Wow sorry boy that’s my fault. I thought they needed more music so I sent it, but with your permission.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @robinnievera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results